Chapter 8

1954 Words
Nang matapos ko iyong sabihin ay nahulog ako sa ilog. Pinilit kong umahon pero hinahatak lamang ako ng tubig pababa ng ilog. Hinilit kong hindi huminga sa tubig pero hindi ko na lamang napigilan and I release my breath to the water. Ibinaling ko ang aking tingin sa paligid, naramdaman kong nanghihina na ako. Ipapahamak ba ako ng pulis na ito? Mumultuhin ko siya pag namatay ako rito. Patuloy ako sa pag-galaw sa tubig hangang sa may humawak sa aking bewang at iniangat ako. Nagpupumiglas ako at napalingon kung sino iyon at nakita ko si Sid na lumalangoy paakyat. Nakatingin lamang ako sa kanyang mukha, gusto ko siyang suntukin muli sa kanyang ginawa. Nang makaahon na kami ay agad kong hinabol ang aking hininga habang nakahawak pa rin siya sa aking bewang. Patuloy lang ako sa paghabol sa aking hininga, papatayin nya ba ako? “Taga dagat ka pero hindi ka marunong lumangoy?” tanong nya sa akin. Masama ko naman siyang tiningnan. Mukha ba akong lumaki sa Raw-an? “Sid lumaki ako sa Cotabato City hindi sa Raw-an wag kang antipatiko.” Sarkastikong saad ko habang hinihingal. Narinig ko naman siyang tumawa sa aking gilid. Hindi ko lamang siya pinansin dahil sa kanyang ginawa. Nagulat ako nang hawakan nya ang aking dalawang kamay at pinulupot sa kanyang leeg. Tiningnan ko naman siya ng masama sa kanyang ginagawa. Nakita ko lamang siyang nakangiti sa akin. Nang maipulupot nya ang aking mga kamay roon ay bigla akong nahiya nang hawakan nya ang aking bewang. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Chuma-chansing ba siya sa akin? “Wag kang mahiya, hindi ba boyfriend mo ako?” swabe nyang saad sa aking tenga. Bumulis naman ang t***k ng puso ko at naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa kanyang boses. Masama ko naman siyang tiningnan and I grin at him. “Naniwala ka naman? Hindi ako pumapatol sa pulis Sid.” Pagbabanta ko sa kanya at natawa naman siya sa akin. He seductively smile at me and passionately look at me. Kinikilabutan ako sa kanyang ginagawa, tumataas ang aking balahibo. Naku sa dinamidami ng kasama ko itong pulis pang ito. “Nakakadiri ka. Tumigil ka nga hindi ka gwapo.” Derektang saad ko sa kanya at natawa naman siya. “Wow himalang hindi ka nahulog sa mga titig ko. Sa pagkakaalam ko lahat ng babaeng tinitingnan ko ng ganon nahuhulog sa akin.” Pagmamayabang niyang saad sa akin kaya napairap na lamang ako. “Anyways wala naman akong balak na ligawan ka. Tinitingnan ko lang baka mamaya mahulog ka sa akin.” Pagmamayabang nyang saad habang lumalangoy kaming dalawa. Umakto akong nasusuka sa kanyang mga sinasabi. Well I can say gwapo siya pero hindi siya ang tipo kong lalaki at saka why would I commit a relationship with a police in teh first place? “Ako mahuhulog sa iyo? Ang cute mo.” Sarkastikong saad ko sa kanya. Narinig ko naman siyang tumawa sa sinabi ko sa kanya. Even his laugh is so sexy like his body but I can’t fall for this police. “Sol bakit galit na galit sa mga pulis?” tanong nya sa aking habang lumalangoy kaming dalawa. Natahimik naman ako at napatingin sa kabilang dako. I felt so awkward hearing it, hindi naman ako galit pero sadyang ayaw ko lamang sa kanila. “Pwede bang ibalik mo na ako sa lupa.” Mahinang saad  ko sa kanya. Nang matapos ko iyong sabihin ay agad naman siyang lumangoy paunta sa lupa. Tinulungan nya akong makaakyat sa lupa. Nang makatapak na ako sa lupa ay agad akong naglakad papunta sa kotse ko. Kumuha ako ng tuwalya sa maleta ko na nakalagay sa back seat. Habang pinupunasan ang aking sarili ay napatingin ako sa paligid. Napapakaraming puno ang nakapaligid sa amin, naririnig ko rin ang mga huni ng ibon. Napangiti na lamang akong naglakad papunta sa tabing ilog at umupo sa lupa. Nakatingin lamang ako sa kawalan nang biglang tumunog ang cell phone ko. Agad naman akong napatingin roon at nakita kong tumatawag si Roumen. Napatayo ako at agad kong sinagot ang kanyang tawag. “Hello Rou.” Bati ko sa kanya. Sid’s POV Nang mapagod ako sa kakalangoy aya agad akong umahon mula sa ilog. Napakasarap asarin ni Sol iyon nga lang napakamaldita. Parang hindi naman ako nasanay sa mga babae, likas na rin naman sa kanila ang pagiging maldita, kahit anong aspeto pa ng babae. Naglakad ako papunta sa kanyang sasakyan para kunin ang tuwalya ko sa bag ko. Nang makuha ko na ay agad kong pinunasan ang aking sarili at kiniskis ang tuwalya sa aking ulo. Habang pinupunasan ang aking sarili ay napatingin ako sa paligid para hanapin si Sol. Hangang sa natagpuan ko siyang nakasandal sa isang puno habang may kausap sa telepono. Hinayaan ko lamang siya at kinuha ko rin ang cell phone ko para tawagan ang katropa ko. “Sergeant Herio, napatawag ka? Nariyan ka na ba sa Ilocos?” bungad sa akin ni sergeant Tolintino. “Kalimutan mong umuwi ako sa bayan ko. Nandito ako sa Patudan kasama ko ang isa sa mga kamag-anak ni Antioch Arles.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagsandal ko sa kotse nya. Nakaharap ako kung saan ang punong nakasandal si Sol habang nakatalikod sa akin. “Antioch Arles, hindi ba iyan ang isa sa mga kasong hawak natin? Ang tanda na iyong kasong iyan may naghahanap pa pala ng hustisya para riyan?” “Kaya nga, naisara na nga iyon pero may naghahanap pa rin hangang ngayon. Nakausap nga namin ang isa sa mga suspects ng kaso, si Collette Nix Toledo.” “Paano? Ilang taon na iyan hinahanap pero hindi natin makita.” “Kaya nga, nagulat rin ako nang malaman ko sa kanya na may tracking device siya sa mga suspects ng kaso. Fel, may ipapagawa ako sa iyo.” “Gawan nyo ako ng background study sa lahat ng mga suspects ng kasong iyan. Latest report, wag nyong gawing basis ang mga dating report ng mga suspects. Wala kayong makukuha sa mga file noon dahil wala rin may nagsalita sa kanila.” Saad ko sa kanya. “Copy serg.” Saad nya at ibinaba ang tawag. Matapos naming mag-usap ay nakita ko ring naglalakad si Sol papalapit sa akin. Nakayakap lamang siya sa kanyang tuwalya habang naglalakad papalapit sa akin. “Nasaan tayo?” tanong nya sa akin nang makalapit siya. “Nasa Patudan pa rin.” Sagot ko at napatango naman siya. Minsan itong babaeng ito hindi ko maitimpla. Minsan napakakalma pero may mga panahong magtataray at magiging masukista. Tulad ng kanina noong isinuntok nya ako buti na lang at hindi gaano kalakas iyon. Magsasalita na sana ako nang may biglang tumawag sa aking pangalan. Napaligon naman kaming dalawa sa dereksyon kung saan ang tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita ko si Mario. “Bay!” sigaw naming dalawa at naglakad papalapit sa kanya. Nagkamayan kaming dalawa at nagyakapan. Nagtatawanan lamang kami habang magkayakap. “Bay, pila na man ka buwan wa ka ni anhin diri. Bay, ilang buwan ka nang hindi pumunta rito.” Masayang saad nang naghiwalay kami sa isa’t isa. “Busy ra man gyud sa prisinto, bay. Busy kasi sa prisinto, bay.” “Mao ba. Ganon ba.” Saad nya sa akin. Bigla naman siyang lumapit sa tenga ko. “Kinsa nang bayhana? Sino iyang babae na kasama mo?” tanong nya sa akin at napatingin naman kami sa dereksyon ni Sol. Nakita kong nakasandal siya sa kanyang kotse habang may kinukulikot sa kanyang cell phone. Nakaisip ako ng kalokohan kaya agad akong lumapit at agad kong hinigit ang kanyang bewang papalapit sa akin. Narinig ko namang napamura siya sa kanyang pagkagulat at tiningnan ako ng masama. I just grin at her, naglakad kami papalapit kay Mario. “Bay, si Sol; nobya nako. Bay, si Sol; girlfriend ko.” pagpapakilala ko. Nakita ko namang nagulat si Mario sa aking sinabi. Napatingin naman ako kay Sol na tinatapunan ako ng matatalim na mga tingin. Kinindatan ko lamang siya kasabay ang paglapit sa kanyang tenga. “Sinimulan mo, ipagpapatuloy ko.” panunutyang saad ko sa kanya. “Anaa na diay kay uyab ron? Paano si- Meron ka na palang jowa? Paano si-“ saad nya pero aagd kong tinakpan ang kanyang bibig. “Bay, dinhi anay mi sa imuhang balay pwede? Bay, dito muna kami sa iyong bahay pwede ba?” tanong ko sa kanya. Tinapunan nya naman ako ng panunutyang tingin. Malapit na nya nang mabangit ang kanyang pangalan buti na lang at hindi natuluyan. Si Mario ang kaibigan ko rito sa Patudan, dati siyang nagtratrabaho sa prisinto bilang janitor. Para na rin kaming magkapatid nito, matanda siya ng ilang taon. Noong nakapagtapos ang kanyang anak ay umalis na siya sa pagiging janitor sa prisinto. Agad naman siyang pumayag na manatili kami sa kanyang bahay. Namatay na rin ang kanyang asawa noong ipinapanganak ang kanilang anak na si Rose. 16 years old pa lamang kasi iyong asawa nya noong nagdalang tao kung kaya’t hindi nakayanan ang panganganak at namatay. “Dito tayo mag sta-stay? Pwede naman tayo kumuha ng hotel.” Tanong nya sa akin habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Mario. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Napatigil naman siya sa paglalakad at napatitig sa aking mga mata. “Girlfriend ko, mas mabuti nang dito na tayo para malapit tayo kay Collette at saka para makatipid naman tayo.” Saad ko sa kanya at kinindatan siya Nakita kong nainis siya sa aking sinabi kaya napangiti akong makita ang mga seryoso nyang mga mata. “Stop calling me girlfriend, wala tayong label.” Saad nya sa akin at natawa naman ako. “Sinimulan mo, ipagpapatuloy ko. Ayaw mo nun, may gwapo kang boyfriend.” Saad ko sa kanya at kinindatan siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at narinig ko naman siyang napasigaw sa inis mula sa aking likuran. Napangiti naman ako nang marinig ko iyon, hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa mga pulis. Marahil na rin sa justice system na meron kami. Hindi ko naman kasalanan iyon, iyon ang nasa patakaran namin. Maging ako ay naiinis rin bilang pulis na nakikita ang mga matatandang kaso na walang hustisya. Kung maari lang bigyan ng hustisya ang bawat kaso ay ginawa ko na. Ngunit hindi ganon ang patakaran, tama nga naman siya. Sa Pilipinas kung hindi ka mayaman, politiko o tanyag wag ka nang umasang magkakaroon ka ng hustisya. Puputi na lamang ang uwak at wala pa ring hustisyang maipapataw sa mga ordianryong tao. “Bay, asa gikan nang imuhang uyab? Abi nakog si— Bay, saan nanggaling iyang jowa mo? akala ko ba si—“ saad nya na agad kong pinutol. “Bay, atik ra man to. Dili nako islan imuhang maam oiy. Igagaw na sa akuang kaso, ni imbistigag iyahan. Dili naman ko musugot nga siya ra mulakaw kasin mu unsa ug basi kung mu uban ming duha mangitag ibidinsya. Basin naa na’y tigulang nga kaso mu solve bahin sa iyaha.  Bay, biro lang iyon. Hindi ko papalitan ang maam mo kahit anong mangyari. Pinsan siya ng isang kasong hinahawakan ko, nagimbistiga kasi siya ng magisa. Hindi naman kaya ng kunsenya kong pabayaan siya at baka ano pang mangyari. At saka kung sasama ako sa kanya baka makatulong kami sa isa’t isa at maisara ko na ang isa sa mga matatandang kaso.” Saad ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kanyang bahay. “Kuyawa pud nang bayhana. Basin dili man pud mu suko si maam kung islan mo siya noh. Dugay naman gyud to nahitabo, pila na to katuig. Grabe rin pala iyang babaeng iyan. Baka hindi rin magagalit si maam kung papalitan mo na siya. At saka matagal na rin iyon nangyari, ilang taon na rin.” Saad nya sa akin nang makartaing kami. Nakangiting napailing lamang ako sa kanya. Kahit anong mangyari hindi ko magagawa iyon. Kahit sabihin nating ilang taon na iyon pero narito pa rin siya sa aking puso. Hindi ko pa rin tangap ang nangyari sa kanya, kahit ilang ulit na akong sabihan ng mga kaibigan kong maghanap na ako ng iba. Pero hindi ko pa rin kaya. Pinipilit ko na lamang magpangap na ayos ang lahat pero kahit ganon hindi ko pa rin kaya. Sa labas ang buong akala nila isa akong masiyahing pulis pero sa loob ay may kulang na isang piraso sa aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD