Chapter 10

2311 Words
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Agad akong napatingin sa oras ng aking cell phone. Nakita kong ala singko na ng umaga at mukhang tulog pa ata yung dalawa. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at dahan dahang lumabas ng aking kwarto. Napatingin ako sa labas ng kwarto ko at mukhang hindi pa nga sila nagigising. Dahan dahan akong naglakad papalabas ng bahay nila. Hindi dapat nila ako marinig na umaalis at baka mamaya ano pang gawin ng lalaking iyon sa akin. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng bahay ni kuya Mario. Nang mabuksan ko na ng kaonti ang pinto ay palihim akong lumabas roon habang mahinang isinasara ang pinto ng kaniyang bahay. “Maayong buntag nimo Sol. Magandang umaga sa iyo Sol.” Saad ng isang boses sa aking likuran. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at agad akong napalingon. Nakita ko silang dalawa na umiinom ng kape habang nakaupo sa balkonahe. Napatayo ako ng maayos at maayos ko silang hinarap. Tiningnan ko sila ng maigi. Kanina pa ba sila gising? Bakit hindi ko man lamang namalayan? “Gusto mong kumape girlfriend ko?” panunuyang saad sa akin ni Sid habang inilalahad ang kapeng hawak nya. Hindi ko siya pinansin bagkus ay napatingin ako kay kuya Mario at naglakad papalapit sa kanya. “Kuya Mario aalis na po ako, maraming salamat po sa pagpapatuloy nyo sa akin rito.” Saad ko sa kanya. Nagulat naman siya sa aking sinabi, agad niya namang ipinatong ang kanyang tasa sa ibabaw ng lamesa. “Aalis ka na? Akala ko ba magkasama kayo ni Sid?” taning nya sa akin. Napatingin naman ako kay Sid at agad ko naman itong binawi. Napangiti akong napatingin kay kuya Mario at napailing. “Hindi na po. Bahala na po siya sa buhay nya. Kinakailangan ko pa po kasing hanapin ang hustisya para sa kuya ko.” Saad ko sa kanya. “Mukhang hindi naman ata ako pinagkakatiwalaan ng kasama ko kaya mabuti na pong ako na po ang maghahanap.” Diin kong saad habang tinatapunan ng masasamang tingin si Sid. “Ah ganon ba? Hindi ka man lang ba maguumagahan?” tanong nya sa akin at napailing ako sa kanya. “Hindi na po. Sa sentro na po ako mag-uumagahan, maraming salamat po.” Saad ko sa kanya at napatango naman siya kasabay ang kanyang pagtahim. “Ah ganon ba? Oh siya mag-iingat ka sa daan at sana mahanap mo ang hustisya para sa kuya mo.” Saad nya sa akin at napangiti ako. “Tutuloy na po ako.” Pagpapaalam ko sa kanya at napangiti naman siya sa akin. Agad akong naglakad papunta sa kotse ko. I may sound like harsh and heartless leaving here. Pero malaki na siya kaya niya na ang sarili nya at nasa training naman nila iyan na maging independent. Bubuksan ko na sana ang pinto ng aking sasakyang ng may humawak rito. Napairap ako sabay na napatingin ng masama sa taong iyon. Nagulat ako nang makita ko si kuya Mario kaya nakaramdam ako ng pagkailang nang makita ko siya. Akala ko si Sid kung kaya’t tiningnan ko ng masama pero si kuya Mario lang pala. Nakakhiya naman ang ginawa ko, pinatuloy na nga niya ako sa kanyang bahay titingnan ko pa ng masama. “Sol tulungan na kita mukhang marami ka atang dala.” Saad ni kuya Mario. Napangiti naman ako sa kanya habang binubuksan nya ang pinto ng kotse ko. Agad ko namang inilagay roon ang mga gamit ko. Maglalakad na sana ako papunta sa kabilang side ng sasakyan ko nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita ko si Sid na nakatayo sa aking likuran. Nakita ko ang pasa sa kanyang noo at sa kanyang pisngi, natawa ako nang makita iyon. Marahil ay iyon ang naging resulta ng pagkakasuntok ko sa kanya kahapon. Nagtataka akong nakatingin lamang sa kanya habang inaantay siyang magsalita. “Sol pwede bang hayaan mo akong magpaliwanag? Pakingan mo naman ako.” Pagmamakaawa nya sa akin kung kaya’t napairap ako at nanatiling tahimik sa kanyang harapan. “Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo. Handa naman akong ikwento sa iyo kung ano ang nangyari sa kaso ng kuya mo nitong nagdaang taon.” Saad nya sa akin. Napahalukikip naman ako habang nakatingin sa kanya. “Ang hindi ko lang maintindihan, hinayaan kitang samahan mo ako at tulungan mo ako. Pinagkatiwalaan kita kahit wala akong tiwala sa inyo pero heto ka at may tinatago sa akin. What is the point na pinagkatiwalaan kita at ikaw naman itong walang tiwala sa akin.” Panunumbat kong saad sa kanya at napatango ako sa kanya. “I’m sorry, inaanmin ko may agam-agam ako pero hindi ko naisip ang nararamdaman mo. Pwede bang bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon, hindi na ako maglilihim sa iyo.” Saad nya sa akin. Blanko akong napatingin sa kanya habang iniisip kung bibigyan ko ba siya ng pangalawang pagkakataon. Hindi naman masamang bigyan ko siya ng ikalawang pagkakataon. Tinulungan nya akong makuha ang police report ni kuya kung kaya’t maasahan ko siya. Kahit sabihin pa nating wala akong tiwala sa kanya bilang pulis pero bilang kaibigan ng pamilya papalagpasin ko ito. Inihagis ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko na agad nya namang sinalo. Napangiti ako sa kanya kasabay ang paglalakad ko papalapit sa kanya. “Fetch ya boyfriend.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagkindat sa kanya. Napangiti naman siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Napangiwi ako habang nakatingin roon. “Partners?” he ask and I rolled my eyes on him. “Ang formal.” Komento ko at iniawang ang aking braso sa kanya. Nagtataka naman siyang napatingin roon. I don’t usually make hand shake, aba malay ko ba kung anong bacteria meron. “Just hit my elbow, I don’t usually make a hand shake.” Saad ko sa kanya at napangiti sa akin. Ibinanga nya naman ang kanyang braso sa aking braso kung kaya’t napangiti ako sa kanya. I have trust issues since high school pero si Sid nakuha nya ang tiwala ko.   Nakaupo lamang kami sa tabing ilog habang pinaglalaruan ang mga damong nakapaligid sa akin. Ang sabi nya ikwekwento nya raw ang nangyari sa kaso ni kuya. “5 years na nasa amin ang kaso ng kuya mo. Pinagpasa-pasahan na ng ilang mga sarhiyento ang kasong ito at kahit kailan man ay hindi pa naisasara. Tulad nang nasa papers may anim na suspects tatlo doon ay pamangkin ng dating gobernador. Ang pinagtataka namin ay ni isa sa mga suspects ay walang tumugma sa finger print na nakuha sa tubong ginamit sa pagpalo sa ulo ng kuya mo.” Pagkwekwento nya sa akin. Napatingin naman ako sa damong pinaglalaruan ko habang nakikinig sa kanya. Naalala ko ang araw ng autospy kung saan nakita kong iniimbistigahan ang katawan ni kuya. “Ayon sa forensic report na ginawa ng SOCo under drugs ang kuya mo noong araw na iyon. Nagkaroon ng blood cloting sa kanyang ulo. Ayon sa investigation right handed ang taong pumalo na galing sa likuran ng iyong kuya. Base sa pagsisiyasat na pinaghalong forensic report ay lumapat ang tubong hawak sa kanyang parietal bone. Dahil na rin sa pwersa ng pagkakapalo ay naapektuhan ang kanyang utak at pumutok ang mga ugat nito.” Pagpapatuloy nya sa kanyang pagkwekwento. Napatigil ako sa aking narinig at napakunot na napatingin sa kanya. Parietal bone? Seryoso ba sila? “Hindi mo alam ang parietal bone?” nagtatakang tanong nya sa akin at napailing. “Hindi ganon, alam ko kung saan ang parietal bone. Kung gusto mo idemo ko pa sa iyo ang parts of the skull.” Sagot ko sa kanya. “Sigurado kayong sa parietal bone? Hindi sa cranium? Parietal bone is the inferior bone of the cranium, iposibleng hindi matatamaan iyon.” tanong ko sa kanya at napailing naman siya. “Kung sa parietal bone tumama, saan banda? Maraming parte ang parietal bone, merong two surface, four boarders and four angles.” Saad ko sa kanya. “Hindi ba hawak mo ang autopsy report?” tanong nya at natigilan ako nang sabihin nya iyon. Napaisip ako kung dala ko nga ba o naibigay ko lahat ng kopya kay Rou. Agad naman akong napatayo at naglakad papunta sa sasakyan ko. Sana dala ko ang autopsy report. Saan banda sa parietal bone tumama ang bakal na iyon? Hinanap ko sa buong sasakyan ko ang autopsy report ni kuya pero hindi ko nadala. “s**t naiwan ko kay Rou ang papers.” Mura ko kasabay ang paglabas ko ng kotse. Nakakunot noong napatingin sa akin si Sid. Mukhang tinatanong nya ata kung dala ko ba ang papeles o kung sino si Rou. “Dala mo? At sino si Rou?” tanong nya sa akin. “Naiwan ko kay Rou, si Rou ang lawyer ko.” derektang saad ko sa kanya. Napatango na lamang siya sa akin. Agad kong kinuha ang cell phone ko at tinawagan si Rou para hingiin ang copy sa kanya. Ilang ulit ko siyang tinawagan ngunit hindi nya sinasagot ang aking tawag. “Fish ball naman Rou.” Mura ko habang nagtataype ng message sa kanya. “Seryoso ka pala talaga sa kaso?” tanong nya. Natigilan ako sa pagtata-type nang marinig ko ang kanyang sinabi. Hindi ko alam kung nangiinsulto siya o totoo. Masama akong napatingin sa kanya at ipinasok ang aking cell phone sa aking bulsa. “Alam mo ang cute mo.” sarkastikong saad ko sa kanya. “Malamang seryoso ako, sasayangin ko ba ang oras ko rito kung hindi ako seryoso.” Sarkastikong saad ko sa kanya at kinuhang muli ang cell phone ko. Nagpatuloy ako sa pagtata-type at isinend k okay Rou. Tiningnan ko siyang muli habang nakatayo lamang sa aking harapan. “Ano pang update sa kaso?” tanong ko sa kanya. “Ang nakakapagtaka ay bawat pahayag ng mga suspects ay nagtutugma lamang na wala silang kinalaman sa krimen.” Saad nya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi nya. Nakakapagtaka kung bakit ganon ang nangyari. Magsasalit na sana ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. Nakita ko ang mensahe galing kay Rou. “Anong sabi ng lawyer mo?” paguusisang tanong nya sa akin. Inilock ko ang cell phone ko at isinilid muli sa aking bulsa. “Nasa korte pa siya.” Tipid kong sagot sa kanya. “Hindi kaya may kinalaman ang gubernador sa kaso? Hindi naman imopsibleng pagtatakpan nya ang ginawa ng mga pamangkin nya. Sabi rin nila ate isa raw sa mga pamangkin ng gubernador na iyon ang totoong may sala pero biglang nagiba ang kwento nang nasa korte na.” saad ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan. “Hindi kaya ang may hawak sa mga unang kaso ni kuya na mga pulis ang nasa likod kung bakit naging iba ang takbo? Hindi naman imposible iyon hindi ba?” tanong ko sa kanya. Nagtatakang napatingin naman siya sa akin pero hindi ko lamang siya pinansin. “Hindi kaya sinuhulan ng gubernador ang mga pulis noon?” tanong ko sa kanya at napangiwi. “Tsk, kayo talagang mga pulis ang daling madala sa suhol.” Pangangasar ko sa kanya. Agad naman nagiba ang kanyang eskpresyon at tiningnan ako ng masama. Tiningnan ko rin siya ng masama, ilang segundo kaming nagkatitigan at natawa ako roon. “Biro lang.” saad ko sa kanya. “Pwedeng mag request?” tanong ko sa kanya at napatango naman siya. “Ano iyon?” tanong nya sa akin. “Pwede bang magpangap ka bilang sibilyan. Kilala ko kasi ang mga tao, takot silang magsalita kapag nalaman nilang pulis ang kanilang kaharap.” Saad ko sa kanya. “Bakit naman sila matatakot sa amin?” nagtatakang tanong nya sa akin. “Ang mga tao kasi kapag nakikita ng pulis akala nila ay huhulihin sila kung kaya’t mas pinipili nilang hindi magsalita.” Sagot ko sa kanya at napatango naman siya. Naglakad kami pabalik sa may tabing ilog at umupo ako roon habang nakatingin sa ilog. Naramdaman ko namang umupo rin siya sa tabi ko. Nakita ko siyang tumatapon ng bato sa ilog kaya nakisali na rin ako sa kanya. Napapangiti ako habang tumatapon ng bato, naalala ko lang kasi ang ilog sa Kulaman tuwing aakyat kami roon. “Maiba nga tayo.” Saad ko sa kanya at napaligon siya sa akin. “Hindi ka ba pagagalitan ng chief of police mo na hindi ka rumereport?” tanong ko sa kanya at napalingon ako sa kanya. “Baka mamaya tumakas ka at kargo de konsyensya ko pa kung parusahan ka. Naalala ko lang kasi kung paano pangaralan ng mga tito at tita ko si kuya Regis noong araw ng palibing ni kuya Antioch. Tumakas kasi siya sa kampo nya noong libing ni kuya Antioch. Nga pala kung di mo kilala si kuya Regis siya ang nakakatandang kapatid ni ate Chantal.” Saad ko sa kanya at tumapon ako ng bato sa ilog. “Hindi on leave ko kasi dapat, uuwi dapat ako ng Ilocos. Ngunit napadpad ka sa prisinto ilang araw bago ako umuwi sa amin.” Saad nya sa akin at nagulat naman ako nang marinig iyon. Hindi ko inaasahang taga Ilocos pala itong pulis na ito. Akala ko ang mag pulis sa isang lugar ay rito rin nakatira. “Ilocano ka pala. Pero bakit pinili mo akong samahan kesa umuwi ng Ilocos?” “Wala eh, wala rin naman akong uuwian roon. Patay na rin ang mga magulang ko at minsanan na rin umuwi roon ang mga kapatid ko. Kadalasan pasko at bagong taon lamang sila umuwi roon habang ako on duty. Minsanan ko lamang silang makasama, nasa abroad na rin kasi sila at ako na lamang naiwan rito sa Pinas.” Sagot nya sa akin habang nakatingin sa lupa. Napaiwas tingin naman ako sa kanya. Ayaw kong makita nyang naaawa ako sa kanyang mga sinabi “Bakit hindi ka na lamang sumunod sa ibang bansa? Bakit hindi ka mag-apply for foreign police, malaki ang sahod ron.” suhestyon ko at napangiti naman siya sa sinabi ko. “Iyan rin ang sabi nila sa akin pero ayaw ko. Gusto kong paglingkuran ang bayan natin, gusto kong maiba ang pananaw ng mga Pilipinong tulad mo sa aming mga pulis. Gusto kong maging ihemplo ako sa tao na hindi lahat ng mga pulis ay bayaran at sunod-sunuran.” Saad nya sa akin. Napaiwas tingin na lamang ako nang sabihin niya iyon. Hindi ko naman inaasahan na ang isang pulis na tulad nya ang may hangarin nag anon. Gusto kong mahiya sa kanyang sinabi dahil tama nga naman siya. Ang pananaw ko sa mga pulis na tulad nya ay isang marumi at korakot. Pero hindi ko naman kasalanan na maitatak iyon sa aking isipan dahil na rin sa nangyayari sa Pilipinas at dahil an rin sa mabagal na pagusad ng kaso. At idagdag mo pa ang pagiging sunod-sunuran nila sa mga politikong marurumi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD