Nakaharap ako ngayon sa salamin. Tinitingnan ko ang aking itsura ngayon. Medyo conscious na rin ako sa itsura ko dahil kasal ni Jarvis ang pupuntahan ko. Pero hindi ko sigurado kung tama na pumunta pa ako roon. Puwede naman akong magpa-iwan dito para ako na lamang ang magbabantay kay Priezzy. Ewan ko ba kung bakit naisipan Ako na rin ang nag-apply ng make up sa sarili ko. Natutunan ko lamang ito kay Sopi at sa panonood ko ng mga videos. Hinihintay ko na puntahan ako ni Jayvril dito sa kwarto na tinutuluyan ko dati. Hindi ko inaakala na si Nathan pa ang pupunta rito. "Nagulat talaga ako na nakita kita rito. Akala talaga namin ay wala ka na. Anong nangyari sa iyo?" pasimpleng tanong ni Nathan. Hindi ko siya hinaharap. Hindi naman ako obligadong sagutin ang kaniyang mga tanong. Isa pa,

