Nakita kong kalmado lang si Sopi habang nakahiga pa rin sa kama at nakatulala. May malalim siyang iniisip sa tingin ko. Anong oras na kaya? Hindi pa ba kami lalabas para sa tanghalian? Medyo nagugutom na rin ako. Hindi na nga kami nag-breakfast tapos ngayon ay hindi pa kami kakain ng tanghalian? Naririnig ko na ang pag tunog ng tiyan ko. Ano kaya ang iniisip nitong si Sopi, parang wala pa yata siyang balak umuwi. Ninanamnam niya pa ang magandang tanawin sa labas. Nakabukas kasi ang pinaka veranda namin na kita sa puwesto niya. Kung sabagay, napaka ganda nga niyon at ang sarap pag masdan. "Huy! Sopi! Kanina ka pa nakatulala jan. Ano bang kasing iniisip mo? Wala ka bang planong umuwi? Anong oras na o?" natatawang tanong ko sa kaniya. Tumingin lang muna siya sa akin saglit at pagkatapos

