INIHANDA na ni Irene ang sarili sa pinaka masamang pwedeng gawin sa kaniya ni Norman nang sabihin nitong paparusahan siya nito. Pero hindi pa rin nawala sa kaniya ang manlaban. Nagwala siya habang hila siya ng lalaki sa isa niyang braso. Mas malakas si Norman sa kaniya kaya walang-wala ang lakas niya dito. Nanlaki ang mga mata ni Irene nang makita niyang papunta sila sa isang tila malaking kulungan ng aso na nasa isang sulok ng kwarto nito. Sigurado siyang doon siya ikukulong ni Norman! Yari ang mga rehas ng kulungan sa bakal na sa tantiya niya ay dalawang daliri niya ang taba. Isang dipa niya ang haba niyon at kalahating dipa naman siguro ang taas. Binuksan ni Norman ang pinto ng kulungan at sinipa siya nito papasok doon. Napasubsob siya sa matitigas na bakal na siya ring sahig ng natur

