"Nagtataka lang ako. Paano ka nagkakaroon ng pera kung wala kang ibang work at kaga-graduate mo lang? Akala ko ay mapilitan kang lumayas na rin dahil sa mga nag-ampon sa iyo?" pagtatakang wika niya. Nanigas ako sa aking pwesto. Paano ko ba ito masasagot? Hindi ko naman pwedeng sabihin na sila Zoe ang nagtutustos sa mga gastusin ko. Ngumiti ako sa kaniya para hindi magmukhang kabado. Sagot ko, "Matagal na akong may ipon. Binibigyan din naman nila ako noon kahit papaano. Lalo na sa mga komisyon ko sa business nila. Binigyan din naman nila ako ng pera para sa pang gastos ko. Hindi ko nga sana tatanggapin, pero pinilit nila para wala na rin akong habol sa kanila." Ilang pagsisinungaling pa ba ang sasabihin ko sa kaniya? Hindi totoo na may pakialam sa akin ang mga magulang ko. Hinding-hindi

