Chapter 67 MADDIE'S POV "Excuse me Sir, nandito si Mr. Ramirez gusto ka daw niyang maka-usap. Nandon po siya sa labas po." Lumapit sa'min si Ivonne. "Sige, maraming salamat." Bumaling ng tingin ang binata sa'kin. "Saglit lang Maddie, at pupuntahan ko muna siya saglit. Babalik na lang ako," paalam nito at tumayo na si William. "Ayos lang. Pupuntahan ko na rin muna si Liliam saglit," isang tango lamang ang kaniyang sinagot at nag lakad na siya paalis kasama si Ivonne. Nag maka alis na si William, nag lakad na rin ako pabalik para puntahan ang anak ko, para alamin kong okay lang ba ito. Tiyak sa pag kakataon na ito, hinahanap na sila, dahil hindi kami nag paalam nang maayos dito. Patuloy lamang akong nag lalakad at nakaka salubong ko rin ang mga estudyante na naroon. Nilibang ko na la

