Chapter 33: Huling Laban Part 1 Nathaniel's Point of View: Nakatingin lang ako sa kung saan sina Nilo habang ginagamot siya ni Jaycee. Nakahawak sa kanyang tiyan si Nilo. Kitang kita ko ang sakit na kanyang naranasan sa kamay ni Zephyr. Napapikit ako ng aking mga mata at pagkatapos ay tumingin ako ng diretsyo kay Zephyr na nakangisi. "Ano,anak? Lalabanan mo ba talaga ang ama mo?" Nakangisi niyang tanong sa akin na kinangisi ko rin. "Sinong ama,ikaw? Sinong niloloko mo,ako? Para sabihin ko sayo, alam ko na ang tungkol sayo!" Sabi ko sa kanya na nagpabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong sa akin. "Alam ko na kung sino ka kaya kung pwede ay umalis ka na diyan sa katawang matagal mo nang inaangkin!" Sabi ko pa sa kanya. "Hindi ko alam a

