Ilang araw na naman ang nakalipas. Nag-aabang ako ng tawag ng magkapatid. Busy kasi sila kaya hindi pa ako nababalikan. Hindi pa rin nila nakikita ang bago kong style sa pananamit, pati na rin ang pinagbago ng mukha ko. Namili rin kami ng pang make up kaya nakakapag-practice akong mag-apply nito sa mukha ko. Busy rin si Sopi sa kaniyang pag-aaral. Exam week na niya kaya hindi ko siya masyadong ginugulo. Maya-maya ay may nag-doorbell. Ganoon ulit ang aking ginawa, hindi ako gumawa ng ingay sa paglapit sa may pintuan. Iba ang saya na naramdaman ko nang makitang si Jarvis iyon. Inihatid niya nga pala ako ng huling araw na magkasama kami, kaya niya alam ang apartment ko. Pinagbuksan ko agad siya ng pintuan. Natulala siya sa akin. Gulat na gulat sa itsura ko. Nagustuhan niya kaya ang

