NAPADAAN SA SALA si Eros nang marinig na nagriring ang telepono. Napilitan siyang sagutin iyon nang walang sumasagot. Naalala niyang day-off nga pala ng mga katulong at silang magkakapatid lang ang nasa bahay. Natanaw niya mula sa loob na nasa garden si Edel habang nag-aaral. Napangiti si Eros bago sinagot ang telepono. “Altamirano residence.” “Hi, can I speak to Edel?” Kinabahan si Eros. Boses iyon ng lalaki. “Sino ito?” “This is Jeff.” Nagdilim ang mukha ni Eros. Ito ang lalaking madalas dumalaw sa kanila at nagpaalam pa sa daddy niya na manliligaw kay Edel. Mabait naman ito sa kanila ni Emman pero ayaw niya sa lalaki. “She’s not here,” malamig na tugon ni Eros sabay sulyap sa labas para tingnan kung nakatingin si Edel. “Ganoon ba? Sige, pakisabi na lang na tumawag ako.” Hindi n

