Chapter 11

2041 Words
Nakaupo kami ngayon sa sala nila ate Collette habang inaantay siyang lumabas ng kanyang kwarto. Ilang minuto ang lumipas at lumabas rin siya ng kanyang kwarto habang nakasuot ng kanyang pulang bistida. Binate nya kaming dalawa at binati rin namin siya pabalik. Kabado ako sa aking malalaman ngayong araw. Hindi ko alam kung anong impormasyon ang masasagap namin sa kanya. “May kasama ba kayong pulis?” aligagang tanong nya sa amin at napailing naman kaming dalawa. “Bakit po? An o pong meron sa mga pulis?” nagtatakang tanong ni Sid sa kanya. Napahawak siya sa kanyang bibig at napailing sa amin habang nakatingin sa malayo. “Dahil hindi ako maaring magsalita kung may roong pulis, iyon ang napagusapan namin noon.” Saad nya sa amin. Nagulat ako sa aming narinig mula sa kanya. Mukhang may rason ata kung bakit iisang sagot lamang ang meron sa kanilang anim. “Ano po ang napagkasunduan ninyo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Walang emosyon naman siyang napalingon sa akin at nakita kong ibinaba nya ang kanyang kamay. Derekta lamang siyang nakatingin sa akin. “Na walang magsasalita patungkol sa nangyari.” Walang emosyon nyang saad sa amin. Lumakas ang t***k ng puso ko nang marinig ko iyon. Gusto kong magwala dahil sa aking narinig. Bakit hindi nila nagawang magsalita noon? Ano ba talaga ang nangyari? “Bakit po?” nagtatakang tanong ni Sid. Napaiwas siya ng tingin sa amin kasabay ang pagbuntong hininga. Ilang segundong tumahimik ang paligid hangang nagsiluma na siyang magsalita. “Hindi ko inaakalang maniningil ang nakaraan.” Bulong nya at napatingin siya sa amin. “Sa aking pagkakatanda. Fiesta iyon sa Sagadan masaya ang lahat, lango kaming magbabarkada sa alak at droga noon. Pinipilit ni Fiacre si Antioch na suminghot ng droga ngunit ang tanging saad lamang ni Antioch ay hindi siya sisinghot nung araw na iyon. Ilang ulit na binigyan siya ni Fiacre ng droga hangang sa napasinghot nila ito. Habang nagsasahayan kami roon ay nagulat na lamang ako nang hilain ako nila Piegne paalis ng lugar na iyon kasama ang iba naming mga barkada.” Pagkwekwento nya sa akin. Napakunot noo naman ako nang marinig iyon, mukhang may kulang ata ang bawat sinasabi nya sa amin. “Anong nangyari kay kuya Antioch?” nagtatakang tanong ko. “Naiwan siya habang kasama sila Anslem roon. Hindi pa kami nakakalayo nang makarinig kami ng ingay mula sa likuran namin. Kinabahan ako kung anong nangyayari, pinilit kong bumalik pero pinigilan ako nila Piegne. Hangang kinaumagahan ay nakatangap na lamang ako ng balita na namatay na lamang si Antioch.” Saad nya at nagulat ako nang makita kong may mga luhang lumandas sa kanyang mag mata. “Dapat hindi ko siya iniwan roon. Dapat hindi ako sumunod kanila Piegne nung gabing iyon. Dapat buhay pa si Antioch ngayon at nakikita ka niya ngayon.” Malungkot nyang saad sa akin habang sinisisi ang kanyang sarili Napakisap mata na lamang ako habang naririnig ang kanyang mga sinasabi sa akin. Parang pinipiga ang aking damdamin sa aking mga naririnig. She is innocent, wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni kuya. Pero may bigla akong naalala na bulong bulungan ng aking mga pinsan noo. “Anong relasyon mo kay Giles Ayuda?” derektang tanong ko sa kanya kasabay ang pagtingin sa kanyang gawi. Natigilan siya ng marinig iyon kasabay ang pagiwas niya sa akin. “Wala kaming relasyong dalawa. Siya ang may rason kung bakit ako nadadawit sa kasong ito. Siya rin ang may rason kung bakit hindi kami pwedeng magsalita patungkol sa kasong ito. Kahit gaano ko kagustong magsalita noon pero pinigilan niya kami.” Naiinis nyang pagkwekwento sa amin. “Dapat siya ang namatay at hindi si Antioch.” Gigil nyang saad sa amin. Napakunot noo naman ako sa aking narinig. Giles Ayuda? Hindi ba’t isa siya sa magpipinsa na pamangkin ng gubernador noon? Sinasabi ko na nga bang iba ang kutob ko sa magpipinsan na ito. “Saan kayo pumunta nila Piegne at sino pa ang iba ninyong kasama?” rinig kong paguusisa ni Sid kay ate Collette. “Umuwi kami kaagad nung araw na iyon. Tatlo kami noon ako si Peigne at si Mariz.” Sagot niya sa amin. Sino itong Mariz na ito? Baka may alam siya sa totoong nangyari noong araw na iyon. “Sino ang mga naiwan kasama ni Antioch?” sunod na tanong ni Sid sa kanya. “Sila Anslem, Aurelius, Fiacre, Giles at mga barkada ni Giles.” Natahimik ako nang marinig iyon. Posibleng may alam si kuya Anslem sa nangyaring ito. Pero paaano namin siya makakausap nang hindi malalaman nila ate Chantal? “Matapos ang pagkamatay ni Antioch ano pa po ang nalalaman ninyo?” “Matapos ang insidenteng iyon sa pagkakalala ko ay nagkita kita kaming lahat maliban kay Giles at Fiacre sa may pantalan. Sinabi ni Aurelius sa amin na walang magsasalita sa nangyari at hayaan lamang kung anong nangyari. Inamin sa amin ni Aurelius na binugbog ng mga barkada ni Giles si Antioch bago niya hampasin ng tubo sa ulo si Antioch.” Pagkwekwento nya sa amin. Bumalik ang aking ulirat nang sabihin nya iyon. So sinasabi nya sa aming si Aurelius ang may sala sa pangyayaring ito? “Si Aurelius Ayuda ba ang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya at napatango siya. Napasandala ko sa kinauupuan ko habang ipinagtatagpi-tagpi ang mga impormasyong nalalaman namin. Kung si Aurelius ang pumalo bakit wala ang dalawa nyang pinsan noong araw na nagkita silang lahat? “Nasaan nagtungo sina Fiacre at Giles nung araw na iyon?” tanong ko sa kanya at itinaas nya lamang ang dalawa nyang balikat. “Hindi ko alam at hindi rin sinabi sa amin ni Aurelius kung saan sila nagtungo.” Sagot nya sa amin. Napakunot noo naman ako nang marinig iyon. Nakakapaghinala kung anong ginawa ng dalawang iyon. “Hindi ba’t sinabi mo sa amin na tinakot kayo ni Giles Ayuda? Anong sinabi nya sa inyo?” tanong ni Sid. Nakasandal lamang ako habang nakatingin sa malayo. Kung si Aurelius ang pumatay, anong nangyari noong gabi na nagkagulo sa Sagadan at sino itong Mariz na ito? “Sinabi nyang papatayin nya kaming magbabarkada kung magsasalita kami at ganon rin ang aming mga magulang at pamilya.” Nangangatog yang saad sa amin. Agad naman akong napatingin sa kanya nang marinig iyon. Ganon kaburtal ang ginawa ni Giles na panankot sa kanila? “Bakit hindi mo kinasuhan ng threatening?” tanong ko sa kanya at napabuntong hininga lamang siya. “Anong laban ko sa pamangkin ng isang gubernador? At saka maiisip ko pa ba ang ganong bagay kung buhay ng pamilya ko ang nakasalalay?” patanong nyang saad sa aming dalawa. Natahimik rin ako sa kanyang sinabi may punto nga naman siya sa kanyang siabi. Maging ako ay matatakot ring magsalita kapag pamilya ko na ang pinaguusapan. “May alam ka bang hidwaan nila kuya Antioch at mag pipinsang ito?” tanong ko sa kanya at napailing naman siya. “Wala, matalik na magkaibigan si Antioch at ang magpipinsang Ayuda. Iyon nga ang hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganon na lamang. Magkkaibigan kami simula High school kaya maging ako ay nagulat sa nangyari.” Saad niya sa amin. Napatango naman ako nang marinig iyon. Kung hindi dahil sa alitan ano ang dahilan kung bakit nangyari ang insidenteng iyon? Ano ang rason kung bakit hinataw ni Aurelius Ayuda ng bakal si kuya? At anong nangyari bakit nagkaroong ng kaguluhan nung araw na iyon? “May huli akong katanungan.” Out of the blue kong saad habang nakatingin sa kanya. Natigilan naman sa paguusap sila Sid nang magsalita ako. Napatingin siya sa akin na may halong pagtatanong. “Mahal mo ba ang kuya ko?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong sa kanya ngunit kusa na lamang itong lumabas sa aking bibig. Nakita kong nabigla siya aking itinanong ngunit napalitan lamang iyon ng isang ngiti sa kanyang mga labi. “Oo naman, ang kuya mo ang isa sa mga mababait na naging kasintahan ko. Siguro kung hindi siya namatay ay marahil siya ang naasawa ko ngunit wala na siya. Ang kuya mo Sol ay mapagmahal at napakabait na tao.” Saad nya sa akin at napabuntong hininga na lamang ako habang nakangiting nakatingin sa kanya. Gusto kong maiyak habang nakikita ang huling babaeng minahal ng kuya ko bago mamatay. Kung nabubuhay pa kaya si kuya possible kayang nagkatuluyan silang dalawa? Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni kuya? Masaya kaya siyang makitang nagsasalita na patungkol sa kanyang pagkamatay ang babaeng minahal nya? “Kung hindi dahil sa alitan ano ang rason ng pagpatay kay kuya?” tanong k okay Sid habang nagmamaneho kami pabalik ng bahay ni kuya Mario. “Hindi ba’t drug addict ang kuya mo hindi kaya dahil sa droga?” saad nya sa akin. Napakunot noo naman ako, baka nga dahil sa drugs. Pero ang sabi ni ate Collette ay hindi dapat sisinghot noon si kuya kung hindi siya pinilit nung Fiacre na iyon. “Marahil ay pusher ang kuya mo kung kaya’t ganon at naku drug user pala kuya mo.” maangas nyang saad sa akin. Napatingin naman ako ng masama sa kanya. Base sa kanyang pananalita ay sinisisi nya si kuya at tila isang maruming tao si kuya sa kanyang pananalita. “Teka bakit parang sa pananalita mo eh sinisisi mo si kuya at tila isa siyang masamang tao?” naiinis kong tanong sa kanya. “For your information Mr. Herio, hindi po pusher ang kuya ko; user lamang siya.” Mataray kong saad sa kanya. Humalukipkip ako sa kinauupuan ko habang masamang nakatingin sa kalsada. Kung makapagsalita siya ay tila ba kilala nya ang pagkatao ni kuya. “Eh pare-pareho lang naman silang lahat lulung pa rin sa droga at gagawa ng krimen. Baka nga’t iyon ang rason kung bakit nangyari iyon sa kanya.” Kungklusyon nyang saad sa akin. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo ko dahil sa kanyang pinangsasabi sa akin. Napatingin na lamang ako sa labas habang tinatago ang emosyon ko. Gusto kong umiyak dahil sa kanyang mga paratang para sa pinsan ko. Alam kong lulung si kuya sa droga pero hindi naman siya ganon kalulung sa droga. Ang sabi pa nila ate Chantal sa akin ay mas lulong siya sa paginom ng alak at paninigarilyo kesa sa droga. “Nagawa lang naman iyon ni kuya dahil sa pagrerebelde nya kay mama Annie.” Basag kong saad sa kanya kasabay ang pagbuhos ng luha ko na agad ko namang pinunasan. “Wala kang alam patungkol kay kuya kaya wag mo siyang huhusgahan ng tulad ng ibang drug user na nahuhuli ninyo. Nalululong lang naman si kuya sa droga dahil sa impluwensya at pagrerebelde dahil hindi siya nabibigyan ng pansin ni mama Annie. Mentally unstable si papa Junior dahil sa insidenteng nangyari sa kanila habang si ate Gisele ay nasa Siquior.” Bulong kong saad haabng umiiyak sa kinauupuan ko. Nalaman ko ang rason na iyon nang makausap ko si ate Adeline at ate Chantal noong huling uwi namin rito. Inamin ni ate Chantal sa amin na dahil sa depression ni mama Annie at pagsisisi sa kanyang sarili dahil sa puspusan nyang pagtrarabaho ay namatay at napabayaan niya si kuya Antioch. Dahil rin doon hindi niya namalayang may iniinda na pala siayng karamdaman sa kanyang dibdib, hangang sa kanyang huling hantungan. Isa rin daw sa rason kung bakit nalulung sa bisyo si kuya Antioch ay noong nawala si kuya Regis sa kanyang tabi para mag training bilang sundalo. Wala na raw siyang nakakausap sa loob ng pamamahay nila at pakiramdam niya ay nagiisa lamang siya. Wala siyang mapagkwentuhan ng nangyayari sa kanyang buhay. “I’m sorry hindi ko naman sinasady, heto.” Pagdidispetsya nya sa akin kasabay ang pagabot ng kanyang panyo. Inihawi ko lamang ang kanyang kamay at kinuha ang panyo ko sa aking bulsa. Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha. Ano ba ito napakababaw ng aking mga luha. “Magingat ka kasi sa bawat salita mo.” Pagpapaalala ko sa kanya. Nanatili lamang kaming tahimik habang nagmamaneho siya papunta ng bahay ni kuya Mario. Kukunin kasi namin ang mga gamit namin para makabalik kami ng Baroy. Napag-usapan kasi namin na babalikan namin si kuya Anslem sa Raw-an para tanungin kung ano nga ba ang nangyari sa kaso.  Nagpaalam kami kay kuya Mario at nagpasalamat na rin ako sa kanyang pagpaatuloy sa amin ng dalawang gabi sa kanyang pamamahay. Napakasayang mamuhay sa simple at matiwasay na probisya tulad ng meron si kuya Mario. Iyon nga lang at nakakalungkot dahil mag-isa lamang siya habang ang nagiisa nyang anak ay nasa abroad at nagtratrabaho.  "Maraming salamat kuya Mario sa pagpapatuloy nyo sa amin." masaayng saad ko sa kanya habang ipinapasok namin ni Sid ang mga gamit namin sa loob ng kotse. "Walang ano man, kung kailan nyo gustong bumalik rito abay pwedeng pwede." masayang saad niya sa akin kung kaya't napangiti ako. Niyakap ko si kuya Mario sa kagalakan ko at niyakap niya rin ako pabalik. "Mag-iingat ka at sana mahanap mo ang hustisya para sa iyong pinsan." saad niya sa akin nag maghiwalay kami sa aming pagyayakapan. Napangiti naman ako at naptango sa kanya. Kuya Mario is 15 year older than me kaya nga sabi nya sa akin naalala niya raw ang kanyang anak sa akin.  Nang umalis na kami ay napapangiti na lamang ako nang maalala ko ang mga alaalang ginawa ko sa kanyang pamamahay at sa tabing ilog. Sa muling pagbabalik namin kuya Mario. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD