Masaya akong makita na tuwang-tuwa si Sopi sa regalo kong sewing machine. Ngayon ay nag-uusap si Sopi at Nathan. Nagkukuwento tungkol sa aming business. Willing si Nathan na tulungan kami sa promotion. Ngayon na willing siya, tiyak ako na mas darami pa nga ang aming followers. Ang lahat ng mga nalikom naming benta ay nasa bank account na ni Sopi. Iyon ang gagamitin namin pambili ng mga supplies. Makalipas ng ilang araw ay naging normal naman ang lahat. Nakapagsimula na rin kami ni Sopi na makapagtahi ng ilang mga damit. "Grabe, tama ang nairegalo ko sa iyo, mas naging productive tayo," saad ko. "Sipag na sipag nga ako, Ate Ria. Dati sa maliit lang ako nananahi, ngayon sa isang magandang modelong sewing machine pa. Sobra-sobra na nga ang binigay mo sa akin. Para na tuloy kitang totoon

