"Sorry pero hindi na kinakailangan. I will not do some ridiculous stuffs." Saad ko sa kanya.
Hindi siya sumagot sa halip ay naglakad lamang siya sa paligid ng aking sasakyan. Sinundan ng aking mga mata kung saan siya patungo at nakita kong patungo siya sa kabilang side ng kotse ko. Hindi naman kaya papasok siya rito sa sasakyan ko?
Nanlaki ang aking mga mata nang buksan nya ang aking sasakyan at pumasok siya.
"Hoy hoy anong ginagawa mo?" natatarantang saad ko sa kanya.
Napasandal ako sa pinto ng aking sasakyan habang nanalalaki ang aking mga matang nakatingin sa kanya. Hindi naman kaya gagalawin ako nitong pulis na ito? Naku naman po wag naman sana.
"Drive the car towards the church." Malamig nyang saad habang nakaupo sa tabi ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Papakasalan nya na ba ako? Naku hindi pa pwede kailangan ko pang hanapan ng hustisya ang pinsan ko.
Ilang minutong tumahimik ang paligid nang bigla nya akong lingunin. Mas lalo akong napasandal sa pinto nang makita ko ang seryoso nyang mga mata.
"Hindi mo ba alam kung saan ang simbahan?" tanong nya sa akin at napailing naman ako.
Nakita ko siyang bumuntong hininga at ngumuso. Napakunot noo naman ako sa ginawa nya. Gusto nya ba ng halik? Ikaw naman mamang pulis napakaharot mo.
Lumapit ako sa kanya at ngumuso rin habang ipinipikit ang aking mga mata. Naku naman hindi ko alam na ganito pala manuyo ang mga pulis rito. Nagkasama lang kami sa isang kwarto kanina at pinagtangol ako tapos ngayon hihingi siya ng halik. Hindi naman ako kuripot halik lang naman eh, ano kayang pakiramdam ng halik ng isang pulis?
Napamulat ako ng aking mga mata nang may humawak sa aking mga balikat. Nakita ko ang masasamang tingin ng mamang pulis sa akin habang nakakunot noo.
"Anong ginagawa mo?" nalilitong tanong nya sa akin.
Napakunot noo naman ako at bumalikwas mula sa kanyang pagkakahawak. Hindi ba isang halik ang kailangan nya? Naku naman Sol nakakahiya ka.
"Ah makati ang nguso ko." saad ko sa kanya at umaktong kinakamot ng dila ko ang nguso ko.
Hindi siya sumagot kaya sinilip ko siya mula sa peripheral vision ko. Nakita ko siyang seryoso lamang nakatingin ng deretso sa kanyang harapan. Nakita ko naman ang kanyang matangos na ilong ang manipis na labi. Napakagwapo nya kapag naka side view.
"Tapos ka nang kamutin iyang nguso mo?" malamig nyang tanong.
Nataranta naman ako at iniayos ang pagkakaupo ko. Nakakagulat naman itong pulis na ito.
"Ah oo, saan ba yang simbahan na'yan?" natatarantang tanong ko at pinahinto na ang wiper ng sasakyan ko.
Nagulat ako nang lumandas ang kanyang kamay sa aking harapan at tila may tinuturo. Napalingon naman ako sa aking bintana at nakita ko ang simbahan na kanyang tinutukoy. Napakunot noo ako nang makita iyon, hindi ba't iyan yung simbahan kung saan ginanap ang huling misa nila Mama Annie at kuya?
"Drive your car in front of it, may paguusapan tayong dalawa." Seryoso nyang saad sa akin.
Nakita ko namang inialis nya na ang kanyang kamay sa aking harapan. Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong seryoso lamang siyang nakaupo.
Agad ko namang minaneho ang aking sasakyan patungo roon. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng simbahan. Mula rito natatanaw ko ang kulay pulang simbahan. Sa pagkakaalala ko noon kulay puti pa ito, marahil siguro hindi ko namukhaan ito kanina dahil sa bagong itsura nito.
"Anong gusto mong pagusapan?" tanong ko sa kanyang matapos kong iparada ang sasakyan ko.
Bumuntong hininga siya at humalikipkip habang nakatingin ng deretso sa laabs ng aking sasakyan.
"Bakit kinakailangan mong pumasok ng documents room? Pwede mo namang hingiin ang file nang hindi ninanakaw iyon?" malamig nyang tanong sa akin.
Nagulat naman ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Alam ko namang pwede akong magrequest ng copy ng file ni kuya pero napakaraming kailangang sundin bago ko iyon makuha.
"Iyon lang ang way ko para makuha ng mabilisan. Magaantay pa kasi ako ng isa hangang tatlong buwan para lang jan. Marami ring papeles na ibibigay bago ko makuha ang papers nya at saka patay na rin ang abugadong may hawak ng kaso na ito kaya mahihirapan akong humingi ng Attorney's letter galing mismo sa lawyer ng kasong ito." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Bigla naman siyang natahimik sa sinabi ko. Kung hindi ko pa hiningi ang papers ni kuya dati paniguradong hindi ko na muli pang mabubuksan ang kaso nya. Isang buwan kasi matapos kong kunin ang papers nya ay aksidenteng namatay ang abogadong iyon. Car accident with his wife, papunta raw sila ng Illigan noon nang makatulog sa pagmamaneho si Attorney.
"Pasalamat ka at ako lang ang nandoon sa mga oras na iyon kung hindi nasa kulungan ka na ngayon." Saad nya sa akin pero hindi ako sumagot. "Sorry nga pala kanina at medyo nasaktan kita at pinagkamalang NPA." Saad nya sa akin.
Napailing naman ako sa kanya.
"Ayos lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ganon ang naging reaksyon mo at saka sanay na rin ang katawan ko sa sakit." Saad ko sa kanya habang deretsong nakatingin sa daan.
Nasanay na ang katawan ko sa sakit at pagod sa mga duty ko. Nakaassign kasi ako sa male ward ng hospital kaya kailangang full force kapag binubuhat mo sila at inaalalayan.
"Sigdonious Herios nga pala." Pagpapakilala nya sa akin.
Napalingon naman ako sa sinabi nya at nakita ko ang nakalahad nyang kamay. I sight and I slightly punch his palm.
"Napakaformal naman." I sigh and smirk. "Shaethe Solemnity Pelagia, others calls me SS pero mukhang screenshot ang meaning kaya Sol na lang." saad ko sa kanya at kinindatan siya.
He smirk at me and withdraw his hands while nodding consistently.
"No wonder napakatamang mong pumasok roon." Saad nya sa akin at natawa naman ako.
"Matapang?" tanong ko as I sight. "Kinakailangan para sa kuya ko." Saad ko sa kanya at hinawakan ang manibela ko. "Salamat nga pala sa papers, paano ba kita babayaran?" tanong ko sa kanya at nilingon siya.
"Tell me why you want to open the case that's been dead more than a decade." He said and I was shock.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. Napahawak ko ng maiingi sa manibela ako at bumuntong hininga bago sinimulan ang pagkwekwento at saka siya sinagot.
"Kasi gusto ko ng hustisya para sa pinsan ko." Matapang kong saad sa kanya at nilingon siya.
"Pero kaya nga isinara ang kaso dahil kulang ng ebidensya at witness." Saad nya sa akin and I smirk at him.
I withdraw my sight at him and look straight.
"Easy, edi palakasin ang ebidensya at hahanapin ang witness."
I may like sounds hypocrite saying those words in front of a police officer. I know he is thinking the same way like my cousins when I said it to them.
"How and where?" he ask to me.
Nagulat ako sa sinabi nya. This is weird. I didn't expect to hear such a support from a stranger. I was expecting that he will judge me but it turns out different way.
"I didn't expect hearing that form a stranger." I compliment to him. "I've investigating since I was in the 4th year high school. I track every suspects of the case." Saad ko sa kanya.
Since 4th year high school but I plan it already when I was thirteen years old. An idiot may it say but I can risk everything just to give justice for my cousin.
"And now what are your plans?" he ask.
I look at him and put my index finger in my lips.
"Secret." I tease him and smirk at him.
I can't spoil the moment and I don't trust police anymore. We trusted them before and they let us down kasi hindi kami priority.
"Nasabi ko na ang lahat Mr. Herio kaya pwede ka nang bumaba ng sasakyan ko. Thank you for your help." I said to him and smile.
He seriously looks at me and I raise my left eyebrow to him. Palagay ko hindi pa siya satisfied sa mga sinabi ko. I know he is a police at alam kong trabaho nila ang umusisa pero bakit may nakakalagpas pa ring kriminal sa kanila? Kasi it's the criminals will not to say everything he knew.
"Where are you staying?" he ask and I rolled my eyes on him.
"It's none of your business." I said to him.
Itinaas nya ang kanyang kamay at napatango saka ibinagsak sa kanyang mga hita.
"Well good luck sa journey mo Ms. Sol at sana mahanap mo ang hinahanap mong hustisya." Saad nya sa akin.
I just nod at him. Tiningnan ko siyang lumabas ng sasakyan ko pero bigla siyang napatigil at hinarap ako.
"Wag mo nang uuliting pumasok ng isang pribadong lugar na walang paalam." Pagpapangaral nya sa akin at napatango ako sa kanya.
"Opo, last ko na po itong pumasok." Saad ko sa kanya at napatango naman siya.
Agad siyang bumaba ng sasakyan ko at isinara ang pinto. Nagsimula na akong magmaheno paalis ng lugar na iyon. Nagmaneho ako papunta ng Raw-an Point kung saan ang lugar nila papa. Miss ko na ring bisitahin ang mga pamangkin ko at maging si nanay.
Nagmamaneho lamang ako at laking gulat ko nang makitang nakasimento na ang Bagong Dawis na madadaanan papuntang Raw-an Point. Huling uwi namin rito ay hindi pa ito nakasimento at batuhing daan ang iyong madadaanan.
Mukhang magaling ata ng Gobernor rito at ang mayor. Himukin mo ba namang napasimento ang daan ng barangay. Binuksan ko lamang ang bintana at pinatay ang aircon ng sasakyan ko para makalanghap ng hangin. Habang nagmamaneho ako ay nakikita ko ng mayabong na palayan rito sa Bagong Dawis.
Napangiti ako nang makita ko ang bahay ng Australiano. Ang tawag ng mga tito ko sa lugar na ito Doreamon, hindi ko alam kung iyon ba talaga ang tawag rito sa lugar na ito. Nakita ko ang kulay yellow nilang bahay. Iyon ang sinyales na malapit na ako sa Raw-an point kung saan ang aking mga kamaganak.
Usap usapan nga rito ang trahedya sa pamilya ng Australiano na nagmamayari ng magandang bahay. Ang Australianong iyon ay may asawang Pinay na nakatira rito sa Lanao del Norte. Noong nasa Australia pa raw ang pamilya nila ay ginahasa raw ang asawa nya habang buntis pa at pinatay. Buti na lang nga at nasa military rin ang Australiano na iyon at nabigyan kaagad ng hustisya ang pagkamatay ng mag-ina nya. Matapos nya raw magritiro ay umuwi siya rito sa Pinas at pinatayuan ang kanyang mga manugang ng bahay.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila mama Annie na si ate Chantal na ang nagmamay ari ngayon ay agad akong bumusina. Dali dali namang lumabas si ate Chantal na may halong pagtataka ganon rin sila nanay at mama Tata.
"Ning abot diay ang mga tiga Cotabato? Nag dating pala ang mga taga Cotabato?" rinig kong saad ni Mama Tata habang lumalabas ng gate.
Napangiti naman ako habang inaantay silang maglakad papunta rito.
"Wa man sila nig sulti basi lain na. Wala man sila may sinabi, baka iba iyan." Sagot ni ate Chantal sa akin.
"Kinsa diay ni? Sino pala ito?" nalilitong tanong ni Mama Tata kay ate Chantal.
Nang nakalapit na sila ay agad kong ibinaba ang salamin ng kotse ko at iniawang ang aking sarili sa bintana at ginulat sila.
"Mama Tata, Ate Chantal!" maasayang sigaw ko sa kanila.
Nakita kong nagulat sila nang makita ako, dali dali namang tumakbo si mama Tata sa akin at hinalik-halikan ako sa pisngi. Napangiti ako habang hinahalikan nya ako, hindi ko mapigilang mapatawa sa saya.
"Nganong ni ari man ka? Wa man kay nigsulti nga mu pauli mo. Ahas day inday Ade? Naparito ka? Bakit hindi ka nagsabi na uuwi kayo? Nasaan sila Adeline?" masaya nyang tanong sa akin.
Napangiti akong bumaba ng sasakyan ko, namiss ko ang tinig ni mama Tata. Ang Cebuano accent nya at maging ang simoy ng hangin rito. Ang amoy ng dagat at ang amoy ng hangin na nagmumula sa mga isdang ginawang bulad.
"Ah wala po ako lang po. Nagleave po muna ako sa hospital ng isang taon." Sagot ko.
"Ngano may gang busong na ka? Bakit buntis ka na?" tanong n i mama at natawa ako sa sinabi nya.
"Hindi po, magpapahinga lang po muna ako nakakapagod rin po kasi." Sagot ko sa kanya.
Nagsimula kaming maglakad papasok ng bahay habang nakaabay ako sa kanya. I really miss mama Tata, I miss her seeing with her bistida and her scent. The last time we go here I think 5 years ago or 6 years ago.
"Nganong ni gwapa man kas samot gang oiy, nihamis imuhang balat ug ni taas ka pa gyud lalo ay. Tila gumanda ka pa lalo ngayon at gumanda ang iyong kutis at mas lalo ka pang tumangkad." Saad sa akin ni mama Tata.
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Sasagutin ko na sana siya nang mapadaan kami kay ate Chantal kaya napangiti ako sa kanya bilang pagbati.
"Ikaw nga po ang tila hindi tumatanda rito." Saad ko sa kanya at natawa naman siya.
Nang makapasok na kami ay nakita ko si nanay na dahan dahang lumalabas ng bahay. Agad naman akong nagmano sa kanya at inalalayan siya.
"Ay ang akong apo, Sol. Ang aking apo, Sol." Saad ni nanay sa akin habang tinatapik ang aking balikat.
Napangiti ako sa kanya at nakita ko ang kanyang asul na mga mata na naluluha nang makita ako. Agad ko naman siyang inalalayan paupo sa upuan rito sa balcony.
"Sol ni anhi man ka? Gi mingaw na ka? Sol, naparito ka? Nangulila ka na ba sa amin?" tanong ni nanay with her waray accent.
"Opo naman, namiss ko na kaya ang pinaka maganda kong lola." Saad ko sa kanya.
Agad namang isinalin ni mama Tata sa cebuano ang sinabi ko at agad naamn akong niyakap ni nanay. Naramdaman ko ang malabot nyang balat na nangangalubot na sa katandaan nya. Tila dinudurog ang puso ko habang yakap yakap ko siya. Namiss ko ang mga yakap nila at isa na rin doon ang yakap ni mama Annie. Humuwalay kami sa isat isa habang nakangiting nakatingin sa akin si nanay.
"Musta na man ka day? Dugay na man mus ni anhi dinhi. Kamusta ka naman Sol, matagal na rin hindi kayo nakapunta rito." Saad sa akin ni nanay.
"Busy po kasi nay kaya ganon. Ay nga po pala may dala akong vitamins ninyo at gamot nandon po sa kotse. Mama Ta may mga pasalubong rin po ako sa inyo." Saad ko sa kanilang dalawa.
"Ay naku Sol nagabala ka pa." saad ni mama Tata sa akin at napangiti naman ako.
"Hindi po, wag na po kayo mahiya." Saad ko sa kanila.
Naguusap lamang kaming tatlo nang lumabas si ate Chantal na may karga kargang todler. Napangiti ako nang makita siya, ito na ba ang anak ni ate Chantal napakali na.
"Hi tita Sol, kagigising lang po namin." Saad nya sa akin sa malumanay na boses.
Nakita ko naman ang isang batang babae na kinukusot kosot ang kanyang mata. Nakita ko ang mukha ni ate Chantal at nagmana rin siya sa kutis ng kanyang ina. Parang junior version ni ate Chantal si Cheska, napakagandang bata.
"Ay nimata na diay ang bata. Ay gisng na pala ang bata." Saad ni mama Tata.
Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Hi Cheska." Bati ko sa kanya at agad naman siyang yumakap kay ate Chantal.
Natawa naman ako sa kanya habang hinihimas ang kanyang likod. Sumilip naman siya sa akin at halatang kinikilatis nya ako. Ngumiti ako sa kanya at agad naman siyang nagtago. Nagtawanan naman kaming lahat sa kanyang ginawa.
"Gang tita man na. Gang, si tita mo man iyan." Saad ni mama Tata.
Sinusuyo ko si Cheska hangang sa lumapit na rin siya sa akin. Kinarga ko siya at nagulat ako na napakabigat nya palang bata. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumawa naman siya sa akin. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Napatingin lamang ako sa kanya, ramdam ko ang kagalakan sa aking puso nang makita ko siya. I am looking at the little version of ate Chantal, sana nakikita rin nila ate Adeline ang anak ni ate Chantal.
Nilalaro ko si Cheska nang may binati sila mama Tata na isang pamilyar na pangalan. Nagtataka akong napalingon kung sino iyon marahil ay isa sa mga kamag anak rin namin.
"Maayong hapon ninyo. Good afternoon." Saad nya at nagmano siya kanila nanay at mama.
Sinusundan ko lamang siya ng tingin nang umupo siya sa tabi ni nanay at nagkatagpo ang aming mga tingin. Nagulat ako nang makita siya, bakit siya nandito? Napakalaki ng Baroy pero bakit nagkatagpo pa kaming dalawa?