“Ah Ha?” nauutal nyang tanong sa akin pero nakangiti lamang akong nakatingin sa kanya.
“Sinong Antioch Arles?” nagmamaang maangang tanong nya sa akin.
I gasp and cross my legs in front of her while looking at her directly.
“Anti wag na po kayong magsinungaling sa akin. Kilala po kita, ikaw si Collette Nix Toledo-Bernabe ang ex-girlfriend ni Antioch Pelagia Arles bago siya mamatay noong June 12, 2003. Ikaw rin ang isa sa mga suspect ng kanyang kaso kaya wag ka na pong magsinungaling. Nandoon ka rin noong araw ng huling lamay at noong libig niya kaya imposibleng hindi mo siya kilala.” Saad ko sa kanya and I smile at her.
Nakita ko namang nagiba ang kanyang ekspresyon habang nakatingin sa akin. Tiningnan nya ako ng masama at nakangiti lamang ako sa kanya.
“Who are you?” matapang nyang tanong sa akin. I gasp in front of her and smile.
“I am Shaethe Solemnity Pelagia, ang nakakabatang pinsan ni Antioch.” Pagpapakilala ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko at napakunot noon g sabihin ko iyon.
“Ikaw yung batang ikunukwento nya sa akin noon. Sabi nya pa noon mahal na mahal nya raw ang nakakabatang pinsan nya na nakatira sa Cotabato City.” Saad nya sa akin at natigilan ako sa sinabi nya.
Kinukwento ako ni kuya sa girlfriend nya? Bakit para akong niyayakap ng hangin ng sabihin nya iyon sa akin? Bakit gusto kong maluha sa kanyang sinabi sa akin?
I didn’t know that I am so special for kuya to tell my story to others. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Ayaw kong maluha sa kung ano man ang kanyang sinasabi sa akin.
“Nililigaw mo ba ang usapan?” tanong ko sa kanya.
“Hindi, natutuwa lang akong makita ka. Nakita na kita noon nung lamay ni Antioch at noong libing. Oo tama ka nadon nga ako at kilala ko si Antioch. Napakaliit mo pa noon at hindi ko inaasahang makikita kitang muli sa ganitong pagkakataon. Napakalaki mo na, siguro kung buhay pa si Antioch matutuwa iyong makita ka.” Saad nya sa akin.
Hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha sa aking mga mata ng sabihin nya iyon. Agad ko namang pinunasan ang aking luha. Hindi ito ang oras na magpadala ako sa emosyon ko. Hindi nya dapat ako nakikitang naluluha sa kanyang mga sinasabi dahil alam kong isa rin siya sa mga rason kung bakit namatay si kuya. At kung bakit hindi ko na siya nayayakap ngayon, nakakausap at nakakasama. They killed my cousin and I am seeking for justice not for pity.
“Mukha nga kung hindi nyo pinatay ang pinsan ko.” marahas kong saad sa kanya.
Nagulat naman siya nang mapagtaasan ko siya ng boses. Naramdaman ko ang pag-aalsa ng aking dibdib sa inis habang nakatingin sa kanya. They all killed my cousin kahit ano pang sabihin niya sa akin na iibahin ang usapan namin.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Sid ang aking kamay pero inialis ko lamang iyon at tiningnan siya ng masama. I don’t need comfort, I don’t need pity, I need justice. Hindi ako magkakaganito kung hindi binigyan ng hustisya ang pinsan ko, matagal na panahon na ang nakakaraan.
“Ngayon sabihin mo sa akin anong nangyari noong araw na iyon. Ang sabi mo sa investigation 16 years ago wala kang alam nating dalawa na may alam ka sadyang ayaw mo lang magsalita.” Pagsusumbat ko sa kanya.
Nakatingin lamang siya sa ibaba habang sinusumbatan ko siya.
“Ang gusto ko lang ay malaman ang katotohanan. Hindi ako pulis ate Collette, ang gusto ko lang malaman ay kung anong nangyari kay kuya. For all this years nagmumukha lamang akong tanga na paikot ikot sa mga sinabi nyo. Ni isang statement ninyo walang may nagpapatunay na may alam kayo sa nangyari. Ate Collette nagmamakaawa ako, kung minahal mo si kuya sasabihin mo sa akin ang totoo.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin. Nakita ko ang emosyonal nyang mga matang nakatingin sa akin.
“Bakit gusto mo pang malaman? 16 years na ang nakalipas simula nang mamatay siya. Bakit gusto mo pang malaman ang totoo? Ibinaon na sa limot lahat ng nangyari sa kanya pero bakit patuloy ka pa rin sa paghahanap ng impormasyon?” emosyonal nyang tanong sa akin.
“Dahil sumuko na ang lahat, isinabay na nilang lahat sa limot ang pag-asa na magkakaroon ng hustisya sa paglibing kay kuya. Samantalang ako, ako na lamang ang nanatiling umaasang mabibigyan siya ng hustisya.” Disidido kong sagot sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. At nakita kong ngumiti siya kasabay ang paglandas ng luha sa kanyang mata. Nagulat ako ng makita ko iyon.
“Sana lahat ng tao ganyan ka-tapang ipaglaban ang kanyang saloobin sa iyo Sol.” Saad nya sa akin habang nakatingin sa akin.
Hindi ako sumagot sa kanya. Inialis nya ang kanyang tingin sa akin habang nakangiti ng tipid. Biglang tumahimik ang buong paligid at tanging huni ng mga ibon lamang ang tanging ingay sa paligid.
Nakatingin lamang ako sa kanya na nakatingin sa malayo na tila ba nagiisip. Napansin kong hindi siya mapakali ang kanyang mga kamay hanggang sa ibinalik nya ang kanyang tingin sa akin.
“Give me time, bumalik na lamang kayo rito sa sabado at sasabihin ko lahat ng nalalaman ko. wag kayong mag-aalala hindi ako tatakbo, makakaasa kayong magsasalita ako.” Saad nya sa akin.
Nagulat ako nang marinig ko iyon. Talaga bang magsasalita na siya tungkol sa nangyari. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin nya iyon. Inihatid nya kami sa gate ng kanilang bahay.
“Makakasiguro kayong makikita nyo ako rito sa sabado.” Saad nya sa akin at napatango ako sa kanya.
Agad kaming pumasok sa sasakyan ko at nagpaalam sa kanya. Nagmaneho si Sid paalis sa bahay nyang iyon. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintahana habang inaalala ko ang sinabi sa akin ni ate Collette.
Hindi ko napigilan ang aking sariling maluha sa kanyang sinabi sa akin. Pinipigilan kong humikbi nang hindi ako marinig ni Sid.
Kuya, kung nasaan ka man. Gusto ko lang malaman mong miss na miss na kita. Kuya miss ko na ang mga yakap mo sa akin, ang mga tawanan nating dalawa tuwing umuuwi kami. Kuya help me and guide me to find justice for your death.
Collette’s POV
Nakaupo lamang ako sa sofa habang inaalala ang mga sinabi ni Sol sa akin. Those serious eyes looking at me, it reminds me of him. Those serious eyes how he looks to me when we were young.
“Anti, ok ra ka? Tita, ayos ka lang po ba?” tanong ni Liz sa akin.
Napangiti lamang ako habang nakatingin sa kawalan.
“Ok ra ko gang. Ayos lang ako.” Saad ko sa kanya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa balcony at pumasok sa loob ng kwarto ko. Agad kong hinaluglog ko ang dati kong papers. Hangang sa nahanap ko ang isang box. Agad ko iyong kinuha at binuksan, agad na bumungad sa akin ang litrato naming dalawa noong nasa Tagum City kami.
Agad ko itong kinuha at tiningnan. 1st year anniversary namin iyon at nagkataong open na ang Christmas village noong panahong iyon. Tiningnan ko ng maigi at lahat ng alaala ay bumalik sa akin.
“I’m sorry Tioch.” Saad ko habang hinahawakan ang litrato. “Malaki na ang pinsan mo, iyong kinukwento mo sa aking bata noon. Dalaga na siya ngayon Tioch, napakaganda nyang bata. Katulad mo rin siya mahal na mahal ka at inaalam nya ang totoong nangyari. Tioch sana mapatawad mo ako sa hindi ko pagsasalita noon sa kaso mo.” Saad ko sa litrato habang dahan dahang bumuhos ang aking mga luha sa litrato naming dalawa.
16 years na pala ang nakakalipas simula nung nangyari iyon at lahat kami ay ibinaon na lahat ng nangyari sa limot. Pero hindi ko inaasahang darating ang panahong ito na muling maniningil ang nakaraan.
Sol’s POV
Natigilan ako ng biglang inihinto ni Sid ang sasakyan. Agad kong pinunasan ang aking mga luha ng aking mga kamay pero nagulat ako ng abutan nya ako ng panyo. Napatingin ako roon pero inialis ko lamang ang kanyang kamay.
“Hindi ko kailangan yan.” Saad ko sa kanya.
Ibinalik nya muli sa akin ang panyo kaya napakunot noo akong nakatingin roon.
“Wag ka nang mahiya.” Saad nya sa akin kaya agad ko namang tinangap iyon.
“Kung gusto mong mapag-isa lalabas muna ako ng sasakyan. Kung gusto mong magpahangin at malingo nanjan lang ang ilog.” Saad nya sa akin saka siya lumabas.
Napatingin ako sa paligid at nakita ko nga ang isang napakalinis na ilog. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala rito. Tuwing umuuwi kasi kami rito hindi namin nagagawang mamasyal kaya wala akong kaalam alam rito.
Nakatingin lamang ako sa ilog. Nagulat ako nang makita ko si Sid na hinubad ang kanyag t-shirt at pantaloon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita siyang nakaboxers at walang pang itaas. Nakita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Nakita ko ang maskuladong katawan nya, malapad na likod at umaarkong mga muscles nya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang magandang katawan. Ilang ulit na akong nakakita ng katawan ng tao pero kahit sabihin nating bihasa ka na sa anatomy ng tao. Pero pag nakakita ka nga naman ng napakamaskulado at napakagandang hubog ng katawan. Kahit sabihing medical staff ka maglalalaway at maglalalaway ka pa ring nakatingin roon.
Napaiwas ako ng tingin ng tumalon siya sa ilog. Ano ka ba naman Sol, mahiya ka naman sa sarili mo at minamanyakan mo ang pulis na iyan.
Lumabas ako ng sasakyan at naglakad papunta sa ilog kung saan naliligo si Sid. Umupo ako sa bato habang nakatingin lamang sa ilog.
Tinitingnan ko siyang lumalangoy sa ilog. Nakita ko kung papaano ka swabeng gumalaw ang kanyang mga braso sa ibabaw ng tubig. Nakaramdam ako ng init sa aking mukha nang makita ko ang kanyang mukha na hinahabol ang kanyang hining habang lumalangoy.
I can see his perfect formed jaw moving while breathing. I can see his large veins on his antecubital going to his carpal. What a perfect vein to get a blood, oh crap how I wish all of my patients have that kind of veins. Ang hirap kayang humanap ng ugat sa katawan.
Natigilan ako sa pagpapantasya sa kanyang mga ugat sa katawan ng basain nya ako ng tubig mula sa ilog. Agad akong napatayo at napaawang ang aking bibig nang mabasa ako ng tubig. Agad ko naman siyang tiningnan ng masama. Did he think this is funny?
“Bakit Sol? Tara na nagaantay ang ilog oh.” Saad nya sa akin habang lumalangoy.
Napaiwas ako sa kanya ng tingin. Nakakainis talaga itong pulis na ito.
“Hindi ako naliligo kasama ang hindi ko ka-kilala.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagtalikod sa kanya.
Narinig ko naman ang kanyang pagtawa mula sa aking likuran.
“Hindi ba sabi mo mag-syota tayong dalawa? Sabi mo pa nga two years na tayo. Mahihiya ka pa bas a boyfriend mo?” panunuya nyang saad mula sa aking likuran.
Naningkit naman ang aking mga mata na nakatingin sa kanya. Seriously? Sineryoso nya iyong sinabi ko kanina sa harapan ni ate Collette?
“Excuse me?” saad ko sa kanya at naglakad papalapit sa kanya. “Napakacute mo. Bakit naman ako makikipagrelasyon sa isang pulis?” mataray kong saad sa kanya.
Nakita ko na lamang siyang ngumiti habang lumalapit sa akin. Nakita kong tumataas ang kanyang kamay papalapit sa akin kaya agad kong inialis ang aking kamay. Baka hilain pa ako neto, hindi pa naman ako marunong lumangoy.
“Akala mo mahihila mo ako?” pagmamaldita kong saad sa kanya kasabay ang pagtalikod sa kanya.
Nakatalikod lamang ako nang maramdaman kong may biglang bumuhat sa akin na tila ba isang bagong kasal. Nanlaki ang aking mga mata nang inihagis nya ako sa ilog. Mabilis ang mga pangyayari hangang sa namalayan ko na lamang na lumulutang ako sa hangin. Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso dahil sa kaba.
“Sid hindi ako marunong lumangoy!” sigaw ko sa kanya and I raise my middle finger to him.