Ilang araw ang nakalilipas. Hindi ko na nakikita si Jarvis. Akala ko ay magkakaroon ako ng bagong kaibigan, nagkakamali pala ako. Hindi nga pala siya originally na nakatira rito. Hindi ko alam kung makikita ko pa siya. Sayang naman, magkakaroon na sana ako ng panibago na lalaking kaibigan. "Sopi, kilala mo ba si Jarvis Zachary?" tanong ko kay Sopi. Nagba baka sakali ako na kilala nga niya. May kakaiba kay Jarvis na gusto kong malaman. Gustong-gusto ko siyang maging kaibigan. "Ah, si Kuya Jarvis. Mabait iyan. Siya nga ang tumulong sa akin noong muntik na ako atakihin ng ibang mga bampira," sagot ni Sopi. Nanlaki ang aking mga mata. Bampira rin ba si Jarvis? Bakit hindi ko iyon naramdaman? Magaling lang ba siyang magpanggap? Parang normal kasi ang t***k ng puso niya, hindi katu

