Sinusubukan kong tawagan si Jarvis. Bakit kaya wala pa siyang paramdam ngayon? "Ate Ria, aalis na muna ako para pumasok ha? Mga alas kwatro na ng hapon ang uwi ko," paalam ni Sopi. Hanggang ngayon ay hindi ko siya binabati. Kung noong kaarawan ko ay planado niya at alam ko na maghahanda, ngayon naman ay iibahin ko ang surpresa. "Mag-iingat ka ha? Magluto na rin ako agad ng pang-dinner natin," ika ko. Kumaway pa siya bago lumabas ng bahay. Sinilip ko siya sa bintana para makasigurado na naka-alis na siya. Sinubukan ko ulit tawagan si Jarvis. Hindi talaga siya sumasagot. Busy ba siya? Hindi bale na, sisimulan ko na muna kung ano ang kaya kong gawin na disenyo. Ginawa ko muna ang dough ng mga ibe-bake ko na cake, pizza, at iba pa. Nasarapan kasi ako sa ganoon kaya susubukan kong gumawa

