Babalik sila Zoe at Caren mamayang gabi. Hindi puwedeng palagi silang pupunta dahil baka mabuking sila. Baka kasi may makahalata sa ginagawa nila kaya kailanga rin nilang mag ingat sa bawat kilos na gagawin nila. Binabasa ko ngayon ang papeles na nalikom nila tungkol kay Ella. Marami-rami rin silang nakuhang impormasyon tungkol sa kaniya. Nagulat ako nang mabasa ko na positive na Ina ni Ella si Mom. Paano ito nangyari? Kapatid ko ba siya kay Mom? Bakit hindi ito sinabi sa akin ni Mom? May itinatago ba siya sa akin? Naloloka na ako sa mga iniisip ko. Hindi ko matanggap ang nabasa ko. Ako pa lamang ang nakakabasa nito dahil properly sealed pa ito. Bakit ngayon ko lamang nalaman ang mga tungkol dito? Binuksan ko naman ang isa pang resulta na nakalap nina Caren at Zoe. Nakita ko na negativ

