Chapter 6

2051 Words
“Malayo ba ang Patudan mula rito?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa daan. “Hindi naman mga kalahating oras lang naman galing Baroy.” Sagot nya sa akin. Napatango naman ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa daan habang iniisip kung anong mangyayari sa akin. “Grabe noh going to 40’s na si ate Chantal pero naipanganak nya pa si Cheska.” Paninimula nya ng kwentuhan. “Oo nga eh.” Tipid kong sagot sa kanya. Si ate Chantal kasi ay 39 na ngayon siya ang pinakamatandang nag-asawa sa aming magpipinsan. Akala nga nila mama Tata ay hindi na siya mag-aasawa pero nung 35 siya ang may ipinakilala siyang lalaki sa pamilya. “Ayaw nga nila mama Tata kay kuya Anslem.” Out of the blue kong saad sa kanya habang nakatingin sa labas. “Ayaw nila kasi si kuya Anslem may anak sa pagkabinata niya, si Avril.” Dugtong ko sa aking pagkwekwento. “Hindi ko iyon alam ah.” Komento nya at pilit lang akong napangiti. Nanahimik ang buong byahe namin habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Ano kayang magiging reakyson ko kung malalaman ko ang katotohanan sa mga suspects? Magsasalita kaya sila o maalala pa kaya nila ang nangyari 16 years ago? Roumen’s POV Nakaupo lamang ako sa sofa rito sa opisina ko habang may binabasang article at umiinom ng mainit kong tsaa. I am having a moment of my life when someone bangs the door of my office. Napatigil ako sa pag-inom ko ng tsaa ko dahil sa pagkagulat. Nabigla na lamang ako nang may kumwelyo sa akin at nabitawan ko ang mga articles na hawak ko. Nakita ko si Jayda na galit na galit. “Hoy Roumen, asan ang barkada ko? ilabas mo naku kung hindi sasakalin kita!” naghuhuramintado nyang saad sa akin. I just grin on her while she was looking straight in my eyes. Hinawakan ko ang kamay nya at marahang itinatangal sa pagkakahawak nya. “Chill Jay, maupo ka and have a tea with me.” Saad ko sa kanya kasabay ang paglalahad ng sofa sa kanya. Naglakad ako papunta sa tea cups ko para kunan siya ng cup. Nang makakuha na ako ay bumalik ako sa sofa at pinatong ang tea cup roon. Nilagyan ko ng tea ang kanyang cup saka ko ibinigay sa kanya. Kinuha ko naman ang mga papers na nabitawan ko kanina. Mga babae nga naman padalos-dalos kung kumilos, galit ang pinapairal. “Hindi ko kasama ang best friend mo.” paninimula ko habang itinatabi ang papels ko. “Danny help her to tract the suspects right? Alam mo na anong ibig sabihin non.” Saad ko sa kanya at kinuha ang tea cup ko at humigop roon. Nakita ko namang nagulat siya sa aking sinabi. Inilapag nya ang kanyang tasa sa ibabaw ng lamesa at tiningnan ako ng maayos. “At pinayagan mo naman?” histerikal nyang tanong at napatango na lamang ako. Nakita kong napasapo siya sa kanyang ulo at napasandig sa sofa. “Rou, bakit mo pinayagan? At bakit hindi nyo man lang sinabi sa akin na itutuloy nya pala iyon?” naguguluhan nyang tanong sa akin. Inilapag ko ang aking tasa sa ibabaw ng lamesa at komportableng umupo sa sofa habang hinahawakan ang aking labi at baba. “Alam mo namang darating ang araw na ito Jay.” Saad ko sa kanya habang derektang nakatingin sa kanya. “Alam natin noong high school pa lamang tayo, alam mo kung gaano kagustong hanapin ang hustisya para sa kuya nya.” Dugtong ko rito. “Pero hindi ko naman inaasahang itutuloy nya ito.” Saad nya sa akin. Inialis ko ang aking pagbabahawak sa aking labi at humalukikip sa kanyang harapan. “Kilala mo si Sol, Jay. Hindi yan bigla-biglang susuko kapag gusto nya ang isang bagay. She is more passionate than us especially to her family.” “Bakit hindi nya na lang hayaan iyon sa mga pulis?” she ask and I grin on her. I snap my finger on her face to wake her up. Tiningnan ko siya ng seryoso, mata sa mata. “Jay, kaya nga kumilos si Sol kasi hindi kumikilos ang pulisya. 16 years na ang nakakalipas pero wala pa ring hustisya. Jay, nasa Pilipinas tayo kung saan usad pagong ang mga kaso rito kung ordinaryong mamayan ka lamang.” Saad ko sa kanya. “At saka wala ng tiwala si Sol sa mga pulis dahil sa nangyari.” Bulong kong saad sa kanya “Let’s just pray for her safety. Base on the case, may isang malaking tao ang isa sa mga suspects ng kaso.” Saad ko sa kanya. Napatingin ako sa malayo habang iniisip ko kung anong mangyayari kay Sol sa kanyang paglalakbay sa paghahanap ng hustisya. Sana ayos lang siya at hindi siya mapapahamak. Sol’s POV Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Collette ay agad akong napatingin sa lumang bahay. May ikalawang palapag ito at napapalibutan ng mga tanim sa buong paligid. Agad kaming bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa gate ng kanilang bahay. Ramdam ko ang kaba na makikita ko ang dating girlfriend ni kuya. Naalala ko ang usap-usapan noo nila ate Chantal at ate Adeline patungkol sa girlfriend nyang ito. Hindi ko mapigilang mainis at magalit pero hindi dapat iyon ang aking papairalin. “Tao po.” Saad ni Sid ng paulit-ulit. Nakatingin lamang ako sa bahay habang iniisip kung anong itatanong ko. Kinakabahan ako sa hindi ko mawaring dahilan. Noong hindi ko pa ito nasisimulan napakalakas ng loob ko pero ngayon na nasa harap ko na bakit tila kinakabahan ako? Maya-maya pa ay may lumabas na isang dalaga mula sa loob ng bahay. Marahil ay isa ito sa mga anak nya pero napakaimposible naman kung ganon. Sa pagkakatansa ko nasa 50’s na ngayon sila kuya kung kaya’t baka apo nya ito. “Kinsay tuyo ninyo? Sino ang hinanap nyo?” tanong nya sa amin. Napalingon lamang si Sid sa akin pero hindi ako tumugon. Kinakabahan pa rin ako sa malalaman ko sa pagpasok ko rito sa gate na ito. “Ah ana si Collette Nix Bernabe? Andito po ba si Collette Nix Bernabe?” rinig kong tanong ni Sid. “Ana dinhi, kinsa diay mo? Nandito po, sino po kayo?” tanong ng dalaga sa amin. “Si Sid ug si Sol, naa lang mi pamangkot sa iya. Pwede me musulod sa inyo ha nga balay? Si Sid at si Sol, pwede ba kaming pumasok may tatanong lang sana?” “Oo, anaa si Anti sa sulod. Sulod mo, pasaylua among balay ga ginubot. Wa pa’y kalimpyo dinhi, ni tagak pa’y mga dahon ka ipil-ipil dinhi. Oo, nandito si tita sa loob. Pagpasensyahan nyo na ang at marumi ang paligid, nagsisimula pa kasing malalaglag ang mga dahon ng Ipil-ipil.” Saad nya sa amin habang pinapapasok kami sa loob ng gate. Mas lalong bumilis ang kabog ng damdamin ko nang makapasok kami sa loob ng bahay. Napatingin ako sa paligid at napakaraming tanim. Deretso lamang kaming naglakad papasok ng kanilang bahay, ngunit hindi pa kami nakakapasok ay may bumungad sa amin. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng daster at napansin ko ang mga puting buhok na lumilinya sa itim nyang buhok. “Kinsay tawo Liz? Sino ang dumating Liz?” tanong nung babae sa amin. “Ah anti kani diay si Sid ug Sol, nangita sa imuha; naa daw sila’y pamangkot nimo. Ah tita ito po pala sina Sid at Sol na naghahanap sa iyo, may itatanong daw sila sa iyo.” Saad nung dalaga sa amin. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang dating girlfriend ni kuya sa aking harapan. Halo-halong emosyon at pangyayari ang naglalaro sa aking ulo. Naisip ko siyang sampalin, sabunutan o kahit ano pa. Gusto ko siyang saktan pero bumalik ako sa realidad na hindi iyon ang aking pakay. “Maayong buntag nimo anti ako diay si Sol, naa lang ko’y pangutana nimo kung ayos ra ba? Basin naa kay ginahimo, dili mi nigsamok-samok sa imuha? Magandang umaga po sa inyo, ako nga po pala si Sol. May titanong lamang po ako sa inyo kung inyong mamarapatin? Baka po nakakaabala kami sa inyo?” tanong ko sa kanya. Pautal-utal kong tanong sa kanya dahil hindi ako bihasang manalita ng bisaya. Nakita ko naman siyang napangiti sa akin. “Dili man, unsa diay tuyo ninyo sa ako? Hindi naman, ano pala ang kailangan nyo sa akin?” tanong nya sa akin habang umuupo sa sofa rito sa kanilang balcony. “Pag lingkod mo oiy. Umupo kayo.” Saad nya sa amin habang inilalahad ang sofa. Agad naman kaming umupo roon. Magsisimula na sana akong magtanong nang maalala kong hindi nga pala ako bisahasang manalita ng bisaya. Lumapit ako sa tenga ni Sid at nakita kong nagulat siya sa aking ginawa. “Are you fluent in bisaya?” tanong ko sa kanya at sinenyasan nya ako ng konti lang. “Paki translate ng mga sasabihin ko, hindi ako fluent sa bisaya.” Saad ko sa kanya at tumango naman siya sa akin. “Ah anti mu sulti siyag tagalog unya isulti nako nimo sa bisaya. Dili man gyud kahibaw mu bisaya ning bayhana sa akuang tupad. Ah tita, magsasalita po siya sa tagalog at sasabihin ko po sa inyo sa bisaya. Hindi po kasi siya marunong magsalita ng bisaya.” Saad ni Sid at natawa naman si Collette sa amin. “Way prublima na, kibaw man pud kog mu nagalog. Mag tinalagunay na lang ta day para dili lisod sa imuha. Ah walang poblema iyan, marunong akong magnagalog. Mag salita na lamang tayo ng tagalog ija.” Saad nya sa akin at napangiti ako at napatango sa kanya. Unti-unting nawala ang aking kaba nang tumawa siya sa akin. Mabait naman pala siyang tao, iba ang aking inaakala sa totoong nangyayari. “Salamat po.” Pagpapasalamat ko sa kanya at napangiti naman siya sa akin. Nakita kong lumabas ng makakain ang pamangkin nya kaya nahiya ako sa kanyang ginawa. “Naku po nag-abala pa po kayo.” Saad ko sa kanya. “Hindi ayos lang. Sabi ng aking pamangkin may itatanong raw kayo?” paguusisi nyang tanong sa amin. Nakita kong magsasalita na sana si Sid kaya hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa sofa. Natigilan siya at napatingin sa akin. Sinenyasan ko siyang ako ang magtatanong kaya wala siyang nagawa kung hindi hayaan sa akin ang lahat. Inialis ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay at napatingin kay Collette. “Ah anti wala po kayong asawa?” paguusisa kong tanong sa kanya at napangiti naman siya. “Meron, namatay noong 2014 at ang mga anak ko may kanya-kanya ng mga pamilya. Ang tanging kasama ko na lamang rito ay ang aking pamangkin na si Liza.” Sagot nya sa amin. “Kamo aha mo gikan? Kayo saan kayo nanggaling?” tanong nya sa amin. Nakita kong magsasalita na sana si Sid nang apakan ko ang kanyang paa. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tiningnan nya ako ng masama. Hindi ko lamang siya pinansin bagkus ay ngumiti lamang ako kay Collette. “Ah taga Cotabato City po po pero po nagbabakasyon lamang po ako rito. Naisipan ko lamang pong magtanong tanong rito hangang sa naisipan kong kayo ang uunahin ko.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. Natawa naman siya sa akin habang peke akong nakangiti sa kanya. Tumawa ka lang ng tumawa hangang sa gusto mo, tingnan natin kung makakatawa ka pa ba kung sasabihin ko ang totoong pakay ko sa iyo. “Anong katanungan ba iyan? Naku tila ba kinakabahan ako sa mga itatanong mo sa akin.” Jolly nyang tanong sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Talagang kakabahan ka ng husto kapag sinabi ko sa iyo ang totoo kong pakay. “Naku hindi naman po. Wag po kayong kabahan hindi naman po kami masamang tao.” Natatawa kong sagot sa kanya. At natawa naman siya sa sinabi ko. “Nga pala bago tayo magsimula, magjowa ba kayo?” tanong nya sa amin at natigilan ako sa tanong nya. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sid. Nakaramdam ako ng pandidiri nung sabihin nya iyon. “Ah hin-“ saad nya pero agad kong pinutol kasabay ang paghawak ko sa kanyang kamay. “Opo anti, two years na po kaming dalawa.” Saad ko sa kanya. Nakita kong aangal siya nang apakan ko ang kanyang paa. “Makisakay ka na lang kesa makahalata iyang babaeng iyan.” I ventriloquism said to him and he just rolled his eyes on me. Binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay at ngumiting ibinalik ang aking tingin sa kanya. “Nakakatuwa naman at umabot kayo ng ilang taon.” Saad nya sa akin and I grin at her. “Bakit po kayo ba ng ex-boyfriend mong si Antioch Arles hindi ba kayo umabot ng ilang taon? O baka naman po umabot kayo iyon nga lang mas pinili ka?” Seryoso kong tanong sa kanya at tiningnan siya ng seryoso. Oh how I really want to snarl at her but I should stop myself on hurting her. Gusto kong isumbat lahat sa kanya ang pagkamatay ni kuya at kung gaano kakapal ang kanyang pagmumukha. Nakita kong natigilan siya sa aking itinanong kung kaya’t napangiti ako. I finally get her attention for the case.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD