Kinabukasan ay tinawagan ako ni Caren. Paano ko maipapaliwanag sa kanila ang nangyari kahapon? Hindi ko nasagot ang tawag nila. Pagpapahinga na lamang siguro ang ipapalusot ko. "Bakit ngayon mo lang sinagot? Nag-alala tuloy kaming dalawa," saad ni Zoe. "Pasensiya na ha? Nagpapahinga kasi ako kahapon. Hindi ko namalayan na tumatawag pala kayo," pagsisinungaling ko. Ayokong malaman nila ang tungkol kay Jarvis. Baka mamaya ay sumugod pa sila rito kahit na nasa ibang bansa sila. Sobrang protective nila sa akin. Kayang-kaya nila akong ilipat ng ibang apartment para lang mapalayo kay Jarvis. Napalapit na rin ako kay Sopi. Ayoko na rin na pati ang pagkakaibigan namin ay mawala pa. "Bakit na-end ang tawag namin ng isang beses?" tanong ni Caren. "Baka na-low battery. Hindi kasi ako nagcha-

