Sa sobrang excited kong pumunta kila Sopi, hindi na ako natulog. Kaya naman namin na hindi matulog sa ilang araw. Bampira naman kami at sanay sa walang tulog. Kinuha ko ang cellphone na ibinigay sa akin ng magkapatid. Kinunan ko muna mg litrato ang sarili ko. Remembrance ng aking itsura ngayon. Baka mamaya ay gamitin pa nila laban sa akin ang bago kong itsura. Magandang may pruweba na akong nakahanda. Babalikan ko si Ella para pababain siya sa kaniyang puwesto. Hahanap ako ng magandanf pruweba para masabi sa nasasakupan na hindi siya totoong Greyson. May nag-doorbell sa labas. Hindi ako gumawa ng kung anong ingay. Sinilip ko kung sino ang mga iyon. Ang mga kawal na naman ay nagsisimulang maghanap. Hindi ako umimik. Kapag binuksan nila nang sapilitan ang pintuan, makakatakas pa rin a

