Hinintay ni Jarvis na mawala ang mga kawal. Alam ko na ring magtatanong siya. Naka-isip naman na ako ng pwedeng ipalusot sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay mag-doorbell. Binuksan ko ang pintuan para makapasok agad siya. Kalmado lang ako na isinarado ang pintuan. Ayokong magtaka siya na para akong kabado. Ngumiti ako sa kaniya. "Akala ko ay hindi ka na darating e," biro ko sa kaniya. Tinuro niya ang labas. "Kilala mo ba kung sino ang mga iyon?" tanong niya. Sinasabi ko na nga ba. Tatanung-tanungin niya talaga ako tungkol sa nasaksihan niya kanina. Kung bampira si Jarvis, malamang ay narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito. "Hindi ko nga rin kilala e. Kaya hindi ko pinagbuksan ng pintuan. Natatakot ako na mag-isa lang ako sa apartment," saad ko. Hinaplos niya ang aking buhok. Muk

