Zary's POV "Dragon Slayer Gang." Mahinang usal ko. Tch. I sighed. Tumayo ako mula sa kama at saka pumuntang terasa. Malalim na ang gabi at saka malamig ang simoy ng hangin. Maliwanag rin ang buwan at nagsisiklapang bituin. Hindi ako makatulog. Maraming bagay at palaisipan ang bumabagabag sa akin. Kilala ko na siya pero bakit niya ito ginagawa? Ano ang nagawa naming kasalanan sa kanya? Siya na multo ng nakaraan? Paano? Wala ako maalala na may nagawa kami sa kanya sa nakaraan. May naaninag naman ako sa isang malaking puno na nagtatago. Pumasok ako sa loob at saka pinatay ang ilaw, umakto ako na parang wala lang at matutulog na. Dali-dali akong nagbihis itim na damit saka lumabas ulit sa terrace sinadya kung iwanan kanina ang pintuan na bukas. Agad akong maingat na tumalon mula sa terasa n

