Chapter 16 (New Me)

2505 Words

Inaayusan na ulit ako ni Sopi pagkatapos i-apply ang mga kung anu-anong gamot sa buhok ko. Kinulayan na rin niya ng kulay brown ang aking buhok. Total makeover na talaga ang ginawa niya para hindi ako makilala ng mga taga palasyo. Tinuyo na niya ito at sinuklay-suklay. Halos nakanganga na ako habang nakatingin sa reflection ko. Sobrang galing ni Sopi. Straight at pantay na ang buhok ko. Hindi ganoon kahaba ang pinagupit ko. Gustong-gusto ko ang ginawa niya sa aking buhok. Ngayon ay ina-apply-an niya ako ng make up. Pinapaliwanag niya ang bawat step para magawa ko rin sa sarili ko sa susunod na mga araw. "May bago rin ang contact lenses. Papiliin kita ng kulay na gusto mo. Magandang maglagay ka ng ganiyan para hindi ka lalong makilala," saad ni Sopi. Pagkatapos niya, tinuro na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD