Pagpasok namin sa restaurant ay agad kaming inasikaso ng mga waiters. Tumungo rin ako noong bumati sila. Magaling mag-train ng mga employees ang pamilya ni Jarvis ha? "Good afternoon, Sir Jarvis and Ma'am," bati ng isang Chef. Imabot niya sa amin ang menu kung saan nakalagay ang lahat ng available meal at desserts na mayroon sila. Binuklat ko ito. Hindi ako magaling sa presyuhan, pero alam kong mahal din ang mga pagkain nila. "Pili ka lamang ng gusto mo. Sagot ko naman ito. Sinisigurado ko na masasarap ang mga pagkain dito," ika ni Jarvis. Ngumiti ako sa kaniya. As usual, panay karne ang aking pinili. Sumubok naman ako ng frappe nila. "Good for 2 mostly ang mga pagkain dito," dagdag pa niya. Ganoon ba? Mas mura pa pala sila kumpara sa ibang restaurant. Halos presyo na ito ng iba

