CHAPTER 68 WILLIAM'S POV "Come on!" Hamon ko sa lalaki. Inextend ko ang aking kamay para maging harang at proteksyon na hindi niya saktan muli si Maddie. Nag pagkakataon na tumayo na siya habang dinarama ang malakas kong pag kakasipa sakaniya. "William?" Tinig ni Maddie, na hindi niya siguro inaasahan na darating ako. Mabuti na lang talaga at sinundan ko si Maddie, at baka napahamak na ito. "Anong ginagawa mo dito?" Bakas ang gulat sa kaniyang tinig. "Doon ka muna sa tabi, ako na ang bahala sakaniya!" Matigas kong tinig at kusa naman siyang umatras dahil alam na nito ang sunod na mangyayari. "Mag iingat ka William," anito. Nang tuluyan na siyang maka layo, at binigyan ko nang matalim na titig ang lalaki sa harapan ko. Mabilis siyang sumugod sa direksyon ko para lamang bigyan nang

