Teiph's POV Nabagabag pa rin ako sa natanggap kong mensahe. Tinatry kong tawagan pero unattended na ang number. Hindi ko ito makontak. Ano ba ang ibig niya sabihin sa mensaheng iyon? Multo ng nakaraan? "Hoy! Teiph! Parang aligaga ka diyan? Ano nangyari sa'yo?" Mataray na tanong ni Keniah. Sinamaan ko siya ng tingin. "Wengya ka Keniah! Bakit ka ba nanggugulat diyan?" Inis na ani ko sa kanya. Tumawa lang ito ng nakakaloko. Ano tinira ng babae ito? Nakadrugs ba 'yon? "Ang lalim ng iniisip mo Teiph ah." Mahinahong tanong ni Yuri. Napabuntong hininga naman ako saka umupo sa sofa. Lahat sila nakatingin sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. "Ang gulo! Ang hirap!" Naiiyak na sambit ko sa kanila. Nagsilapitan naman sina Athena at Alexis sa tabi ko. "Kuya? Ano ba ang alam mo sa na

