"EDEL, GISING NA," isang malambing na tinig ang narinig niya at gusto niyang bumalik sa mahimbing na tulog nang makita kung sino iyon. "I brought you breakfast," nakangiting saad ni Eros pagkatapos ipatong ang isang tray na may lamang breakfast sa side table. "Gumising ka na, hinahanap ka nila Pamela." Naiinis na bumangon si Edel at tiningnan nang masama si Eros, "Ano pang ginagawa mo dito? Labas na." Nagtataka itong tumingin sa kanya, "Ang sama yata ng gising mo." Nahigit ni Edel ang paghinga. Gusto niyang sakalin ang lalaki kahit wala namang dahilan. "Basta, umalis ka na sa harap ko. At huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino 'yung nangyari ha? Kalimutan mo na 'yun," banta niya rito. "Ano 'yun?" inosenteng tanong ni Eros. "Basta 'yun." "Ano nga 'yun?" pangungulit pa rin ni Er

