"Mag-iingat kayo ha?" paalala ni Sopi. Tumingin siya kay Jarvis. "Ingatan mo ang Ate ko ha? Ihahatid mo siya sa tamang oras. Bawal gabihin." Natawa lang kami kay Sopi. Parang magulang ko lang siya na nag-uutos kay Jarvis. "Mag-iingat kami, Madam," biro ko sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, Sopi. Lagi ko namang poprotektahan si Ria, lalo na ngayon na baka bigla siyang sumikat dahil siya ang modelo ng business ninyo," natatawang sabi ni Jarvis. Napa-irap naman ako sa kaniya. Talagang tinitingnan niya pa ang mga post ng accounts namin ha. Nakita na kaya niya ang mga bagong in-upload namin na mga alahas? Baka magtaka siya kung saan namin iyon kinukuha. Binuksan na ni Jarvis ang pintuan ng sasakyan para sa akin. Sumakay naman agad ako. Hindi na ulit nababanggit ni Sopi ang kaarawan

