Chapter 34 : Huling Laban Part 2 "Alam mo ba kung bakit nag-away kami ni Lakay noon na aking kapatid,Nathaniel?" Nakangisi niyang tanong sa akin. "Oo! Dahil masama ka! Dahil makasarili ka!!" Sigaw ko sa kanya na nagpahalakhak sa kanya ng malakas. "Mali ka,Nathaniel! Hayaan mo ako at ikwekwento ko sayo!" Nathaniel's Point of View: Nagsimula ito noong panahon na nag-aagawan ang mga nilalang sa teretoryo. Ang mga tao, hayop, halaman at lahat nang bagay sa mundo ay gawa ng aming Ama. Hindi ko maintindihan si Ama kung bakit pa niya kayo ginawa. Wala na sana kaming problema pero wala kaming nagawa kundi sundin siya. Nagsimula ang alitan namin ng aking kapatid noong binigyan kami ni ama ng tungkulin. Ang tungkulin namin ay gabayan at bantayan ang kaniyang mga nilikha. Sa una ay naging maayo

