Naging normal naman ang araw pagkatapos ng mga pinag-usapan namin ni Sopi. Naikalma ko ang aking sarili. Wala naman naging issue sa amin. Gusto ko lamang maka-usap muna si Caren tungkol kay Zoe. Ngayon ay pauwi na kami nila Sopi. Si Jarvis ang nagda-drive ngayon. Pinili ni Sopi na sa amin sumabay para diretso uwi na si Nathan. Mabilis ang oras kaya nakarating agad kami sa bahay. Pagbukas namin ng pintuan ay bumungad sa amin si Caren at Zoe. "Ang tagal naman," biro ni Zoe. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang nasa likuran namin ni Sopi. Napakagat ako ng aking labi. Bakit ngayon pa kung kailan may plano na sana akong kausapin sila? "Oh," gulat na sabi ni Jarvis sabay singhap. Inilagay niya sa gilid ang maletang dala ni Sopi na pinaglalagyan ng aming mga gamit. But

