Chapter 4

1934 Words
"Ah Sol si Sid ang nakabili ng bahay ni nanay." Pagpapakilala ni ate Chantal sa akin. "Sid si Sol ang pinakabatang apo, pinsan ko galing Cotabato. Iyong lagi kong kinukwento sa iyo." Saad ni ate Chantal. Napatingin naman ako kay ate sa kanyang sinasabi. Ano naman ang ikunukwento sa akin ni ate rito sa pulis na ito? Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakatitig lamang siya sa akin. "Ah oo nagkita na rin kami kanina sa police station." Saad nya sa akin at nanlaki ang aking mga mata. "Police station? Unsay nahitabo nimo gang? Police station? Anong nangyari sa iyo?" nagtatakang tanong ni mama Tata sa akin. Naku naman hindi nila pwedeng malaman anong ginawa ko ron kanina. Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng bumili ng bahay ni nanay years ago itong lalaki pang ito. "Ah naligaw po kasi ako ng daan papunta rito kaya po nagtanong po ako roon, diba Sid." Saad ko sa kanya at pinagmulatan ko siya ng mata and he only smirk at me. Sana naman makiayon naman itong pulis na ito. Baka kung ano pang sabihin ng mga kamag-anak ko kapag hindi sumakay itong Pulis na ito. "Ah opo. Naligaw po siya kaya dumeretso na siya sa prisinto." Saad nya kanila mama. Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi, buti na lang at nakisakay siya sa sinabi nya. Nakita kong kumindat lamang siya sa akin at napangiwi ako sa kanya. "Mabuti naman akala ko napaano na itong pinsan ko buti na lang Sid at nandon ka." Saad ni ate Chantal ngumiti naman ako sa kanya. Nagkwekwentuhan lamang kami habang kandog-kandong ko si Cheska hangang sa dumating ang asawa ni ate Chantal at ang step son nya na si Avril. School days ngayon kaya paniguradong galing ng eskwelahan si Avril. "Hi tita Sol." Masayang bati nya sa akin at ngumiti sa kanya. Agad naman siyang nagmano sa akin at tumabi. Nilaro nya ang kanyang kapatid na kandong- kandong ko. "Hi kuya." Bati ko kay kuya Anselm. "Oh Sol, long time no see." Bati nya sa akina t napangiti ako sa kanya. Nagmano naman siya kay mama at nanay. Napatingin lamang ako sa kanilang dalawa nang lumapit siya kay ate Chantal at hinalikan ito. Napangiti akong makita iyon, kung mag-aasawa kaya ako ganito rin kaya kami ka-sweet? Matapos naming maghapunan ay naglakad lakad ako sa labas ng bahay. Habang nakatingala sa buwan at dumadampi ang hangin sa aking balat. Napayakap ako sa aking sarili nang maisipan kong pumunta ng kubo. Agad akong tumawid ng kalsada at pumunta ng bahay nila Mama Tata kung saan ang kubo. Napadaan ako sa mga bahay ng mga kamag-anak namin at binate nila ako. Dumeretso ako sa gate kung saan ang papasok sa lumang bahay ni nanay at ang bahay nila mama Tata. Sumilip muna ako, tiningnan ko kung gising pa ba ang pulis na iyon. Nakita kong patay na ang ilaw ng lumang bahay ni nanay. Dumeretso ako sa paglalakad ko papasok ng bahay. Nakita kong nawala na ang mga tanim ni nanay rito. Nalungkot ako nang makita iyon ay agad akong dumeretso sa aking paglalakad. Habang naglalakad ako ay may narinig akong nagkakantahan. Nagkibit balikat lamang ako, marahil ay sa kabilang bahay nanggagaling iyon. Dumeretso lamang ako sa paglalakad ako hangang ngiting nakarating sa may kubo. Nawala ang aking ngiti nang makita ko si papa Lijo at si Sid na nakaupo sa dulong parte ng kubo at nakaharap sa madilim na dagat. Nagkakantahan lamang sila ng mga old music, nakita kong may hawak hawak silang guitara sa kanilang mga kamay. Nakaupo sila sa dulong parte ng kubo kung saan walang bubong at kung saan isinasabit ni papa Lijo ang kanyang lambat. Tumalikod ako at naglakad pabalik sa aking daan. Ayaw ko namang maistorbo ang kanilang kantahan. Nang malapit na ako sa may tangkaran ng baboy nang bigla kong nakasalubong si mama Tata. "Oh Sol ni ari diay ka? Mu pauli na ka? Diri sa tag payag mu istambay. Unya na kas mu balik pikas balay. Oh Sol, nandito ka pala? Uuwi ka na ba? Dito muna tayo at mag pahangin." Saad ni mama Tata. Nagulat ako at naiilang na napangiti sa kanya. Sasagot na sana ako nang magsalita si papa Lijo. "Oh Sol in ari diay ka, wa man kay ni tingog. Oh Sol, nandito ka pala; wala ka man lang nagsabi." Saad ni papa Lijo sa aking likod. Napatingin ako muli sa kubo kung saan silang dalawa. Nakita kong nakatingin silang dalawa sa gawi ko. Napabuntong hininga na lang ako at napilitang bumalik sa kubo. Nagiinuman pala silang dalawa habang nagkakantahan. Pumasok sila sa loob ng kubo at pinagpatuloy ang kanilang pagiinuman at kantahan. Katabi ko lamang si mama Tata habang kumakanta sila. Sumasabay rin kami sa kanilang kantahan. Hindi ko pala alam na mahilig rin pala sa old songs itong pulis na ito. Kinakanta lamang nilang dalawa ay You're the inspiration by Chicago. Habang kinakanta nila iyon ay nakatingin lamang ako kanila mama Tata at papa Lijo, maya't maya kasing kinikindatan ni papa Lijo si mama Tata. Tila ba'y sila ay nangliligawan, napapangiti lamang akong makita sila. Ilang kantahan pa ng mga kanta ng Chicago bago tuluyang nalasing si papa LIjo. Agad namang inalalayan ni Sid si papa Lijo pauwi sa kanilang bahay. Naiwan lamang ako sa kubo habang nakatingin sa dagat. Nakita ko ang umiilaw na isla mula rito, sa pagkakaalala ko iyong nasa kanan ko ay ang Tubod habang sa harapan ko naman ay Tangub City. Nakamasid lamang ako habang tumatama sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Nakaupo lamang ako sa pinakadulo ng kubo habang nakabitin ang aking mga paa. Naririnig ko ang mga hampas ng alon sa at pag-galaw ng kubo na aking inuupuan sa maya't mayang paghampas ng alon. "Bakit ayaw mong malaman ng pamilya mo ang totoong nangyari?" tanong ng isang boses sa aking likuran. Agad akong napalingon at nakita ko si Sid na nakatingin sa akin. Iniwas ko lamang ang aking tingin, naramdaman ko ang pag-galaw ng mga kawayan. Hangang sa naramdaman ko lamang na tumabi siya sa akin. "Ayaw kong malaman nila." Tipid kong sagot sa kanya. Napangiti ako nang hindi siya sumagot sa sinabi ko. Alam kong hindi worth it ang sagot ko sa kanya. Maging ako rin siguro kung tatanungin ng ganon ay hindi rin ako sasagot at hindi ako masisiyahan. "Kasi ayaw ko silang mag-alala kung malalaman nila ang katotohanan, salamat nga pala. Ang dami ko nang utang sa iyon." pagpapatuloy kong saad habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Nanatili lamang siyang tahimik sa aking tabi kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin lamang sa kawalan ng dagat. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa dagat habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. "Bakit kating-kati kang buksan muli ang kaso?" tanong nya. Natigilan ako sa paglalaro ng aking daliri nang itanong nya iyon. Itinaas ko ang kaliwang paa at ipinatong sa inuupuan ko. "Paulit-ulit tayo?" iritadong tanong ko sa kanya at natawa naman siya. "I mean deeper meaning at bakit ikaw lang ang kumikilos?" tanong nya. "Kasi ako na lang ang umaasang magkakaroon ng hustisya para sa kuya ko. Lahat sila sumuko na ako lang ang hindi. Si ate Chantal sinabihan akong hayaan na lamang ang kaso. Si ate Adeline sinulat lang ang memories kay kuya. Si ate Gisele na kapatid ni kuya Antioch sumuko na rin. Ang mga tito at tita namin, maging ang mga magulang ko sumuko na rin na magkakaroon ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Si kuya Regis hindi ko alam kung sumuko na rin siya o galit pa rin sa nangyari." Malungkot kong pagkwekwento habang binabalatan ang kawayan. "Bakit hindi ka na rin sumuko?" tanong nya sa akin. Napatigil ako sa pagbabalat ng kawayan at napasmirk. Ipinagpag ko ang aking kamay at ipinatong ang aking baba sa kawayan sa aking hawapan. "Ayaw kong masayang ang paghihirap ni mama Annie. Dahil sa pagkamatay ni kuya Antioch napabayaan nya ang kanyang sarili, nadepress si mama Annie dahil nabasura ang kaso ni kuya. Kahit hindi nya sabihin sa amin a year after mamatay si kuya umuwi kami rito. Nakita namin ang napakaraming wine sa cabinet kahit hindi nya gawain ang uminom. She lost lots of weight hangang sa hindi nya namalayang may cancer pala siya at tinatago nya lamang sa amin iyon. Nalaman na lamang noong nasa hospital siya at nagaagaw buhay na. Si ate Gisele after ng pagkamatay ni kuya baka way nya na rin na makalimot ay iyong nanatili siya sa Siquior kasama ang pamilya nya. Nagsisi nga si ate nun bakit nya iniwan ang magulang nya rito." Malungkot ko na pagkwekwento sa kanya. "Alam mo ba sa lahat ng magpipinsan si kuya lang iyong lagi kong kalaro at kasama maliban kay ate Adeline. Kasi mga pinsan ko kung hindi going to college that time tapos na sa college habang ako nasa elementary pa rin. Siya lang iyong nagpaparamdam sa akin na hindi ako outcast sa pamilya. Kaya nung nalaman kong namatay siya kahit eleven years old pa lamang ako nun napakasakit. Yung tao na nagparamdam sa iyo na importante ka at part ka ng pamilya ay pinatay." Pagpapatuloy ko at naramdaman kong unti-unting bumuhos ang aking mga luha. "Hindi mo naman naiintindihan kung bakit gusto kong gawin ito. For sure hindi mo alam iyong pakiramdam na isang taong nagparamdam sa iyo na mahalaga sa iyo ay bigla na lang pinatay ng walang rason. Hindi mo alam iyong pakiramdam na gusto mong bigyan ng hustisya kahit hindi mo naman hawak yung batas." Saad ko sa kanya at tumingin sa kanya. Ibinalik ko ang tingin sa dagat at patuloy na pinalaruan ang aking mga daliri. "Naisara ang kaso dahil walang witness. Walang gustong magsalita patungkol sa pagkamatay ng kuya." Saad nya sa akin. "I know." Tipid kong sagot. "Anong balak mo?" tanong nya at natigilan ako sa paglalaro ng aking daliri. "Pupuntahan ang mga witness, ilang taon na rin ang nakalipas. Hindi naman priority ng pulisya ang kaso ng kuya ko." saad ko sa kanya. "Saan rin?" tanong nya. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang file kung saan ko mahahanap ang mga former witness ng kaso. Ibinigay ko sa kanya at agad nya naman kinuha iyon. "Paano mo nahanap kung nasaan sila?" nagtatakang tanong nya. Humiyod ako at napahiga sa sahig na kawayan ng kubo. Napayingla lamang ako sa langit kung saan puno ng mga bituin sa langit. "Ano ka ba may internet at social media na ngayon madali na lang silang hanapin. Tinulungan rin ako ng best friend ko na itract ang celular phones nila para masundan ko kung nasaan sila." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Ibinalik nya sa akin ang cell phone ko at agad ko namang tinangap. "Paano ka makakapunta ron? Alam mo ba kung saan iyan?" "Alam mo ang dami mong tanong." Pagpupuna ko sa kanya at napatingin sa kanya. I smiled at him and look up to the stars. "Edi magtatanong tanong, hindi naman masama ang magtanong. Pinoy tayo bro, sanay tayo magtanong ng dereksyon." Saad ko sa kanya. Bigla naman siyang natahimik sa sinabi ko. Sana makumbinsi kong magsalita sila para sa pagkamatay ni kuya. Mahaba haba pang tatakbuhin ng kasong ito pero hindi ako titigil hanga't wala hustisyang ipapataw sa kamatayan ni kuya. "Kailan ka aalis?" tanong nya sa akin. "Sa makalawa, magpapahinga muna ako rito pansamantala." Tipid kong sagot ko sa kanya. "Please lang wag mong sasabihin sa kanila. Alam kong mag-aalala sila at pipigilan ako sa kung ano mang gagawin ko." bilin ko sa kanya at napatingin sa kanya. Nakita kong nakatingin rin siya sa akin at napatango. Ngumiti akong napatingin sa langit habang pinapakingan ang hampas ng mga alon sa dagat. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. "Ipagdasal mo na lang ako na mabubuhay pa ako after kong mahanap ang hustisya. Hindi pa naman bibihira ang mga suspects ng kasong ito." Saad ko habang nakapikit at bumuntong hininga ako. "Pero hindi pag dumating ang araw na iyon hindi ko makakalimutang may isang pulis na tumulong sa akin para mabigyan ng hustisya ang kuya ko." nakangiti kong saad sa kanya. Sana lang talaga ay mabubuhay pa ako after kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni kuya. Kahit buhay ko pa ang kapalit ang hustisya ni kuya, masaya na akong mamatay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD