"Kuya habulin mo ako." Masayang saad ko habang tumatakbo sa palibot ng bahay.
Naglalaro lamang kami ng habol habulan ng kuya ko sa palibot ng kanilang bahay. Tumatakbo ako habang tumatawa hangang sa nahuli ako ni kuya at binuhat. Tumatawa kaming dalawa habang kinakarga nya ako.
"Ikaw ulit ang taya kuya." Saad ko sa kanya.
Napatango naman siya sa akin at tumawa. Ibinaba nya ako para makapagsimula kaming muli ngunit nakita naming lumabas si Mama Annie.
"Dong, naa imuhang uyab. Dong, anajan ang jowa mo." saad ni mama Annie kay kuya.
Nagtatakang napatingin naman ako sa kanila. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni mama Annie kay kuya. Nakita ko na lamang napatango si kuya kay mama Annie at pumasok ng bahay. Nagtataka akong napatingin lamang ako kay mama Annie.
Bakit umalis si kuya? Akala ko pa man din maglalaro pa kaming dalawa.
Nakita kong naglalakad na lumapit sa akin si mama Annie at umupo para tingnan ako.
"Mama bakit umalis po si kuya? Ayaw nya po bang makipaglaro sa akin?" malungkot kong tanong kay mama Annie.
Napailing naman siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi.
"Hindi may pupuntahan lang si kuya mo, babalik rin yun at mag lalaro rin kayo." Saad ni mama Annie sa akin.
Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko iyon mula sa kanya.
"Talaga po ba mama?" masayang tanong ko sa kanya at napatango naman siya sa akin.
"Yehey!" masayang saad ko at nagtatalon ako.
Aantayin ko si kuya para makapaglaro kaming muli. Si kuya lang kasi ang nakikipaglaro sa akin, mukhang ayaw ata ng iba kong mga pinsan makipaglaro sa akin.
"Oh dahan dahan lang baka mapaano ka. Sol, uuwi si ate Gisele mo galing Siquior." Saad ni mama Annie.
Napatigil ako sa pagtatalon at lumapit kay mama Annie.
"Totoo po ba? Uuwi si ate Gisele? Kailan po? Miss ko na po si ate Gisele." Nasasabik kong tanong sa kanya.
"Hindi ko pa alam pero ang sabi nya uuwi siya bago kayo uuwi ng Cotabato." Saad ni mama Annie.
Napangiti ako nang marinig ko iyon. Excited akong makita si ate Gisele, ilang taon pa lamang ako noon nang huli ko siyang makita.
Ilang araw na ang lumipas pero hindi na kami muli pang nakapaglaro ni kuya at hindi pa umuuwi si ate Gisele. Inaaliw ko na lamang ang aking sarili sa bahay ng lola ko. Pinaglalaruan ko lamang ang mga tanim nyang bulaklak roon. Pumupunta rin ako sa kubo kung saan kaharap ang dagat.
"Oh Sol nandito ka lang pala. Asan si ate Adeline mo at ano yang tinitingnan mo jan?"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko si ate Chantal na naglalakad papalapit sa akin. Nakatingin lamang ako sa malaking military batch picture nila kuya Regis.
"Hindi ko po alam kung nasaan si ate Adeline." Sagot ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa picture nila kuya Regis. "Ate saan po jan si kuya Regis?" tanong ko sa kanya.
Agad nya namang itinuro ang picture ni kuya Regis. Tiningnan ko ng maigi ang litrato nya roon pero hindi ko alam kung anong pinagkakaiba ng mukha niya sa mga kasama nya.
"Bakit magkakamukha po sila lahat?" tanong ko kay ate at natawa naman siya.
"Kasi magkakapareho sila ng gupit noh? Di bale baka sa susunod nyong umuwi rito makikita mo na si kuya Regis mo." Saad ni ate at napatango naman ako.
Ilang araw na ang lumipas at uuwi na kami ngayon. Hindi man lang kami muling nakapaglaro ni kuya. Nakaupo lamang ako sa sofa nila mama Annie habang yakap yakap ang teddy bear na binigay sa akin ni mama Annie.
"Sol!"
May masayang sumigaw ng pangalan ko kung saan kaya agad akong napalingon roon. Nakita ko si ate Gisele na masayang nakatayo sa may pinto. Nanlaki ang aking mga mata at agad akong napatayo mula sa aking pagkakaupo at tumakbo papunta sa kanya.
"Ate Gisele!" masayang sigaw ko at agad nya akong niyakap at kinarga.
"Namiss kita Sol. May regalo si ate sa iyo." Saad ni ate at ibinaba nya ako.
May kinuha siya mula sa mga bag nya at nakita ko ang isang box ng Barbie na maraming damit. Nanlaki ang aking mga mata habang iniaabot nya sa akin iyon. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinatangap iyon. Napakaganda ng Barbie, ang gaganda ng damit niya. Agad akong napayakap kay ate Gisele.
"Thank you ate." Masayang masaya kong saad sa kanya habang yakap yakap siya ng mahigpit.
Nagkaroon kami ng maikling kwentuhan hangang sa umuwi na kami. Agad kong niyakap lahat ng mga ate ko, sina mama Annie at si nanay para magpaalam.
"Magiingat kayo sa daan ha." Bilin ni nanay sa amin.
"Sol magpakabait ka sa mga magulang mo ikaw rin Adeline." Bilin ni nanay sa amin at napatango naman ako at hinalikan siya sa pisngi.
Paalis na sana kami nang makita namin si kuya. Agad na pinahinto ni tito ang sasakyan. Agad namang binuksan ni kuya ang pinto ng sasakyan at niyakap nya kaming dalawa ni ate Adeline.
"Magiingat kayo sa byahe nyo ha." Bilin nga sa amin.
"Kuya bakit hindi ka na bumalik?" tanong ko sa kanya at isang ngiti lamang ang isinagot nya.
Nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko ang ngiti nyang iyon. Tiningnan ko lamang siyang may kinukuha na kung ano sa kanyang bulsa.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. May isinuot siya sa aking kamay at nakita ko ang isang bracelet na gawa sa seashells. Napangiti naman ako nang makita ko iyon at agad ko naman siyang niyakap.
"Thank you kuya." Masayang saad ko sa kanya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Ngumiti siya sa akin at pinisil ang aking ilong.
"Babawi si kuya sa iyo. Maglalaro tayong dalawa sa susunod nyong uwi rito." Saad ni kuya at napangiti naman ako sa kanya at napatango.
Lumapit siya kay ate Adeline at may isinuot na kwintas sa kanyang leeg. Nagusap silang dalawa bago kami tuluyang umalis.
Kumakaway lamang ako sa bintana ng sasakyan habang umaalis kami. Aabangan ko ang susunod naming pag-uwi ng Lanao para makipaglaro kay kuya.
4 years later and 1 week earlier
"Shall we dance?" saad ng isang boses sa akin habang inilalahad ang kanyang kamay sa akin.
Napailing naman siya sa akin, nakita ko ang isang ngiti sa kanyang mga labi.
"I will dance alone then. Keep safe always Sol." Saad nya sa akin.
Nakita ko siyanng sumayaw sa aking harapan at nakita ko siyang sumasayaw paakyat ng langit. Napakunot noo ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko maaninang ang kanyang mga mukha habang sumasayaw siya pero papaano nya nalaman ang aking pangalan?
1 week later
"Ha! Ano patay na si..." malakas na saad ni papa.
Naalimpungatan ako nang marinig ko iyon. Hindi ko narinig kung sino ang namatay pero sino nga ba? Bumangon ako sa aking kama at dahan dahang naglakad papalabas ng kwarto ko. Dumeretso ako ng kusina kung saan sila mama.
Nang makarating ako ron ay agad kong nakita ang nagluluksang mga mukha nila. Napakunot noo ako habang tinitingnan sila.
"Sino ang namatay?" paos kong tanong sa kanila.
Napalingon naman si mama sa gawi ko at sinensyasan akong lumapit sa kanya. Naglakad ako papalapit sa kanila habang kinukusot ang aking mata. Pinaupo ako sa tabi nya at inayos ang aking magulong buhok.
"Anak wag kang mabibigla. Ang kuya Antioch mo patay na." saad ni mama.
Naramdaman ko ang bilis ng t***k ng aking dibdib. Ang natutulog ko pang diwa ay biglang nagising nang marinig ko iyon. Napailing ako habang nararamdaman ko ang pagbuhos ng akong mga luha.
"Hindi pa patay si kuya ma. Hindi ma diba sabi nya maglalaro pa kaming dalaw pagbalik natin ron?" umiiyak kong saad kay mama at niyakap nya lamang ako.
Napailing ako sa kanya habang patuloy na sinasabing hindi pa patay si kuya.
1 week later
Libing na ni kuya ngayon, kasama ko lamang si ate Chantal habang nasa funeral homes kami at ino-autopsy ang bangkay ni kuya. Yakap yakap lamang ako ni ate Chantal habang nagaantay sa labas.
"Ate bakit namatay si kuya?" malungkot kong saad sa kanya.
"Pinatay si kuya Antioch mo, Sol. Pinalo siya ng bakal sa ulo." Saad ni ate at mas lalo akong nalungkot.
"Sino ang may gawa nito ate?"
"Hindi pa alam, Sol."
Bakit nila pinatay si kuya? Anong kasalanan ni kuya? Hindi naman siya masamang tao, napakabait ni kuya.
"Anong ginagawa kay kuya sa loob?"
"Tiningnan kung ano ba talaga ang nangyari."
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa akin ni ate. Tumakbo ako papasok ng funeral homes kung nasaan sila mama Annie. Nakita ko si mama Annie at ate Gisele sa labas ng isang kulay silver na pinto habang yakap yakap ang isa't isa at umiiyak. Nakita ko ang iba naming kamag anak na nakasuot ng shades at panay ang punas sa kanilang mga luha.
Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ang pinto na iyon. Nakita ko sa maliit na butas ang namumutlang mukha ni kuya Antioch habang bukas ang kanyang katawan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang mga lamang loob. Naamoy ko ang matapang na amoy ng gamot na nagmumula sa loob ng kwartong iyon. Hindi ako nakaramdam ng takot nang makita ko ang kanyang katawan na bukas. Napatingin ako sa mukha ni kuya, iyon ang huling magkakataon na makikita ko ang mukha nyang iyon. Ang kayang namumutlang mukha na puno ng paghihinagpis ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilang mapaiyak nang makita ko ang kanyang mukha.
Habang inililibig na si kuya yakap yakap ko lamang si papa habang nakatingin. Nakita ko kung paano humagulgol si ate Gisele at papaanong ayaw nyang ipasok ang kabaaong ni kuya sa huling hantungan nya. Nandudurog ang aking puso habang nakikita ang aming kamag-anak na naghihinagpis. Lalong lalo na si mama Annie na iniiyakan ang kabaong ni kuya. Niyakap ko nalang si papa habang itinatago ang aking mukha sa kanyang damit.
Matapos ang libing ay agad kaming umuwi habang sina ate Gisele at maam Annie ay naiwan sa sementeryo. Pumunta ako sa balcony ng bahay at narinig ko ang nagsisitaasang boses ng aking mga tito at tita.
"Reg, nganong ni takas man kas inyuha nga kampo unya wa ka na nanghid? Reg, bakit ka tumakas sa inyong kampo nang hindi nagpapaalam?" rinig kong isang tanong ng aking tita.
Nagtago ako sa pader habang pinakikingan ang mga tito at tita ko. Kung hindi ako nagkakamali si kuya Regis ang kanilang pinagagalitan. Sabi rin kanina sa libing ay nandon daw si kuya Regis at tumakas raw sa kampo nila.
"Ngano? Mu buot diay sila? Nananghid ko unya dili nila ko sugtan. Balag unsaon nila ko pagbalik sa kampo wa ko'y labot. Igagaw ko ang gipatay dili ko mupungko unya dili siya hatagan ug hustisya. Pagpatyun ko nang tauhana na ina biskan unsa. Bakit? Sila ang magdesisyon sa buhay ko? Nagpaalam ako pero hindi nila ako pinayagan. Wala akong pakealam kung anong gawin nila sa akin pagbalik ko ng kampo. Pinsan ko ang pinatay nila, hindi ako papaya na hindi siya mabigyan ng hustisya. Papatayin ko kung sino man yan sila, kahit sino pa yan." Galit na saad ni kuya Regis.
Narinig kong nagkakagulo sila kaya sumilip ako. Nakita kong pinipigilan ng mga tito ko ang nagwawalang si Kuya Regis. Napahawak ako sa aking labi nang makita kong suntukin ni papa Lijo si kuya Regis.
"Pag himuyong Regis, dili sa imong pagkaisog makita ang hustisya sa imung ig-agaw. Unya pagbalik nimos kampo ninyo bugbugin ka wa ka kahuna ana? Maghunos dili ka Regis, hindi sa lahat ng oras ang pagiging matapang mo ang daan para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pinsan mo. Tapos anong mangyayari sa iyo pagbalik mo ng kampo ninyo, bubugbogin ka ng commander mo, hindi mo bay an naisip?" sigaw ni papa Lijo kay kuya Regis.
Nakita ko si kuya Regis na nakaupo lamang sa sahig. Nakita ko ang nangangalating mukha ni kuya Regis. Natakot ako nang makita siya, ito pa lamang yung unang pagkakataong nakita ko siya.
"Unya pasagdihon ra nato ni? Kibaw kas palakad dinhis Pinas, wa ka'y tingog kun dili ka mu lihok. Pagkatapos, hahayaan na lang ba natin ito? Alam nyo kung ano ang pamamalakad ng hustisya rito sa Pinas. Kung hindi ka gagawa ng paraan walang mangayayari." Maring saad ni kuya kanila tito.
Nakita ko siyang tumayo at naglakad papalabas ng gate. Hindi ko alam kung anong tinutukoy ni kuya Regis pero ang tanging nasa utak ko malang ay. Namatay si kuya, pinatay si kuya at wala na akong kuyang makikipaglaro sa akin.
2 years later
"Sol uuwi tayo ng Lanao." Bungad sa akin ni mama.
Napakunot noo ako habang nakikita siyang abalang nagliligpit. Napangiti akong marinig iyon dahil minsanan lamang kaming umuwi roon. Kagagaling ko lamang sa summer class ko for pre-high school class.
"Talaga? Kailan? Anong meron, hindi naman fiesta ron at Christmas." Tanong ko kay mama habang nakatayo sa paanan ng pinto.
"Namatay ang mama Annie mo." Saad nya sa akin.
Nabitawan ko ang aking notebook na dala dala. Bakit naman mamatay si mama Annie na napakalakas nya. Last time we go home there naginuman pa kami ng wine at napakalakas nya pa noon.
"Pe-pero ba-bakit? Kamamatay lang ni kuya 2 years ago, bakit ang bilis naman ata?" nauutal kong tanong kay mama.
This can't be, bakit ang bilis mawala ng mag taong nakapaligid sa akin? Sabi pa ni mama Annie isasama nya ako sa Bohol sa susunod pero bakit ganito?
5 days later
Nakatingin lamang ako sa litrato ni mama Annie at kuya Antioch sa sala ng kanilang bahay. The two important persons in my life is now dead.
"Namatay daw si manang Annie, sumunod na talaga siya sa anak nya." Rinig kong bulong bulungan rito sa sala.
"Tinatago nya kasi ang sakit nya. Kaya siguro namayat siya."
"Hindi rin diba dinibdib nya ang pagkamatay ni Dodong kaya na rin siguro napabayaan nya ang sarili nya."
Umalis ako sa sala at umakyat ako sa ikalawang palapag. Nakita ko ang kwarto ni kuya Antoich at narinig kong may humihikbi roon. Sumilip ako roon at nakita ko si ate Gisele na umiiyak.
Napatingin ako sa hagdan nang marinig ko ang tawanan nila Tj at Liam habang tumatakbo ng hagdan. Agad ko naman silang sinalubong at sinabihang bumaba na lamang kami.
"Ma sorry, sorry. Wa na gyud hustisya kay Dodong, ma sorry gyud." Rinig kong saad ni ate Gisele.
Parang binato ang aking puso nang marinig ko iyon. Bumaba kaming tatlo ng hagdan at dinala ko sila sa may kubo para magpahangin. Ayaw ko namang makita ng mga pamangkin ko ang nangyayari sa kabilang bahay.
"Oh Sol nandito lang pala kayo." Rinig kong saad sa aking likuran.
Napatingin ako at nakita ko si ate Chantal na naglalakad papasok ng kubo. Ikinalong nya si Liam habang ako ay kalong kalong si Tj. Tahimik lamang kaming binabantayan ang dalawang bata.
"Ate kamusta ang kaso ni kuya?" tanong ko sa kanya.
Nakita kong natahimik siya at nalungkot nang marinig iyon.
"Six months after ng libing ni Antioch binasura ang kaso dahil mahina ang ebidensya." Saad ni ate.
Napako ako sa kanyang sinabi. Iyon pala ang sinasabi ni ate Gisele kanina.
"Bakit?"
"Wala tayong laban Sol. Kahit ano pang gawin natin binasura na ang kaso." Malungkot nyang saad, napailing naman ako sa kanyang sinabi.
"Hindi ate, dapat nating hanapin ang hustisya para kay kuya." Mariing saad ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at napailing. Nakita ko ang naluluhang mata nya.
"Anong point pa Sol? Patay na si mama Annie, binasura na ang kaso at wala tayong ebidensya."
"Edi hanapin natin ang ebidensya."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ko.
"Pwede natin hanapin ate." Pagpupumilit ko sa kanya.
"You are just a kid, Sol. Hindi ganon kadali hanapin ang sinasabi mo. Hindi ka naghahanap ng isang laruan sa mall, Sol. Hindi mo ba naririnig ang sarili mo, nasa Pilipinas tayo Sol yan ang isipin mo. Dito sa Pilipinas kahit anong pilit mong hanapin ang hustisya hindi mo mahahanap." Saad nya sa akin habang nakatingin ng seryoso at napapailing sa akin. "Kung hindi ka sikat, politiko at mayaman hindi ka papanigan ng batas, Sol. Yan ang tandaan mo, ordinaryong mamamayan lang ang namamatay. Isang basura lamang yan sa mata ng gubyerno at ng hustisya." Mariing saad nya sa akin.
Napailing ako sa mga sinasabi ni ate Chantal. I know that I am just a thirteen years old pero alam ko na kung ano ang salitang hustisya. Hindi ko hahayaang mamatay lamang ng ganon si kuya nang walang hustisya.
"Ate wag mong ila-lang si kuya. Alalahanin mong pinsan natin iyon, kahit sa maikling panahon ko lamang si kuya nakasama nandito siya." Saad ko sa kanya at tinuro ang puso ko. "Kayo ang lumaking magkasama kaya dapat ikaw ang nagsasabi ng mga ito at hindi ako. Pero kayo itong sumusukong hanapin ang hustisya sa kanyang pagkamatay." Saad ko sa kanya.
Tinawag ko ang dalawang bata at dinala pabalik sa bahay. 2 years ago he is been murdered and everyone is craving for justice but now they are slowly giving up? Kuya Regis risk himself 2 years ago to go the burial of kuya Antioch and also craving for justice. Each and everyone in the family crave for justice but why does the court denied it?
If ate Chantal already give up finding justice; I will not give up for kuya. In that day forward I said to myself there will be a justice for him. Kuya will someday serve a justice of his death after all.