Chapter 20: Ang Kagustuhan o Ang Misyon? Nathaniel's Point of View: "Seryoso ba talaga kayo sa inyong mga sinabi kanina na magpapakasal kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa amin. Naglalakad kaming tatlo patungo sa sinabi niya kaninang lugar kung nasaan si Sierra Sinukuan. "Oo, sigurado ako at alam kung ganun din ang lalaking mahal ko." Sagot ni Nilo sa dalaga. "Mabuti kung ganoon. Sana lamang ay hindi magbabago yang nararamdaman niyong dalawa at sana lamang ay siguradong sigurado kayo sa papasukin niyo." Sambit ng dalaga sa aming dalawa ni Nilo. Nagpatuloy na lang kami sa pagsunod sa kanya at naalala ko ang ikwenento ng dalaga sa amin kanina. Natanong kasi namin siya kanina kung sino si Sierra Sinukaan at ikwenento naman niya ang nakaraan. Ayun sa kanya, si Sierra Sinuku

