TAHIMIK NA NAKATANAW si Eros sa ibaba ng mataas na building habang umiinom ng alak. Natigilan siya nang matanaw ang naiwang kwintas ni Edel sa lamesa at malungkot na kinuha iyon. Hindi niya na naisauli iyon sa babae dahil hindi na sila ulit nagkausap pagkatapos ng nangyari kay Evan. Ang sabi ng mga magulang ay kasalukuyan itong nasa Japan at namamasyal kasama ang kambal. He missed her so much at ilang beses niya ring tinanong sa sarili kung gusto niya pa bang ituloy ang paghihiganti sa Blacksmith. Dahil kung puso niya ang tatanungin, ayaw niya na kung ang kapalit naman noon ay ang paglayo ni Edel. Sinuot ni Eros ang kwintas ng babae at tiningnan ang repleksyon noon sa salamin. Mabuti pa ang bigay ni Emman ay isinusuot nito. Simula bata sila ay madalas niyang pagselosan ang kapatid dahil

