Chapter 26: Laban na!! Napatigil kaming apat sa bungad ng palasyo ni Haring Zephyr. Nagtataka kung bakit napakatahimik dito. Alam kong sa likod ng katahimikang ito ay naghihintay ang isang madugong labanan. Dahan dahang binuksan ni Jacob ang malaking pintuan ng palasyo. Sa pagbukas nito ay sumalubong sa amin ang napakadilim na lugar. Sabay sabay kaming pumasok at sa pagpasok namin ay unti unting nagkaroon ng liwanag mula sa mga dingding. Nagkatinginan kaming apat at determinadong sinundan ang ilaw na patungo kung saan. Sa pagsunod namin sa mga ilaw, dinala kami nito sa bungad ng isang kwarto. Alam kong sa likod nito ay may naghihintay sa amin. Napabuntong hininga ako at napatingin sa aking mga kasama. Halata sa kanilang mukha ang kaseryosohan at handang handa na sila para sa aming misyon

