Iminulat ko na ang aking mga mata. Pamilyar na sa akin ang lugar kung nasaan na kami ni Jarvis. Malapit na kami sa mall. "Jarvis, please, sana ay payagan mo akong makita si Sopi bukas. Ayoko namang sundan siya mula sa kaniyang school, hindi naman iyon tama," paki-usap ni Nathan. Kanina pa sila nag-uusap sa cellphone. Hindi pa ata makapag-decide si Jarvis kung papayagan niyang malaman ang tinutuluyan namin ni Sopi. Tumingin sa akin si Jarvis. Bumulong ako sa kaniya ng go signal. "Sige. Balak din kasing surpresahin ni Ria si Sopi bukas para sa kaarawan ni Sopi. Kung gusto mo ay sumabay ka na sa akin pagpunta roon. Tumulong ka na rin sa amin sa paggawa ng mga dekorasyon," nakangiting sabi ni Jarvis. Hindi naman siguro magagalit si Sopi kung biglang nasa bahay na si Nathan. Alam ko nama

