Chapter 21: Ang Pagbabalik Nathaniel's Point of View: "Tara na! " "Uwi na tayo!" Nakatayo pa rin ako at tinitignan ang aking lolo na nakalahad ang kanyang kamay sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nagpipigil sa akin na ayaw kong sumama. "Matagal nang naghihintay ang mga magulang mo,apo. Ang mama mo, papa mo at ang kapatid mo." Dagdag pa niya. "Paano si Nilo,lo?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya. "Pabayaan na natin siya,apo. Wala ka naman mapapala kung magpakasal ka sa kanya. Hindi mo naman siya mahal at naging mitsa pa ng buhay mo itong pagsubok na ginagawa niyo." Sagot niya sa akin na nagpangisi sa aking mga labi. "Hahanapin ko si Nilo,lolo. Hahanapin ko siya at sinisigurado kong magtatagumpay kami. Hindi ko alam kung talagang mahal ko siya o hindi pero sa totoo lan

