Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong nanatili ako rito sa Raw-an. Ngayon na ang araw na aalis ako para simulan ang paghahanap ko ng impormasyon sa toong nangyari.
Nagmamaneho lamang ako papunta ng Tubod kung saan naka tira ang unang suspect sa kaso, ang girlfriend ni kuya. Narito pa lamang ako sa highway malapit sa Provincial hospital ng may biglang huminto na motorsiklo sa aking harapan. Bigla na lamang itong huminto ng walang pasabi kung kaya’t agad kong inapahan ang break ng aking sasakyan. Napa-bounce back ako sa manibela at napasandig sa kinauupuan ko.
“s**t malapit na akong madisgrasya.” pagmumura ko habang nakatingin sa motor na nasa aking harapan.
Inis kong inialis ang seatbelt ko at bumaba ng sasakyan. Inis akong naglakad papalapit sa kanyang motor. Nakahelmet lamang ito habang nakafull gear, nakasakay siya sa kanyang big bike. Wala kukurap-kurap kong hinampas ang kanyang helmet.
“Gago ka ba? Alam mong may nakasunod sa iyo, bigla ka na lang hihinto ng walang signal.” Pagmumura ko sa kanya.
Nagulat ako nang biglang tumawa ito kaya mas lalo akong nainis at binatukan ulit ang kanyang helmet.
“Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?” galit kong saad sa kanya.
“Sol, Sol relax.” Saad nya at nagulat ako nang alam nya ang aking pangalan. “Ako ito si Sid.” Natatawa nyang saad sa akin at inialis nya ang kanyang helmet.
Si Sid? Iyong pulis na bumili ng bahay ni nanay at tumulong sa akin? Seryoso ba siya sa kanyang mga ginawa?
Nang matangal nya na ang kanyang helmet ay agad ko siya sinuntok sa mukha. Agad na tumama ang aking kamao sa kanyang mata. Napahawak siya rito habang dumadaing, hindi ko siya pinansin at naglakad na lamang ako pabalik sa loob ng sasakyan ko. Muli kong pinaandar ang sasakyan ko at nagmaneho papalayo sa kanya.
“f**k that policeman.” Pagmumura ko habang nagmamaneho. “Sira ulo ba siya? Malapit na kaming madisgrasya kung hindi ako nakapagpreno.” Patuloy kong pagmumra.
Nararamdaman ko ang pinaghalong inis at kaba sa buong katawan ko dahil sa nangyari. Nagmamaneho lamang ako at nagmumura nang biglang may kumatok sa aking bintana.
Kunot noo akong napatingin roon at nakita ko siya na suot suot ang kanyang helmet. Napairap ako at binilisan ko na lamang ang takbo ng aking sasakyan.
“Asungot naman itong pulis na ito.” Pagmumura ko habang nakatingin sa side mirror kung saan nakikita kong nakabuntot siya sa akin.
Nakita kong nag-over take siya sa aking kotse kaya binagalan ko ang pagpapatakbo ko. Naningkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
“Ano na naman kayang balak nitong pulis na ito?” bulong ko sa aking sarili habang derektang nakatingin sa kalsada.
Sa hindi kalayuan any nakita kong tumigil ang kanyang motor sa daan at bumaba siya rito. Papalapit na ako sa lugar kung nasaan siya at nakita kong nakatayo siya sa kalsada. Sinesenyasan nya akong tumigil, napaisip ako kung titigil ba ako o babaliwalain ko itong pulis na ito.
Sa bandang huli ay napagtanto kong baka amy importante siyang sasabihin sa akin. I pull over my car near to him. Lumabas ako ng sasakyan ko at nilapitan siya habang seryosong nakatingin sa kanya.
“Anong kailangan mo?” maangas kong bungad sa kanya habang nakahalukipkip.
“Do you need to punch me in the face?” galit nyang tanong sa akin and I rolled my eyes on him.
“Do I need to explain?” sarkastiko kong tanong sa kanya. “Ano ba kasing kailangan mo? Nagmamadali ako wag kang pabibo.” Inis kong saad sa kanya.
“Saan ka ba pupunta?” tanong nya at napairap naman ako sa kanya.
“Maghahanap nga hindi ba? At saka wag ka ngang magpangap na concern ka. Hindi bagay sa iyo at hindi tayo bagay.”
“Sinong may sabi sa iyo? Hoy Ms. Pelagia, for your information isa ako sa mga pulis na may hawak ng kaso ng kuya mo.” saad nya sa akin at natigilan ako nang marinig iyon. “Kaya kung saan ka man pumunta may concent ako.” Saad nya.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi at hinarap ko siya ng maayos. Nalilito naman siyang napatingin sa akin.
“Iniimbestigahan nyo pa pala ang papers ng kuya ko. Hindi ba’t isa lang naman ang kaso ng kuya ko sa mga hindi importanteng dokyumento ng pulisya? At sinong pulis ang magkakaroon ng interest na hanapan ng hustisya ang ilang taon na ang lumipas? Why don’t you focus on your promotion, find some drug users and dealers to cope up with your tally.” Saad ko sa kanya at saka ako naglakad palayo sa kanya.
A piece of mierda! (Spanish for s**t)
“Can you just please listen!” sigaw nya habang sumusunod sa akin.
Inis akong napatigil at napalingon sa kanya.
“Explain what? Na sinadya mong pahintuin ang motorsiklo mo at rason na muntikan akong madisgrasya?” galit kong tanong sa kanya.
Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.
“Is it what I did or what I said a while ago? Hindi kita maintindihan.” Saad nya at napairap naman ako.
“Both.”
“Ok, doon sa ginawa ko kanina sorry. Pero yung sa sinabi ko kanina totoo iyon.” pagpapaliwanag nya at napairap lamang ako. “I am not that kind of police that you are thinking. I am not chasing for a position, I am just doing my task and I am not assign in the war on drugs campaign. I am in the investigation team and the papers of your cousin has passed to me when Master Sergeant Tores.” Pagpapaliwanag nya sa akin.
“So you are saying that you are still investigating the case?” I ask and he nod.
“Just like what you said there are case that is important and not. In the case of your cousin, it belongs to the unsolved case and the bottom line files.” He explain and I rolled my eye on him.
“Ganyan naman sa gubyerno kapag may kapit at mayaman inuuna ang kaso na isolve. Habang sa walang kapit at hindi mayaman, magaantay na lang hangang sa pumuti ang uwak at wala pa ring hustisya.” Bulong kong pagmumura at tila hindi naman ito narinig ni Sid.
“Tapos ka na? Oh ano pang kailangan mo?” pagmamalditang tanong ko sa kanya.
“I want you to work with me. Let’s work together to find justice for your cousin.” Saad nya sa akin at natawa naman ako.
“Ang isang pulis makikipagtulungan sa isang sibilyan? Seryoso? Napaka-cute mo.”
“Wala ka bang tiwala sa mga pulis?” tanong nya.
Tiningnan ko siya mula ulo hangang paa at napangiwi kasabay ang pagirap ko.
“Nah, base on your scandals? Why would I trust in you? Isa lang rin naman kayo sa mga propaganda ng gubyerno.” Saad ko sa kanya. “Hindi ko nga alam bakit pa ako nanatili rito sa Pilipinas. Napakabulok ng sistema ng gubyerno, mula noon hangang ngayon.” I explaim to him and throw my eyes in the different direction.
“If you don’t have trust on me as police have trust on me as your family friend. I promise you will help you till the end of this case.” Saad nya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya. Are you just using me on what I have to solve this case? Or are you sincere to help me and have your promotion? How can I trust you Mr. Sid Herio?
“Lots of people said it already. Lots of police promise to solve that case and they all failed and let the case be buried as the victim. How can I trust you not only as a police and also a family friend?” I question him while looking straight in his eyes.
“Let me be with you and prove it to you.” He said with full of confidence and I smirk at him.
“Funny Mr. Herio.”
“I am serious here.” saad nya at seryoso kaming nagkatitigan sa isa’t isa.
Hindi rin naman sigurong masama kung pagkakatiwalaan ko siya, para rin naman ito sa iisang hangarin naming dalawa.
“Ok fine.” Saad ko sa kanya at inialis ang aking mga tingin. “What is your plan? You are the investigator here and the police.” I sarcastically said to him.
“Are you insulting me Ms. Pelagia?” he ask and I was shock.
I look at him with a shock face, while he is looking at me seriously.
“Then act like a police and stop arguing with me.”
“Then stop insulting me.”
“Fine.” I said and rolled my eyes.
“Can we just go back to our police station? I will just leave my motor there so we can start on your investigation and I will tell you the improvement of the case.” He said to me.
Tumalikod siya sa akin at naglakad papunta sa kanyang motorsiklo. I was just standing on my spot nang lumapit ang kanyang motor sa akin. Nagtatakang nakatingin lamang ako sa kanya.
“Ano tara na.” saad nya at napakunot noo naman ako sa kanya.
“Saan tayo pupunta?” nalilitong ko sa kanya at narinig ko siya sa loob ng kanyang helmet.
“Sa prisinto ikukulong kita sa buhay ko.” Saad nya sa akin at nakaramdam ako ng inis sa kanya.
Agad ko naman siyang hinampas pero nahawakan nya agad ang kamay ko.
“Biro lang. Nakakarami ka na sa akin.” Saad nya sa akin at binitawan ang aking kamay. “Tara na at saka hindi ako papatol sa iyo napakamasukitsa mo.” Saad nya sa akin at nauna nang nagmaneho paalis.
Napabuntong hininga naman ako at naglakad papasok ng kotse ko at padabog na nagmaneho papunta ng prisinto ng Baroy. Kung hindi ba naman sira ulo itong pulis na ito malapit na sana ako sa Tubod. Pwede nya naman akong kausapin noong nasa bahay pa lamang kami.
Nang makarating ako sa police station ng Baroy ay agad kong pinarada ang sasakyan sa harap ng simbahan. Habang inaantay ko siyang pumasok sa loob ng sasakyan ay kinuha ko ang phone ko. I track the phone of Collette, it is said that she is in the Patudan.
“Oh geez saan ba ang daan papuntang Patudan?” bulong kong tanong sa sarili ko.
I to the MS word in my phone to see the profile of Collette. I haven’t seen her before but our relatives said that she was on the funeral of kuya.
Natigilan ako sa pagbabasa ng profile nya nang may biglang kumatok sa bintana ko. Agad kong itinago ang phone ko sa bulsa ng damit ko at napatingin sa bintana. Nakita ko si Sid na sinesenyasan akong bumaba ng kotse. Agad ko naman iyong sinunod. Nung bumaba ako ay naramdaman ko ang matinding init mula sa labas.
“Bakit?” tanong ko sa kanya habang tinatakpan ang aking noo mula sa sikat ng araw.
“Give me your key; I will drive to our destination.” Saad nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya ng maayos.
“No, my car my key.” Deretsang saad ko sa kanya.
“Ok then, edi sasakyan ko ang gagamitin natin at iiwan natin ang sasakyan mo rito sa police station.” Saad nya sa akin at tiningnan ko naman siya ng masama.
Hindi ko naman pwedeng iwan ang sasakyan ko rito at wala akong tiwala na iiwan ko rito. Baka mamaya ano pang mangyari rito, mamomoblema pa ako sa pagpapaayos.
I rolled my eyes at naglakad papunta sa kabilang side ng sasakyan. Umupo ako sa front seat habang nakahalukipkip. Narinig kong bumukas ang back seat at nakita kong ipinasok nya ang bag nya roon. Hindi naman halatang pinaghandaan nya ito. Bumukas ang driver seat at pumasok siya sa loob ng sasakyan.
“Saan tayo pupunta?” tanong nya sa akin.
“Edi sa bahay ng suspect malamang.” Pagmamalidita ko sa kanya.
Narinig ko namang bumuntong hininga siya sa tabi ko.
“Ms. Pelagia-“ saad nya pero agad ko siyang pinigilan.
“Pwede ba tigilan mo ako sa kaka Ms. Pelagia mo Sid. Kung gusto mong sagutin kita ng maayos, wag mo akong tawagin sa apilyedo ko.” rinding saad ko sa kanya.
“Ok Sol, may anim na suspects ang kaso at sino naman sa anim na iyon ang pupuntahan natin?” saad nya sa akin.
“Kay Collette Nix Toledo-Bergado.” Deretsang saad ko sa kanya.
“Saan?” tanong nya at nilingon ko siya.
“Alam mo ba kung saan ang Patudan?” tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha.
“Ah oo sa Patudan sa Tubod.” Saad nya sa akin.
Nagsimula na siyang magmaneho papunta ng Tubod. Sana maabutan pa namin si Collette roon at may makuha kaming impormasyon.