Natawa sa akin si Jayvril. Medyo moody kasi ang pagkakasabi ko sa kaniya tungkol kay Nathan. "Nakita ko kasi siya na kahalikan si Sopi. At alam mo ba? Nililigawan niya si Sopi tapos makikita namin siya na nakikipaghalikan lamang sa iba. Parehas sila ni Jarvis na manloloko. No wonder na mag-bestfriend ang dalawa," pag-rant ko pa. Dire-diretso lang ang pagda-drive ni Jayvril. Nakikinig ba siya sa akin? Oo nga pala, mga kaibigan din niya pala ang pinag-uusapan namin. Basta sobrang naiinis lang ako sa dalawang iyon. "Hindi ko alam ang tungkol sa kanilang dalawa ni Sopi. Ang alam ko lamang ay patay na patay si Freya kay Nathan. Ang alam ko rin ay hindi gusto ni Nathan si Freya kaya medyo nagtataka ako sa sinabi mo. Naka-inom lang din sila ng matapang na alak kaya baka hindi na nila alam ang

