Chapter 69 MADDIE'S POV "Kamusta na ang pakiramdaman mo? Masakit pa ba?" Nguso ni Julie sa braso ko. "Medyo, pero ayos lang naman ako Julie." Umayos ako ng pag-kakaupo at pinag mamasdan ang mga customer na naroon. Pasado singko pa lang nang hapon no'n. "Ano bang nangyari? Alam mo na ba ang may pakana nito sa'yo?" Umiling na lang ako sagot niya. Hanggang ngayon wala pa din kaming makuhang lead kong sino ba talaga ang may gawa nito sa'kin. Nasa pangangalaga na din ng pulisya, ang lalaking tumangkang pumatay sa'kin pero wala din napiga ang mga pulis dito. Sinabi niya na lang na ang Hidalgo daw ang nag utos sakaniya, pero hindi niya alam kong sino talaga iyon. "Wala pa, sabi ni William naka-usap niya daw si Hannah, at sinabing hindi daw siya ang gumawa nito." Naka-usap ko si William kanin

