Chapter 3: Home

1952 Words
Zary's POV Patawarin niyo ako, kung bakit ang lamig ng trato ko sa inyong lahat. Sooner or later malalaman niyo rin ang dahilan kung bakit tinataboy ko kayo. Hindi na ako papayag na muling may mawawala kahit isa sa inyo. Hindi ko na makakaya pa. Napapikit ako sa tindi ng galit sa dibdib ko. Tanging ito lamang ang nararamdaman ko, puno ng galit ang dibdib ko sa lahat na nangyari, mas lalo pa itong nadadagdagan kapag maalala ko ang nangyari noon. Napangiti ako ng pait sa aking naalala. Tumalon na ako mula sa mataas na puno na pinagtaguan ko. Palagi akong nakamasid, nakabantay sa kanilang lahat. Ang alam nila ay kinalimutan ko na sila, iniwan at hindi na pinahahalagahan. Kung hindi lang ng dahil sa nangyari 1 year ago, baka hanggang ngayon buo at masayang magkakasama pa rin kami.  "Bakit hindi ka pumasok sa loob? hinihintay ka ng lahat." Napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko. Napatingin ako sa kanya ng matagal bago ako sumagot.  "Hindi na kailangan. Aalis na ako." Sagot ko sa kanya. Akmang hahakbang na ako ng hinawakan niya ako sa braso. Napabuntong hininga naman ako.  "Bitaw. Hindi pa muna sa ngayon."  Malamig na turan ko sa kanya. Sa kanilang lahat siya lang ang nakakaalam na pumupunta ako dito at laging nakamasid. Siya rin ang mata ko sa loob ng mansion. Tanging siya lang ang nakakausap ko at sa kanya lang ako nakipagkita. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito bago niya ako binitawan.  "Ikaw ng bahala dito, bantayan mo sila lalong-lao na si Teiph at si Xylanz." Saad ko sa kanya bago ko siya nilayasan ng tuluyan. Hindi nila alam kung ano iyong pinagdaanan ko. 1 taon, 1 taon akong naghirap, mas malala pa ito sa nagkaamnesia ako. Kung papipiliin ako sa noon at sa ngayon mas piliin kong magkaamnesia ulit kay sa ganito. Nakawala nga ako sa bullshit na experiment na iyon ito naman ako ngayon nakakulong sa nakaraan, 1 taon na ang nakalipas. Mas malala pa ito sa human-robot na ginawa nila sa akin. Parang binalot ng yelo ang puso ko, tanging puot, galit, at pagkamuhi ang nararamdaman ko sa ngayon. Sinimulan ulit nila ang gulo at sila din ang lumalapit ng gulo sa akin. Bakit kailangan ito mangyari sa amin. Gusto kong umiyak pero bakit walang luhang lumalabas sa mga mata ko? Parang hindi na ako marunong umiiyak at hindi ko na alam kung paano. Pati ang pagngiti at tawa hindi ko na alam kung paano gagawin. Sa paglalakad ko pabalik sa bahay na tinutuluyan ko ay may naaninag ako na isang taong nakatayo na sobrang familiar sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Lumingon ito sa akin, nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Literally, napanganga ako na nakatingin sa kanya. Shock was written in my face. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ito maaari. Wala na siya, wala na siya. Hindi pwedeng----- Napabuntong-hininga ako and then I composed myself bago ko ito hinarap. "Anong kailangan mo?"  Tanong ko sa taong kaharap ko. Umayos akong humarap sa kanya, ang Queen na kilala ng lahat.  "Zary."  Sambit nito. Natigilan ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Hindi siya pwedeng siya. Hindi pwede.  "Let's get inside."  Saad niya sabay hablot niya sa kamay ko at naglakad papasok sa sarili kong pamamahay. "Bitaw! May sariling mga paa ako para maglakad kaya bitawan mo ang kamay ko." Malamig na utos ko sa kanya habang walang emotion na tiningnan ko siya. Hindi ito kumibo at saka binitiwan nito agad ang aking kamay at hinayaan ko naman siyang pumasok sa loob ng pamamahay ko. Pagpasok namin sa loob agad ko siyang binalingan at naka cross arm na hinarap ko siya. Napatigil naman ito.  "And now, speak!"  Walang emosyon na saad ko sa kanya at mababakas rin ang kalamigan sa aking tinig. Napatigil naman siya agad sa kanyang paglalakad.   "Zary, I have something to tell you."  Sabi nito in serious tone. Humanap ito ng mauupuan at ng makakita ay agad naman siyang umupo at nagsimula na itong magsalita habang ako ay nanatiling nakatayo habang nakacross-aram na nakaharap sa kanya. Someone's POV Isang taon na pala ang nakalipas, at isang taon na rin na nandito ako sa lugar na ito. Ano ba ang binabalak nila? Kung ano man iyon, sa ngayon pa lang itigil na lang nila dahil hindi iyon uubra sa kanya. Alam kung naghihintay lang siya ng pagkakataon.  "Kamusta ang lakad?"  Rinig kung tanong ng isang boses babae. Nanggigigil ako kapag naririnig ko ang kanyang boses.  "Relax. May araw din para diyan." Pampakalmang ani ng katabi ko. I sighed. "Ganun pa rin, wala pa rin pagbabago sa kanya ang pagkaka-iba lang ay she become coldest, so brutal, merciless & so emotionless."  Rinig naming sagot ng lalaki. Napapailing na lang ang katabi ko.  "Nag-iba na nga siya."  Mahinang usal ko saka napabuntong hininga. Para sa kanila walang may nagbago sa kanya para sa aming nakakilala sa kanya ay may nagbago sa kanya. Dahil base sa naririnig namin mula sa mga taong nag-uusap ay mas naging malala ito kaysa sa dating siya. Pinisil naman ng kasama ko ang aking dalawang balikat tanda ng pagcomfort nito. Kailangan na namin na makakaalis sa bwisit na lugar na ito? Zary's POV Napakuyom ako ng kamao sa lahat na sinabi niya sa akin. Mas tumindi ang galit na nararamdaman ko sa aking puso. Ngayon na alam ko na ang lahat at kilala ko na rin ang kalaban, ang mga taong naging dahilan ng lahat na pangyayari sa aking buhay. Ngayon ay humanda na siya dahil ako naman ang gagalaw at ako naman ang maniningil sa kanya. Humanda talaga siya sa gagawin ko. Nakaalis na kanina pa ang taong kausap ko at nagbigay sa akin ng detalye tungkol sa kalaban, ang bagong kalaban na haharapin ko pero bago ito umalis ay may pinagplanuhan muna kami dalawa. Kung ito pala ang klaseng laro ang gusto nilang mangyari pwes ibibigay ko ito sa kanya at sa kanilang lahat. Magtaguan tayo at magplay innocent tayo, tingnan natin kung sino ang unang susuko at lalabas sa ating mga lungga. Ito na ang simula, simula ng bagong sigalot at ako naman unang kikilos. Pagbabayaran niya ang lahat na ginawa niya sa buong pamilya namin at sa aming lahat. They messed up with a wrong person. Nagkamali kayo ng binangga niyo. Ngayon makikita mo ang taong binangga at ginalaw mo, kung sino si Queen! Pwes ipapakita ko ito sa'yo, that who Queen really is.  Tumayo na ako sa kinauupuan ko at saka pumanhik na sa loob ng kwarto ko. Inumpisahan ko na ang pag- empaki ng gamit ko, kaunting gamit lang ang inayos ko at pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto.  Sumakay na ako sa motor siklo ko. Isa sa mga pinagplanuhan namin ay ang umuwi ako sa bahay. Bukas na ang simula ng pasukan at kailangan ako ngayon ng organization at ng university. Kailangan ko ng bumalik sa amin, sa kanila. We have to make another plan, a better plan. Ngayon ko lang sasabihin ito na kailangan ko sila sa pagbuo ng plano at may karapatan sila sa ganitong bagay.  Nakarating na ako ngayon sa labas ng mansion namin. Nakita naman ako kaagad ng guard kaya binuksan nito ang gate.  "Good evening Miss Zary."  Bati nito sabay yuko ng ulo. Hindi ko naman siya pinansin at tuloy-tuloy lang 'yong paglakad ko papasok sa loob ng mansion. Pinarada ko naman kaagad ang motor ko ng makarating ako sa garage. Sinukbit ko ang bag ko na pumasok sa loob ng bahay. Nagsiyukuan naman ang mga maid and butlers na makakasalubong ko at bakas sa mga mukha nito ang pagkabigla, gulat at hindi makapaniwala na umuwi ako sa mansion. Simula ng matapos ang gulo noon napagpasiyahan namin na dito na umuwi, minsan sa bahay namin. Isang taon na rin na hindi ako nakauwi dito sa mansion kaya ganyan na lang kung magulat ang mga tao dito. Lalong-lalo na ang mga kaibigan ko.  Nadatnan ko sila sa sala nag-uusap at walang kabuhay-buhay ang mga boses. Napalingon naman sa gawi ko si Xylanz, kita ko sa mukha nito ang pagkagulat, galak at pangungulila.  "Noona?"  Nag-alangang ani nito. Napatingin naman sa kanya ang mga kasama niya.  "Pwede ba Xy, tigilan mo na iyan? Hindi na nga siya sabi babalik eh. Kaya please lang tigilan mo na."  Bakas sa boses ni Teiph ang pagkainis nito. I sighed.  "Teiph."  Malamig at walang mababakas na kahit anong emosyon na sambit ko sa pangalan niya. Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat. I smirked.  "So drama. Tss"  Bored na sambit ko habang nakahalukipkip na tumingin sa kanila. Kailangan ko pa rin silang tratuhin sa kung paano ko sila tina trato mula noong isang taon na.  Wala pa rin ang may nakakilos sa kanila hanggang sa tumayo si Kuya Zy at lumapit sa akin at yumakap sa akin ng sobrang higpit. Hanggang sa mag-iyakan ang mga babae at ang mga lalaki naman ay lumapit sa akin at nakiyakap na rin. Nakita ko na tumayo si Xylanz at ang akala ko ay lalapit siya sa akin pero pumanhik siya sa taas papunta sa kanyang kwarto. Wala pa rin akong kibo at wala naman bakas na kahit anong emosyon ang mukha ko. Sa lahat na yumakap sa akin ay hindi ako gumanti ng yakap at hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kanila. Tumayo na si Teiph sa kinauupuan niya. "Bakit ka nandito?"  Blankong mukhang tanong sa akin ni Teiph. Napalingon naman sa kanya ang iba. Biglang natahimik ang mga nag-iyakan at naging seryoso ang mukha ng iba.  "What is the reason kung bakit nandito ako? Don't state the obvious dear."  Walang ganang sagot ko sa kanya. Napahinga ito ng malalim bago nagsalita ulit.  "Bakit nga ba Tory?"  May inis na turan nito. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa ilang beses na encounter namin dalawa at kung paano ko ito tratuhin. I sighed.  "Sa pagkaalala ko, I'm the owner of this house."  Sarcastic na sagot ko sa kanya. Gulat na tumingin naman silang lahat sa akin na para bang hindi nila inaasahan na maririnig nila iyon galing sa akin. Napangisi ako sa mga reaksiyon nilang lahat. Tsk. "Nag-iba ka na nga Zary."  Napapailing na sambit ni Teiph. I just shrugge my shoulder at nanatiling naka cross-arm yong dalawang braso ko at wlaang bakas na emotion yong mukha ko na nakatingin sa kanilang lahat. Hahakbang na sana ako papanhik sa taas kung nasaan ang aking room ng mapatigil ako sa paghakbang ko ng magsalita si Athena.  "Sandali lang. Ano nangyayari sa'yo Zary? At bakit ngayon ka lang nagbalak umuwi at magpakita sa amin? Bakit ngayon pa tayo mag-away-away na dapat ay mag-isa tayo? Kailangan natin ang isa't-isa. Dapat nga tayong magtulung-tulongan eh. Hindi 'yong ganito. Diba lahat naman tayo ay gusto na makauwi si Tory dito sa mansion so ngayon nandito na siya, ayaw niyo naman? Ano ba dapat, ha?" Naiiyak na saad nito. Natigilan ako sa tinuran niya. Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanila. I sighed again. Nanatiling nakatalikod pa rin ako sa kanilang lahat at ramdam ko naman na nag-aabang ang mga ito sa aking sagot. I face them with my emotionless and boring look . "Hindi ko kailangan ang tulong mo at sino ka ba para tanungin ako sa aking mga ginagawa? Dahil wala kang pakialam at lalong wala kang karapatan, Athena Xyra Shin." Malamig at emotionless na sagot ko sa kanya sabay diin ko sa kanyang pangalan. Kita ko sa mukha nito ang sakit at pait na kanyang naramdaman at parang iiyak na ito. "Nag-iba ka na nga dahil hindi ka na namin kilala."  Parang na iiyak na usal ni Athena. Wala pa rin mabakakas na emotion ang pinapakita ko sa kanila. "So?"  Maikling sagot ko sa kanyang sinabi. "Ngayon alam niyo na, that she's different from Zary that we used to know."  May himig na paghihinakit na sabi ni Teiph. Napatameme naman ako sa sinabi niya. Napabuntong hininga muna ako. "Tss"  Tanging sambit ko sa sinabi ni  Teip. I look at them emotionless habang naka cross-arm at nakasandig sa hawakan ng hagdanan.  Walang imik naman ang iba lalo na ang mga lalaki. Mula ng dumating ako hindi ang mga ito umimik o nagtanong man lang para bang naurong 'yong mga dila nila na magsalita.  "Enough" Ma awtoridad na usal ni Kuya Sky. Tumayo na ito saka lumabas ng bahay. Nagsitayu-an naman ang iba pang mga lalaki at sumunod kay kuya na lumabas ng bahay. Ang mga babae naman ay nanatiling naka-upo at hindi makatingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at wala pa rin mababakas na emotion na makikita sa aking mukha.  Napaupo naman si Teiph at Athena at kita ko ang pag-iyak ng dalawa. Ang masayahin at maingay na mansion noon ay parang naging araw ng kamatayan sa ngayon. This my home ngunit dahil sa nangyari ay parang inabanduna ko na rin ang pamamahay na ito ng tinatawag ko na home. I sighed at nagpatuloy ng lumakad pataas ng bahay papunta sa aking room para magpahinga at simulan na aking mga plano at hakbang.  chellie15
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD