Teiph's POV
3 taon na ang nakalipas, at sa loob ng 3 taon hindi namin akalin na muling sisiklab ang gulo. Ang akala naming tahimik na buhay ay mali pala. Ang hindi namin inaasahan ang isang pangyayari na gumulo sa aming lahat. Tahimik na kami, nanahimik na kami. Bakit kailangan pa kaming guluhin? Bakit? Dahil sa pangyayaring iyon lahat na pangarap namin ay nasira. Ang akala naming tapos na ay hindi pa pala. Ito pa pala ang simula ng lahat. Simula ng bagong gulo, muling dadanak ang dugo. Kapag naalala ko ang nangyari 1 taon na ang nakalipas, hindi ko mapigilan ang mapaiyak, hindi ko mapagilan ang magalit ng tindi. Mahirap tanggapin ang pagkawala niya. Bakit? Bakit? Ang sakit sakit.
Hindi ko masisisi si Tory kung bakit siya nagkaganyan. Dahil kahit ako, kahit ang mga kasamahan ko ay hindi nila matanggap. Nanligid ang mga luha ko sa mga naalala ko sa lahat na nangyari.
"Noona?"
Untag sa akin ni Xylanz. Ngitian ko lang siya ng may pait sa aking mga labi. Hindi ko magawang ngumiti ng totoo. Niyakap ako nito.
"Noona, I miss her, I miss Noona Tory so much."
Umiiyak na sambit nito, pinigilan kong kumawala ang isang hikbi, kailangan ako ngayon ng kapatid ko. Kailangan namin ang isa't-isa. Tory, please bumalik kana. Hindi mo man kami kailangan pero ikaw, kailangan ka namin.
"Cous? Let's give her a time." Ani ni Athena.
Napabitaw ako ng yakap kay Xylanz at hinarap si Athena. Naningkit ang mga mata kong nilingon siya.
"Time? Bullshit! Hanggang kailan Athena? Hanggang kailan? Hindi lang siya ang nagluluksa! Lahat tayo nagluluksa! Lahat tayo nasasaktan! Damn it! 'Wag niya naman tayo iwan sa ere!"
Bakas sa boses ko ang galit na saad ko sa kanya. Napatakbo papunta sa amin ang mga kasamahan namin. Pinunasan ko ang mga luhang nag-unahan sa pagdaloy.
"Hanggang kailan tayo maghihintay sa kanya? Kung nasasaktan siya, nasasaktan rin ako. Hindi ko na siya maintindihan. Hindi na siya ang Zary o Tory na kilala nating lahat. Kaya 'wag na kayong umasa na babalik pa siya, ang kilala nating Zary/Tory."
Nakita kong natigilan sila sa sinabi ko. Humakbang na ako papuntang hagdan. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon, sa loob-loob ko ay umaasa rin na sana ay bumalik na siya sa amin. Nakakatawa lang parang niloloko ko lang iyong sarili ko. Nanggaling pa sa akin mismo ang mga salitang iyon, pathetic. Tumigil muna ako pero hindi ko sila nilingon.
"Xylanz, pasukan niyo na bukas kaya maghanda kana." Malamig na turan ko kay Xylanz at saka ko sila tuluyang iniwanan.
Sinirado ko ang pinto at saka napaupo sa may pintuan sapo ang dalawang palad. Doon ko lahat inilabas ang iyak ko. Bakit nangyari ito sa amin? Hindi pa ba sapat ang nangyari ilang taon na ang nakalipas? Kulang pa ba ang nangyari noon? Nawalan na nga kami pati pa ba naman si Zary ay mawawala sa amin? Ibang-ibang Zary ang nakaharap ko kanina. Dahil sa nangyari isang taon na ang nakaraan, lahat nagbago na, lahat na masasaya na samahan namin ay parang bula na bigla na lang nawala. Nag-iba na si Zary, mas naging Cold ito, walang awang pumapatay, walang sinasanto, mas nakakatakot, mas naging emotionless. Naging brutal. Sa pag-alala ko sa nangyari 1 taon na ang nakalipas ay nakatulog pala ako.
"Ang ganda mo sis! I'm so happy for you!" Masayang saad ko kay Zary. Ngumiti ito, ngiting totoo at masaya. "Salamat sis, ang ganda mo rin. Sighed! Sana tuloy tuloy na ito noh? Yong walang gulo? Iyong masaya at tahimik ang lahat." Ani nito, napangiti ako sa kanya. "Pssh. Huwag ka ngang mag-isip muna ng ganyan. Ano ka ba, this is your day, bawal ang umiyak, bawal ang magdrama, dapat maging masaya tayong lahat. Ikakasal kana, sis!" Masayang turan ko sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit. She hug me back.
Bang!!!!
Bang!!!!
"Noooo!!!!!"
Sigaw ni Zary, natigilan naman kaming lahat. Walang makakilos, para kaming naistatwa sa aming nakita. Walang makapagsalita sa amin. Napabalik lang kami sa aming mga sarili ng magpaputok si Zary. Puno ito ng dugo, ang damit nitong puti ay naging pula sa dami ng dugo. Blood. Napatingin ako sa taong nakahandusay, hindi ito maaari. Hindi!
"Simula pa lang iyan ng paniningil ko. Humanda kayo dahil isa-isahin ko kayong lahat. Magbabayad kayo! Lalong-lalo na kayong pamilyang Shin. See you soon my dear Queen!"
Parang demonyong tumawa ang isang boses babae. Hinanap namin kung nasaan siya pero hindi namin siya mahagilap.
Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Zary, sobrang lamig ng boses nito. Nanindig ang balahibo namin lahat sa paraan ng pagsabi niya. Ang mga mata niya na puno ng galit at nag-aapoy sa galit ito.
"Damn it! that vengeance! Magtago kana sa lungga mo dahil hindi kita titigilan hanggang sa makita kita. Hindi mo kilala ang binangga mo."
Sabi nito gamit ang malamig na boses nito. Bigla naman itong tumayo sa pagkakaluhod nito.
"Tory!!!"
"Tory!!!"
"Huwag!!!"
Napasigaw ako at nahahapong napabangon ako sa pagkahiga ko. Habol ko ang aking hininga habang naririnig ko naman ang mga nagmamadaling mga yapak ng nga kasama ko sa bahay na nagtatakbuhan papunta dito sa kwarto ko.
"Teiph! Anong nangyari?"
Bakas sa boses nito ang pag-alala. Niyakap ko naman siya ng makalapit siya sa akin.
"Sana nagka amnesia na lang ulit ako." Umiiyak na saad ko.
"Sshh. Huwag mong sabihin niyan." Pang-aalo na ani ni Sanji, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Napaginipan mo naman ba ulit?" Tanong sa akin ni Kuya Zy.
Tumango ako sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.
Zary's POV
Napatingala ako sa langit. Ang ganda ng mga bituin. Sana nagkaamnesia na lang ako ulit, mas mabuti na iyon kay sa ganito. Sighed. Hindi talaga kita titigilan. Bumuntong hininga muna ako bago ako nagdecision na umalis, kinuha ko ang susi ng motor ko at saka lumabas ng bahay. Pagkasakay ko ng motor ko ay agad ko itong binuhay at pinaharurot na pinatakbo. Mas binilisan ko ang pagtakbo at tudo overtake naman ang ginawa ko sa ilang sasakyan. Kanyang-kanyang busina at mura naman ang naririnig ko sa mga driver ng sasakyang inovertekahan ko. Ngumisi lang ako at hindi sila pinansin.
'Huwag kang mag-alala dahil konting panahon na lang at information, malalaman ko na rin kung sino ang bumaril sa'yo, kung sino ang nasa likod ng lahat na ito.'
Piping saad ko sa aking isip. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya makita. Sinimulan nila ang gumawa ng bagong gulo pwes ako ang tatapos sa gulong iyon. They started a new battle. A big battle at ang isang pagkakamali nilang lahat ay ang binangga ang isang Typhanie Artoria "Zary" Shin, ang isang kagaya ko ang tatapos sa kanilang lahat.
Pagdating ko sa isang club ay bumaba ako kaagad at pumasok sa loob ng club. Tss. Nagkalat ang mga lalaking manyak, mga babaeng walang saplot, usok ng mga sigarilyo. Parang masusuka ako sa mga nagmamaking out. Hinanap ko na agad ang sadya ko sa lugar na ito. Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng bartender, umupo naman ako sa tabi niya.
"Kamusta" malamig na turan ko.
Nakita ko naman na natigilan siya. Hindi niya siguro inaasahan na makikita ko siya sa lugar na ito.
"Q-queen."
Bakas sa boses nito ang takot at napangisi naman ako dun.
"Pakiabot pala ito sa kanya."
Ani ko sabay bunot ng baril at tinutok ito sa kanya bigla saka siya pinutukan sa dibdib pero iniwasan ko talaga na matamaan ito sa vital organs nito. Alam kung my connection ang gang ng babaing ito sa taong bumaril sa kanya at ang dahilan kung bakit..kung bakit... I sighed. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla, parang luluwa na ang mata niya sa sobrang pagkabigla.
"Sabihin mo, 'wag siyang magkamaling galawin kahit isa man sa kanila dahil baka hindi ako makapagpigil at mapatay ko ang buong pamilya niya."
Ani ko sa babae at mababakas ang kalamigan sa tinig ko. Nakatanggap ako ng isang sulat, a death treat. Hindi narinig ng nandito ang putok ng baril dahil nilagyan ko ito ng silencer. Tinalikuran ko na siya at sa pagtalikod ay bigla naman itong nalaglag sa upuan at doon na nagkagulo ang mga nandoon. Kalmadong naglakad naman ako papuntang labasan ng club.
"Goodbye."
Sambit ko ng makasakay na ako sa motor ko at saka ko ito pinatakbo ng mabilis, nasa malayo na ako ng biglang sumabog ang club. Huminto muna ako at saka nilingon ang nag-aapoy na club. Smirked. Nagkamali kang ginising mo ang halimaw na natutulog sa loob ko. Unti-unti ko kayong uubusin at ihuhuli talaga kita.
"Queen. The Restau, 100 meters away mula diyan sa pwesto mo."
Ani ng isang tao na kinuha ko para imbestigahan at alamin ang kinaroroonan ng mga tauhan nito, mga tauhan na kinuha ng taong naging dahilan ng trahedyang iyon, isang taon na ang dumaan. Ang taong pumaslang sa kanya. Napangiti ako ng malademonyo. Okay. It's pay back time. Pinaharurot ko na ang motor ko papunta sa lugar na sinabi ng tauhan ko. Pagbaba ko agad kong sinuot ang maskara ko at pumasok sa loob.
"Target spotted."
Nakakalokong sambit ko sabay ngisi. Taas noo akong naglakad at pumwesto malapit sa magbabarkadang nagkasiyahan. Agaw pansin naman ang ayos ko. Sinong matinong tao ang pupunta sa isang kainan na nakasuot ng maskara at naka all black pa? Psh. Tanging ang sadya ko lamang ang hindi nakapansin sa akin. Tatlong lalaki at apat na babae. Nagtatawanan ang mga ito, sige sulitin niyo ang oras na magawa niyo pang maging masaya at tumawa dahil hindi niyo na iyan magagawa pa kahit kailan.
"Hello. Happy new year!"
Nakakalokong saad ko sa kanila at nagtatakang lumingon naman sila sa akin hanggang dahan-dahan napalitan ng takot at pagkabigla ang mga tsura nito. Ngumisi ako, ngisi na manindig ang lahat na balahibo mo sa katawan. Nakita ko ang tinding takot ng mga ito sa kanilang mga mukha. Alam kong nagkaidea na sila kung sino ako.
"Merry Christmas."
Walang emosyong saad ko sabay pinutukan ko sila isa-isa at tinamaan ang mga ito sa dibdib. Nagsigawan naman ang lahat na mga customer na nandito sa loob ng the restau at nakita ko naman ang mga security na tumatakbo papunta dito sa loob. Ngumisi ako bago binasag ang crystal at saka tumalon dahil nandito kami sa 4th floor ng the restau. My pinindot naman ako sa may bewang ko at lumabas ang malabakal na pisi at diritsong nakatali ito sa chopper na naghihintay sa akin sa itaas. Pinuputukan pa rin ako ng mga guard, nagbilang naman ako sa mga kamay ko at senenyas sa kanila ito. 5, 4, 3, 2, 1.
'booggsshh'
I mouted at them bago sumabog ang 4th floor ng the Restau. Napangiti ako. I am the Queen, the notoroius, merciless & brutal Coldest Queen. Be careful on messing up with me dahil hindi mo alam baka hindi mo kakayaning makalaban ako. Ito pa lang ang simula ng laban.
The new battle is now beggin.
chellie15