CHAPTER FOUR

1074 Words
DYLAN'S POV "Saan ka na naman galing?" Bungad ng ama niya na nasa sala na tila hinihintay siya. Napailing siya. Here we go again. "Dylan, kailan mo ba aayusin ang buhay mo?!" Galit na ito. "From your grades, records on the school, bisyo and all. Ano? Sisirain mo ba buhay mo? "Dagdag pa ng ama. Lagi na lang ganito simula umuwi siya ng pilipinas. "Dad, let me enjoy my life. I'm too young," tugon niya dito na naiinis. Pinipilit siya ng ama na maging matured e 21 pa lang siya. He should let him enjoy. "Too young your face! Dumaan sa ganyang edad si Lucas pero hindi siya ganyan. He was responsible and look, kaya na niya--" " Stop it. Stop comparing me to my brother. Iba ako, iba siya at sana maisip mo iyon," diretsahang sagot niya sa ama. Nagpipigil ng galit ang binata. "At sumasagot ka pa. Ang sinasabi ko, sinasabi ng ina mo ay para sa kinabukasan mo sana maisip mo rin sana iyan!" His dad is now shouting. "Really? Hindi ganun ang nakikita ko. You were forcing me to be the child you want, you don't let me to be the person I am. " sumbat niya sa ama na natigilan. "I am like a bird, i want to be free from under your wings. Let me handle my mess, and always remember that I am different from Lucas. " He told him with pain written in his face. His dad just stare at him then shook his head. "No. As long as nasa poder kita you will be under my wings. I am your father and you need to respect me! " Nag gagalaiting sigaw nito sa kanya at iniwanan siyang naka kuyom ng mahigpit ang mga kamao. Bakit hirap intindihin ng mga magulang niya na may sarili siyang buhay, na hindi siya dapat utusan sa dapat niyang gawin. Kaya may mga taong nagrerebelde dahil sa mga ganitong sitwasyon, and he was one of them. Umakyat siya sa kanyang kwarto at pinagsusuntok ang pader doon. Masamang masama ang loob niya, buti pa noong nasa America siya sa mga tita niya, masaya siya. Kinuha niya ang telepono at umupo sa may terrace ng kwarto niya. Tinawagan niya si Alexa. "Hey," Matamlay niyang sabi "What is it?" Nag aalalang sabi ng nasa kabilang linya. Kilalang-kilala siya nito, "Nothing. Some arguments with dad but okay na." Sabi na lang niya. " You sure?" She said calmly. "Yeah its just that, nasagot ko siya," tugon niya at napabuntong hininga. "Huwag mo ng uulitin iyon, he's your dad okay? By the way matutulog na ako. Nawala na ang lagnat ko, nakauwi na rin sina Rowy." "Alexa...." "What?" She asked. But he hold his tongue back. "Nothing. Goodnight..." Tsaka na niya pinatay ang tawag, gusto niyang umamin ng diretso sa kanyang bestfriend pero umuurong ang dila niya. Baka kase masira pagkakaibigan nila, at hindi niya alam ang gagawin kapag nangyari yon. Hindi niya din mabasa ang nasa isip ni Alexa kung may nararamdaman din ba ito sa kanya. Out of the blue bigla siyang napatingin sa bintana ng mga De Jesus kung saan naroroon ang silid ni Rowy, and there, he saw her watching upon him. Tila nabigla ito at biglang umatras sabay tago sa mga kurtina. Matalim na tingin ang ibinaling niya dito, tsaka padabog na pumasok sa kanyang kwarto. *** Nang makita niyang pumasok na muli ang binata sa kanyang kwarto doon pa lang siya nakahinga ng maluwag. Nahuli siya nito s**t! Ugali na niya kaseng tumingin sa terrace ng kwarto ng binata dahil madalas ito doon. At kanina nga nakita niya ito na tila ang laki ng problema at may mga kaunting dugo ang kamay. Gusto man niyang tanungin ito pasigaw pero nagpigil siya at makitang may kausap na sa telepono which is alam niyang si Alexa. Kita niya kase paano ito kumalma mula sa pagkaka-tense kanina. Bakit ba kase kagusto niyang sinasaktan ang sarili niya? Bakit kase umaasa pa siya na magugustuhan siya ni Dylan? Bakit kase ang hirap tumigil magmahal? It's been years but still si Dylan lang gusto niya, kahit ang daming iba na nagpaparamdam sa kanya. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at si Alexa iyon. "Hello, napatawag ka?" Bungad niya sa kaibigan. "I have something to tell you," tila malungkot ang tinig nito. Nag-alala siya bigla dahil sa dating ng tinig nito. "Ano iyon? Pinapakaba mo naman ako," aniya na napaupo sa kama. "Sa atin muna ito ha?" Pabitin pa nito. "Yes, i promised." "I am going back to Europe next month." Malungkot ang tinig ng kanyang kaibigan. Napatigil siya at hindi nakasagot agad, dapat hindi ba, maging masaya siya kase aalis na ang karibal niya sa atensyon ni Dylan? But she's not. Nalungkot talaga siya kase umalis na nga si Lucas tapos ngayon ito naman? "Rowy?" Pukaw ng nasa kabilang linya. "Wag. Huwag kang aalis, umalis na si Lucas pati ba naman ikaw?" Sabi niya sa kaibigan. Bumuntong hininga si Alexa. "I don't want too, Pero tinawagan ako kanina ni papa at sabi niya, kailangan kong umuwi." Ramdam ni Rowy na bukod roon, may iba pa itong dahilan. Ramdam niya. " Alexa, tell me hindi lang iyong rason hindi ba?" Usisa niya. Parang natigilan ang nasa kabilang linya. "Y-yes, actually nakakuha ako ng isang proposal sa isang sikat na modeling agency sa Europe. Alam ko ito na 'yung pinaka hihintay kong opportunity, and I want to grab it, Rowy," paliwanag nito na naiintindihan naman niya. "Then what is the reason, because it feels there is something holding you back?" Usisa pa niya. "Not something, but it's someone. You know who he is naman, si Dylan. Alam kong hindi siya papayag na magkakalayo kami and ako rin parang nagdadalawang isip ako. Kaya hinihingi ko sana ang opinyon mo," mahabang pahayag nito sa kanya. Kung sanang makasarili lang siya, sasabihin niya na umalis ito at igrab ang opportunity. But, mauuna niyang iisipin ang mararamdaman ni Dylan. Alam niya malulungkot ito ng sobra. "You can stay," turan niya kay Alexa. "Sino ba ang mas matimbang? Ang pangarap mo o si Dylan. I know kahit hindi mo sinasabi you love him..." Sa wakas nasabi niya ang bagay na iyon. Natigilan si Alexa, pagkaraan ay... "Let me think about it. And yes I'm inlove with him but we are not just living for love." Hindi niya maunawaan ang sinabi nito pero hindi na siya nag usisa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD