"Ate Ria!" sigaw ni Sopi sa device sa labas para marinig ko siya. Tumayo agad ako sa higaan. Aga ata niyang tumawag. Nagtataka ako na ngayon niya lang ako ginising. Pagtingin ko sa orasan ay ala sais na ng umaga. Masyado pa naman maaga ah? "Yes, Sopi? May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Nakalilimutan mo na bang susunduin ka ni Kuya Jarvis?" Tanong din ang isinagot niya sa aking tanong. Bigla akong natauhan sa kaniyang sinabi. Mabilis akong kumuha ng tuwalya ang mga susuotin sa cabinet. "Ayan, magmamadali ka ngayon. Ako na ang bahalang mag-ayos sa iyo. May damit akong tinahi para sa iyo. Iyon na lamang ang gamitin mo. Dahil ko rito pagkatapos mong maligo," ika ni Sopi. "Sige, go lang. Salamat sa paalala ha? Nakalimutang kong maaga niya ako susunduin e,

