Chapter 27: Prinsipe Calik VS Armando ....................... "Tumabi na muna kayo at manood,mga bata." Utos sa amin ni ama na sinunod naman namin. Lumayo nga kaming lahat sa kinalalagyan nila ama at Armando. Si Jayson naman ay lumayo sa kanyang ama. Alam kong makakapanood kami ng banggaan ng kapangharihan ngayon! "Hindi ko mawari kung ano ang pumasok sa iyong kaisipan at umanib ka kay Zephyr,Armando. Naging maayos ang aming pagtanggap sayo noon. Naniwala kami sa kwento mo na gawa gawa mo lang pala. Ngayon, sa ginawa mo sa buong lahi natin ay nararapat lang sayo ang maparusahan!" Sambit ng aking ama kay Armando na nakangisi lamang. "Akala mo kung sino ka,Calik! Kung hindi lang ako pinadala noon ni Haring Zephyr dito ay ako dapat ang namuno, hindi yung si Argon! Ako ang kapatid ni Ferr

