Ang araw na ito ay ang unang araw ni Sopi pagpunta sa modelling agency nila ni Zoe. Nakabili na agad si Care ng sasakyan para sa akin. Ang binili niya ay SUV para raw malaki at magkasya ang mga supplies na bibilhin namin. "Good luck, Sopi! Kayang-kaya mo iyan. Ikaw pa ba?" pagpapalakas loob ko sa kaniya. Hindi ako makakasama sa kaniya dahil hindi rin pwede ang chaperone sa loob ng company. Ngayon ay aayusin ko lang ang working place namin ni Sopi. Sa sala na lang namin ilalagay ang mini studio. Si Sopi na rin kasi ang gagamit ng isang kwarto. "Bibilhan kita ng pasalubong, Ate Ria. Diyan ka lang ha? Huwag masyadong maglalalabas," natatawang utos niya sa akin. "Ingatan mo ang sasakyan ha? Kapag iyan nagasgasan agad, ibabalik kita kay Nathan," biro ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako.

