Chapter 2

2002 Words
14 years later "Maam, are you okay?" saad ng police na gumagawa ng spot report. Napatango lamang ako, may mga medic na ring nagaasikaso sa akin. Tinatanong kung ayos lang ba ako o ano bang nararamdaman ko. "Maam pwede po ba kayong pumunta sa presinto? May itatanong lang kami sa iyo." Saad ng police sa akin. "Paano ang kotse ko?" tanong ko sa kanila habang nakatingin sa basakan. "Ipapakuha na lamang namin sa Municipal Engineers at ipapahatid sa Baroy Police District." Pagpapaliwanag ng police sa akin at napatango naman ako sa sinabi nya sa akin. Inimbitahan nya akong sumakay sa police car papunta ng police station. "Maam sabi rito sa record last month nahulog rin ang inyong sasakyan sa Mangpataw sabi rito ng Maranding Police station." Saad ng Police na gumagawa ng spot report. "Ah kasi po that time umuwi rin ako ng Raw-an galing pa ako ng Koronadal that time kaya nakatulog ako habang nagmamaneho. Tapos po ngayon galing ako ng Cotabato at nakatulog rin hindi ko naman inaasahan na mahuhulog ako muli." Pagpapaliwag ko. Napatango naman ang police habang tinatype ang mga sinasabi ko. Habang isinusulat nya ay napapalibot ako sa buong paligid. Ito na nga yung police station kung saan naireport ang case ni kuya. "Maam sure ba kayong hindi kayo nakainom o nakadrugs." Tanong ng police sa akin at nagulat naman ako. "Naku sir kung lango ako sa alak eh naamoy nyo na siguro ako at kung sumusinghot ako ng drugs eh hindi nyo ako nakakausap ng maayos. Nakatulog lamang po talaga ako kaya ganon." Pagpapaliwanag ko. Tiningnan naman ako ng policeman ng maayos kaya napaiwas ako. "Sir naman kung makatingin kayo eh parang hinuhuburan nyo naman ata ako." Saad ko sa kanya at napairap siya sa akin. "Naniniguro lamang." Saad nya sa akin at inialis ang tingin. "Pasalamat kayo at walang mga tanim ngayon at wala kayong may nadali. Naku paniguradong nasa selda ka na ngayon." Pagpapaliwanag nya sa akin. Ilang minutong nanahimik sa pagitan namin nang may lumapit na isang pulis sa kanya para may ini-abot at agad namang umalis. Ilang segundo pa ay nagpaalam akong pumunta ng banyo at pinayagan nya naman ako. Agad naman akong umalis sa lugar na iyon. patago naman akong naglakad papunta sa document room ng police station na ito. Sinadya ko talagang mangyari ang lahat ng iyon. Isinadya kong ihulog ang aking sasakyan sa basakan para mapunta sa police station. Sadyang tatanga-tanga lamang ako last month na naihulog ko pala sa basakan na under pa pala sa Maranding. Eh hindi naman ako tatanga-tangang ihuhulog ang kotse ko na makakabayad pa ako ng pagpapaayos ko ron. Nang mapansin kong walang taong nakamasid ay agad akong pumasok ng document room. Kailangan ko lang talagang hanapin ang police report ng kuya ko 16 years ago. Kung hindi naman kasi makalat ang abogadong iyon at nawala ang police report ng kuya ko. Naku kung hindi lang iyon patay naku sinasabi kong sinakal ko na yung abogadong iyon. Agad akong pumunta sa book shelve para hanapin ang year kung kailan namatay si kuya. Nagsimula akong hanapin ang year ni kuya hanggang may nabanga ako habang umuusog. Napatigil ako sa paghahanap at ibinanga banga ulit ang aking katawan pero bakit gumagalaw iyon? Kung poste ito bakit ganon parang may hugis? Dahan dahan akong napatingala at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang police officer. Napalunok ako nang makita siya, hindi nga ako makukulong sa ginawa ko kanina. Makukulong naman ako sa ginawa ko ngayon. "Naku sir wag nyo po akong ikukulong. Hinahanap ko lamang ang banyo kaya nakapasok ako rito." Pagmamakaawa ko sa kanya kasabay ang pagluhod ko at hinawakan ang kanyang kamay. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako muli nang mapansing hindi ata gumana ang pagpapangap ko. Humagulgol ako sa kanyang kamay para maawa siya sa akin. "Sir nagsasabi po ako--" saad ko at nagulat ako nang takpan nya ang aking bibig. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Tinago nya ako sa kanyang likuran at inialis nya na rin ang kanyang kamay sa aking labi. Napatingala ako habang nakikita ang maskuladong likod. Wow ang matcho naman ni mamang pulis at ang bait pa, naku kung hindi mo lang ako ikukulong, baka nilandi na kita. "Sid may babae ba ritong pumasok?" tanong ng isang boses. Nanlaki ang aking mga mata at napahawak sa aking bibig nang marinig ko iyon. Naku naman Sol makukulong ka na, paniguradong ilalaglag ka nitong pulis na ito. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng puso ko habang nakatingin sa likod ng pulis na ito. Naku po wag nya po sana akong ilalaglag. Mapapatay ako ng pamilya ko at babahain ako ng mura ng mga tita ko. "Wala po sir." Rinig kong saad nya. Nanlaki ang aking mga mata at gulat na napatingala sa kanya. Maya maya pa ay narinig kong isinara ang pinto ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag, nang marinig iyon. Agad naman akong napatayo mula sa aking pagkakaupo at tama tama namang humarap ang pulis sa akin. "Ano bang ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na pwede kang makulong sa ginawa mo? Pasalamat ka at ako ang nakahuli sa iyo kung hindi nasa loob ka na ng selda ngayon." Galit nyang saad habang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. Napapaatras naman ako sa ginawa nya. Naku naman itong pulis na ito napakagwapo sana kaso napakainit ng ulo. Bumuntong hininga naman ako at tiningnan siya ng masama. "Sir tapos ka na?" pilosopong tanong ko at hindi siya sumagot. "Pasasalamatan naman talaga kita pero minura mo na ako kaagad. Pero salamat ha baka hindi dahil sa iyo kinulong na ako." Saad ko sa kanya at ngumiti sa kanya ng peke. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin at dumistansya. Bumalik siya sa paghahalungkat ng mga files kung kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Hindi ba ikaw ang kinakausap ni Sergeant Distor kanina. Yung tatanga tangang mahulog sa basakan." Saad nya. Napaawang naman ang aking bibig sa kanyang sinabi. Ang sakit nya namang magsalita. "Ang sakit ha, grabe ka naman sa akin." Saad ko sa kanya at sumandal sa book shelve na kaharap nya. "Hindi nga ba? Anong kailangan mo rito? Hindi rito ang banyo at saka kung hinahanap mo ang banyo hindi sa ganong posisyon. Ano ka daga na naghahanap ng banyo sa mga papeles?" sarkastikong saad nya sa akin at saka lumipat ng ibang shelve. Naku sumosobra na itong pulis na ito. Ang sakit nyang magsalita. Nakakainsulto na siya akala ko pa man din mabait siya. "Ang sakit mong magsalita." Pagpupuna ko sa kanya. "I don't need your opinion." Malamig nyang saad habang may binabasa. Naramdaman ko ang mapupula ng aking mukha sa pagkainis. Sol inhale exhale, isipin mong isa lamang siyang pasyente na nagkakaroon ng irritation. "Are you and NPA? Kung NPA ka wala kang makukuhang lead rito. Kung gusto mong sirain ang police station na ito nagkakamali ka." Malamig nyang saad sa akin. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. NPA? Kalian pa ako naging rebelde? At saka napakasama nya nang magsalita. Hinarap ko siya at kamang sasampalin ko na sana siya nang mahawakan nya ang aking kamay. Agad nyang inilagay ang aking kamay sa aking likuran at idinikit sa book shelve. Naramdaman ko ang pamimilipit sa aking braso at lumalakrang bakal sa aking pisngi. Fudge ano bang nangyayari? "Aminin mo na kung NPA ka habang maaga pa." mariin nyang saad sa aking tenga. Napabuntong hininga ako sa kanyang sinabi. Nilingon ko siya pero idiniin nya lamang ako sa book shelve. Naramdaman ko ang bakal na lumalakra sa aking katawam. "Oh f**k Mr. Police, hindi ako NPA may hinahanap akong papeles ng kuya ko na namatay." Namimilit kong saad sa kanya. "So you are a thief?" he ask habang idinidiin ako. Napapamura na lang ako sa ginagawa nya sa akin. Kailangan nya ba akong idiin ng husto sa book shelve? Pasalamat siya at lalaki siya at babae ako. "I need that report to open the chase of my cousin. If you can't help me just release me already. Noong una pa lang naman talaga wala naman talaga kayong balak na tulungan kami." Mariin kong sigaw sa kanya. "Wala naman kayong kwenta sa paghahanap ng hustisya. Nagtiwala kami sa inyo na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kuya ko pero wala kayong may nagawa." Pagpapatuloy kong sigawa sa kanya. Nararamdaman kong lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin at tuluyan na akong binitawan. Nagtataka naman akong napalingon sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama habang nakatingin lamang siya ng seryoso. "Anong file ba ang hinahanap mo?" mahinang tanong nya sa akin. Napakunot noo naman akong napatingin sa kanya. Tama ba ang naririnig ko at hahanapin nya ang file ng kuya ko? "Ha?" paglilinaw ko sa kanya at tiningnan nya lamang ako ng seryoso. "Joke lang. File ni Antioch Pelagia Arles in June 12, 2003." Nagmamadaling saad ko sa kanya at isang tipid na tango ang kanyang itinugon sa akin. Umalis naman siya sa harapan ko at pumunta sa isang shelve. Sinundan ko naman siya kung saan siya pumunta at natagpuan ko siya sa pagitan ng isang shelve kung saan puno ng log books. Pinagmamasdan ko lamang siya nang bigla siyang magsalita. "Bumalik ka na ron baka tuluyan kang makulong sa ginagawa mo. Sabihin mo na lang sa matandang iyon na naligaw ka ng daan pabalik. Madali lang iyon mauto kaya nga inilagay sa pag gagawa ng spot report." Pagpapaliwanag nya sa akin. Napatango naman ako at agad na nglakad papaalis ng shelve na iyon nang maalala kong hindi pa ako nagpapasalamat. Niilang akong bumalik sa shelve na iyon at napakagat labing napatingin sa kanya. "Hindi ba sabi ko umalis ka na." Malamig yang saad sa akin. "Ah magpapasalamat lang sana ako at gusto kong sabihing gwapo ka." Saad ko sa kanya at tumakbo na ako kaagad papalabas ng kwartong iyon. Dali dali naman akong bumalik sa police desk. I sign some papers and they give me my keys afterwards. Naglalakad ako papalabas ng police station papunta kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Napabuntong hininga ako sa tapat ng sasakyan ko at pinatunog ang mga joints ko sa aking leeg at braso. Napailing lamang ako habang iniisip na napunta na naman sa wala ang lahat ng ginawa ko. "Mukhang maliligo ka naman ng wala sa schedule Eon ah." Saad ko sa sasakyan ko. Napatingin ako sa kotse ko na punong puno ng putik maging ang front glass nya. "Ms. Pelagia." Napalingon ako ng may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko iyong pulis na ipnagtakpan ako pero ininsulto naman ako. Tiningnan ko siya ng seryoso habang tumatakbo papalapit sa akin. "Oh anong kailangan mo? Naku, sinasabi ko sa wag mong subikang insultuhin akong muli." Pagbabantang saad ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. Inilahad nya ang isang brown envelope sa akin at marahas ko namang tinangap. Binuksan ko iyon at kinuha ang mga papers na roroon. "It is said that in June 12, 2003 there is a man name Antioch Pelagia Arles na hinimatay sa gilid ng national highway pauwi ng kanilang bahay. Nakasakay ito sa kanyang motorsiklo, isinugod sa provincial hospital pero dead on arrival because of blood clot around 2 am. Nagkaroon ng filing of case but in December 23 of 2003 ay isinara ang paghahanap ng hustisya dahil sa kakulangan ng ibidensya." He summarizes the important statement in the article he gave to me. Ipinasok ko muli ang papers sa loob ng envelope at tiningnan siya muli. Well lahat ng sinabi nya ay tama iyon rin ang sinabi sa akin ni ate Chantal noon. "Thank you." Tipid kong saad sa kanya. Binuksan ko ang sasakyan ko. Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita sa aking likuran. "The case is already dead 16 years ago, are still going to fight for it? It is been close because of the lack of evidence. How will you open it again?" paguusisa nyang tanong sa akin. "Maybe the case is already closed 16 years ago but my urge to find justice for my cousin, isn't dead yet, I will never give up until I give justice of his death." Saad ko sa kanya at pumasok na ako ng kotse ko. Nilinisan ko ang front glass ng aking sasakyan para mawala ang mga putik na naroroon. Habang inaantay na malinis ang aking salamin ay may kumatok sa aking kotse. Napalingon ako ron at nakita ko ang parehong pulis na nagbigay sa akin ng case file ni kuya. Bumuntong hininga ako at binuksan ang aking bintana para kausapin siya. "May kailangan ka pa?" mataray kong tanong sa kanya. "I can assist you sa paghahanap ng justice para sa kuya mo." he offer. Naatingin lang ako sa kanya. A police assistant? At sa dinami daming police sa kanya pa ako magpapaaassist? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD