EROS WAS A perfect boyfriend. Ito lang ang nagparanas kay Edel ng pag-ibig na hindi niya naranasan kahit kanino. Kahit pa kay Jeff na itinuring niyang first love. Kahit pa lagi niyang sinusungitan ang lalaki ay hindi pa rin ito nagsasawa. “Momsy,” nakangiting salubong ni Eros nang minsang dumalaw siya sa kanila. “Napadalaw ka. Namiss mo yata ako e.” “I’m here to visit the family,” ungos ni Edel. “Huwag kang maingay dyan baka may makaalam ng tungkol sa’tin.” “Sorry na,” nawala ang ngiti ni Eros. Lihim namang napangiti si Edel. Ang cute talaga ng lalaki kapag nagtatampo. “Ate,” napalingon ang dalawa nang lumapit si Emman. Masaya itong niyakap ni Edel. Ilang buwan niya ring hindi nakita ang kapatid dahil matagal siyang hindi nakadalaw sa kanila. Si Eros naman kasi ay halos araw-araw duma

