“DAPA!” SIGAW NI Eros sabay tulak sa kasama nang magpaputok ang lalaking sa di’ kalayuan. Paano nakapasok ang lalaking ito sa loob ng campus? “Eros, hindi tayo pwedeng lumaban ngayon. We’re inside the university,” kinakabahang sabi ni Edel. They were about to run towards the car nang makitang may naghihintay na doon. Napamura si Eros lalo na nang may bigla na lang sumulpot sa tabi nila at lagyan ng posas si Edel. Walang masyadong tao sa lugar na iyon kaya walang nakakita sa paglapit ng mga ito. They’re using a special gun na may silencer at tila handa sa pagsugod sa university. Mukha rin kasing estudyante ang tatlo at nakasuot pa ng t-shirt ng ROTC kaya walang maghihinala. Wala na siyang nagawa nang isama nito si Edel. “Don’t hurt her,” kinakabahang sabi ni Eros. “Sasama na ako.” SA I

