Pagmulat ng aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang kwarto. Hindi familiar sa akin ang lugar na ito. Bumangon ako at agad na napansing iba na ang aking suot. Napayakap ako sa aking sarili. Anong ginawa sa akin? Lumabas ako at nasaktuhan na papasok sana ang isang dalaga. Nagkagulatan kami. Sino siya? "Nagulat ako sa iyo. Buti naman at nagkamalay ka na. Ang tagal mo ring walang malay," saad ng babae. Nakatulala ako sa kaniya. Ibig sabihin ay iniligtas niya ako kanina? Kung may buhay pa sa alagad ni Ella, baka patay na ako kung iba ang nakakita sa akin. "Maraming salamat sa pagtulong sa akin. Baka kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi mo ako nakita," saad ko sa kaniya. Inayos niya ang aking buhok. Natutuwa naman ako sa pakikitungo niya sa akin. Sobrang gentle niya

